Chapter Eight

4.6K 98 1
                                    

Nang sumapit ang alas tres ay naghanda na ako. Hindi ko alam pero kapag naiisip ko na magda-date kaming dalawa ni Carl ngayong gabi ay nakakaramdam ako ng excitement na may halong kaba.

Ninenerybiyos ako sa mga mangyayari.

Nagsuot ako ng isang simpleng dress ngunit eleganteng tignan. Kulay pula na spaghetti straps, floor length siya at may split sa harap.

Pagkatapos kong magmake up ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

Mukhang tao na ba ako sa ganitong itsura?

Sakto namang pagkuha ko ng aking pouch  ay may taong nagdoorbell.

"Si Carl na siguro 'yon!" mahina kong bulong. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko.

Nagmamadali akong buksan 'yong pinto. Pagbukas ko ng pinto ay nadismaya ako sa aking nakita. Ibang tao kasi ang naroon at hindi si Carl

Isang lalaki na sa tingin ko ay kaedad ko lang, matangkad siya
Biglang nagbago 'yong mood ko. Nawala na rin 'yong excitement.

"Anong kailangan mo po?"

"I-Ikaw po ba si Krystal?" nauutal na tanong sa'kin nung lalaki.

Nagtataka ko siyang tinignan bigla kasing namuo ang pawis sa kanyang noo at namula ang kanyang mukha.

"Oo, ako nga pero okay kalang ba?"

"O-Opo, pinapasundo po kayo sa'kin ni Mr.Villanueva."

Tumango lamang ako bilang tugon at sumunod sakanya sa paglalakad.

Bigla akong nagtaka dahil papunta kaming rooftop. Nakaramdam ako ng takot pero hindi ko pinahalata sa lalaki.

Anong ginagawa namin dito? Siguro, may binabalak na masama ang lalaking 'to sa'kin.

Hindi ko napansin ang paglingon nung lalaki sa'kin dahil binagabag ako ng isip ko.

Kaya ng mabalik ako sa aking diwa ay napatalon ako sa gulat ng makita ko ang mukha ng lalaki.

"I-I'm sorry," paghingeng paumanhin niya. Umiling ako.

"No, it's okay!" natatawa kong sabi. Kasalanan ko rin naman 'yon e.

"Ah... Nandito na po tayo, maiwan ko na po kayo"

Tatanungin ko pa sana siya pero nakaalis na siya kaya ipinag sa walang bahala ko nalang 'yong tanong ko.

Bago ako pumasok ay nagdadalawang isip pa ako kung papasok ba ako or hindi.

Total nandito na ako kaya wala akong magagawa.

Nagulat ako ng pagpasok ko ang sumalubong sa'kin ay 'yong mga petals na nagkalat sa sahig.

It was romantic!

Naramdaman ko ulit 'yong excitement na kani kanina lang ay nawala.

Napansin ko rin na may sign na nakalagay sa bandang kilid. Ang nakalagay dito ay mga direksiyon. Sinundan ko ang mga 'yon.

Napatigil ako sa paglalakad dahil may isang sign na naiiba ang sulat.

Simula noon hanggang ngayon mahal kita.

Napagtanto ko na 'yon na ang huling sign.

Nagtataka ako dahil wala namang sumulubong sa'kin.

Scam ba 'to?

Nagulat ako ng biglang lumabas si Carl galing sa dilim. May dala siyang isang tumpok na rosas. Sobrang hot niyang tignan dahil sakanyang suot.

Kanina lang nung pumunta siya ng condo ko ay may dala siyang flowers at ibinigay sa akin tas ngayon bibigyan niya ulit ako?

Love Me BackWhere stories live. Discover now