Chapter Ten

4K 77 0
                                    

Isang linggo na ang nakalipas simula nung araw na niyaya ako ni Carl na magdinner date. At isang linggo ko na rin siyang hindi nakikita ang alam ko lang ay pumunta siya sa ibang bansa dahil sa business.

Sa totoo lang din ay namiss ko na 'yong lalaking 'yon. Hindi ko ba alam sa sarili ko, naguguluhan na rin ako. Magmomove on na raw tas ganito nangyayari, Hays!

Nang mag alas siyete na nang gabi ay dumiretso akong banyo para makaligo. Ang ginawa ko lang rito sa condo ay magscroll sa facebook pati na rin sa Instagram. Nanonood din ako ng movie minsan. Nabobored na nga ako sa mga ginagawa ko, paulit ulit nalang.

Kinanta ko 'yong kanta ni Moira na Ikaw at Ako habang naliligo. Hindi ko rin mapigilang sumayaw, kaya para tuloy akong baliw dito sa banyo. Napatigil ako sa ginagawa ko ng may marinig akong malakas na ingay na nagmumula sa labas.

Okay- anu 'yun. Nagsimula na akong makaramdam ng takot. Jusme ko! Kung sino ka mang nilalang ka na isang panget na magnanakaw. Huwag ka muna ngayon magnakaw kung pede lang mamaya nalang? Naliligo pa kasi ako rito hindi kita malabanan.

Nakahinga ako ng maayos at nawala 'yong takot ko nang makarinig ako ng isang pusa. Sobrang paranoid ko lang siguro, isang pusa lamang 'yon kaya kumalma ka self.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Binlower ko muna 'yong buhok ko. May balak akong lumabas ngayon para kumain.

Nagugutom na kasi ako at kung mamalasin ka nga naman, dahil sakto namang wala ng stock na pagkain na pwedeng maluto sa refrigaritor. Kaya no choice ako kundi sa labas kumain.

Nang tapos na ako sa pagblower at pag aayos sa sarili ko ay lumabas na ako sa'king silid. Papasok sana ulit ako sa kwarto ko pero napahinto nalang ako nang may mapansin akong isang anino sa kusina. Alam kong lalaki ang nagmamay ari ng anino na 'yon. Malalaman mo talaga dahil klaro naman sa tindig na isang lalaki.

Kumuha ako ng isang bagay para panghampas. Kinuha ko 'yong payong na malapit lang sa'kin.

Namutla na ang labi ko at nagsimula na rin akong pagpawisan dahil sa kaba. Natatakot man ay tinungo ko parin 'yong kusina. Dahan dahan akong naglakad para hindi ako makalikha ng isang ingay.
Sakto naman nakatalikod siya kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na hampasin siya sa ulo pero napigilan niya ako dahil sa biglaan paglingon niya.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat.

"CARL?!"

"Please lower your voice, Honey!" saway niya sa'kin. Kinuha ko 'yong kamay ko na hinawakan niya dahil sa balak kong paghampas sakanya kanina. Tinignan ko siya ng masama.

"Ba't ka nandito? Anong ginagawa mo rito? May kailangan ka?" mataray kong tanong sakanya. Mahina siyang tumawa. Tinaasan ko siya ng kilay dahil sakanyang ginawa.

Para talagang baliw ang lalaking 'to. Di ko maintindihan ang tumatakbo sakanyang isipan.

"Balak sana kasi kitang isurprise ngayon, nasurprise ka ba?"

Sarkastiko ko siyang ningisihan.

"Nasurprise mo talaga ako, sobra pa nga e! Pagkatapos mong mawala ng isang linggo nang walang paalam sa'kin susulpot ka nalang bigla dito sa harapan ko?! Nakakasorpresa talaga 'yon, sino ba namang hindi, diba?"

Gustong tumulo nung luha ko dahil sa inis pero pinigilan ko ang sarili ko.

"I-I'm sorry-Okay? Importante kasi 'yong pinuntahan ko pero hindi rin naman naging madali sa'kin na hindi ka makita ng isang linggo. Kaya nung makauwi na ako dito sa pilipinas dumiretso talaga ako rito sa condo mo. I miss you so much!"

Ramdam ko ang sincere sa kanyang boses.

"O-Okay lang naman sa'kin na umalis ka pero ang akin lang ba't ka hindi nagpaalam?"

Oo nga pala! Sino nga ba naman ako? Diba? Hindi naman ako importante sakanya kaya ba't pa siya magpapaalam sa'kin? Bobo mo talaga Krystal!

"You don't need to answer-" hindi ko na natapos 'yong sinasabi ko.

"Hindi na ako nakapagpaalam sa'yo dahil biglaan 'yong pag alis ko. Hindi rin ako nakatawag sa'yo dahil madami akong ginagawa kaya wala akong oras, sinakop na lahat ng mga gawain at kapag gabi naman ay nakakalimutan kong tumawag sa'yo at minsan nakakatulog nalang ako bigla dahil sa pagod." mahabang litanya niya.

"I-I'm so sorry, promise ko sa'yo babawi ako!"

Tinignan ko siya sakanyang mga mata para maghanap ng kasiguraduhan.

"Apology Accepted,"

Nakaramdam ako na parang isang kuryente nang bigla akong niyakap ni Carl. Nanlaki ang mga mata ko.

"C-Carl hindi a-ako makahinga ng maayos" nahihirapang wika ko. Agad siyang bumitaw sa pagkakayakap sa'kin.

Nahihiya niyang kinamot ang batok niya. Napayuko nalang ako dahil sa sobrang awkward na namamagitan sa'min.

"Hindi ko lang mapigilan"

Ngumiti na lamang ako sakanya para mawala 'yong awkward. Ningitain din niya ako pabalik.

"Oo nga pala! I cooked for you, alam ko kasing hindi ka pa kumakain."

Sobrang ekspert naman ng lalaking 'to. Paano niya kaya nalaman.

"Tama ka nga, hindi pa talaga ako kumain"

Napakagat ako sa'king labi nang marinig ko ang pagkalam ng tiyan ko. Narinig din siguro ni Carl 'yon! Nakakahiya naman.

"So... Let's eat?" tanong niya. Mahina akong tumango bilang sagot.

Finally! Magkakalaman na rin ang tiyan ko kanina pa kasi 'to nagrereklamo.















Love Me BackWhere stories live. Discover now