Chapter Nineteen

2.4K 61 1
                                    

Francya's POV

Pakanta kanta akong lumabas ng banyo nang matapos na akong maligo. Nakapag sleeping beauty na ako kanina kaya naging maganda na ang pakiramdam ko at mas lalong gumanda ang pakiramdam ko dahil fresh na naman ang dyosang katulad ko.

Did you know? Maganda ang boses ko. Yes, girl maganda talaga boses ko pero sadyang kontrabida lang talaga ang mga taong nasa paligid ko. Lalo na ang pinakakontrabidang best na best pak na pak na bestfriend ko na si Krystal. Sinabihan ba naman akong sintunado, but the truth is malasirena talaga 'tong boses ko. Makakatulog ka once na marinig mo boses ko pero ang twist ay 'di kana gigising. Echos lang.

Kumuha ako ng damit sa bagahe ko para makapagbihis na. Bukas ko na lang siguro 'to ilalagay sa tamang lalagyan. Balak ko talaga kasi magstay nang matagal dito sa pinas. Namiss ko kasi ang gagang best friend ko kaya gusto kong magtagal dito. Nang nakabihis na ako ay dumiretso akong sala. Nakasuot na ako ng pantulog dahil pagtapos na kaming manood ng movie mag-isleeping beauty ulit ako.

 
Pagkadating ko sa sala ay bumungad sa 'kin si Krystal na nakaupo sa sofa at naghahanap ng magandang papanoorin. Except sa pag-aasaran ito talaga ang madalas naming gawin kapag magkasama kaming dalawa. Parehong genre ng movie ang gusto naming panoorin kaya hindi talaga boring na manood ng movie kasama si Krystal. Minsan parang konektado ang utak naming dalawa at pareho kaming maganda pero mas maganda talaga ako kaysa sa kanya.

Tumabi ako ng upo kay Krystal at humilig sa kanyang balikat. Nakatuon lamang ang kanyang atensiyon sa screen ng tv.

“Tulungan mo 'kong mamili, Bakla.”

Hindi ko siya pinakinggan. Hinayaan niya lang akong humilig sa balikat niya at hindi alintana ang basa ko pang buhok. Humikab ako nang makaramdam ako ng pagka antok. Nawala ang antok ko nang malakas na tinulak ni Krystal ang ulo ko.

“Huwag ka ngang ganyan, Bakla. Baka 'di pa nagsisimula ang movie ay nakatulog ka na riyan. Umayos ka kundi makakatanggap ka ng sapak sa 'kin.”

Hindi ko naman kasalanan kung antokin akong tao. Bahala siya riyan, 'di ko naman kasi kasalanan kung nagkaroon siya ng dyosang antokin na kaibigan.

“Krsytal, don't worry girl 'di kita tutulugan.”

Pinangsikitan niya ako ng mata. Sa klase ng kanyang paninitig sa 'kin alam kong hindi siya naniniwala sa sinabi ko pero hindi na siya umangal pa. Umayos ako ng upo at ibinaling na lang ang mga mata sa malaking tv flat-screen na nasa aming harapan. Well, parang maaanhalintulad ko si Krystal sa tv na flat-screen. Alam niyo na kung bakit, dalawa kasi likod niya. Echos lang! Baka pag nabasa ni Krystal nasa utak ko ipatapon pa ako nito sa Jupiter.

Binigyan ko ng masamang tingin si Krystal nang mapagtanto kong horror movie ang napili niyang papanoorin. Super duper ultramega ko talagang love ang babaeng 'to. Pero nakalimutan kong sabihin na minsan hindi ko bet iyong pinipili niyang genre ng movie lalong lalo na ang horror. Alam kong ginagawa lang naman niya 'yan para mang-asar.

“Ba't horror movie pa ang napili mo? Hindi ba puwedeng romance na lang!” pag-angal ko.

Hindi niya ako binigyan ni katiting na atensiyon man lang. Nanatiling nasa harapan ang kanyang mga mata. Nang magsimula na ang horror movie na kanyang pinili ay parang batang sumiksik ako sa tabi niya. Kinuha ko ang sofa pillow na nasa kanyang hita. Niyakap ko ito ng mahigpit. Sana jowa na lang 'tong unan na yakap yakap ko para hindi ako maiistress sa horror movie na pinapanood namin. Mahina akong pinalo sa braso ni Krystal nang muntik nang matapon 'yong popcorn.

“Umayos ka nga wala pang nakakatakot diyan pero kung makareak ka para ka nang hihimatayin. Susme.” Inirapan ko lamang siya.
Umayos na akong upo dahil wala pa naman talagang nakakatakot. Ilang minuto ang lumipas ay biglang nagsalita si Krystal.

Love Me BackWhere stories live. Discover now