Chapter Seven

5.2K 111 4
                                    

Nanonood ako ngayon ng isang K-Drama. Heto ako umiiyak dahil sa scene na aking pinapanoud. Lumuhod kasi 'yong babaeng bida habang nagmamakaawa sa lalaking bida na wag siyang iwan. Bakit ganoon parang nakikita ko ang sarili ko sakanya.

Habang nakatuon ang aking mata sa tv screen ay may biglang nagdoorbell. Napatigil naman ako sa pag-iyak.

"Sino naman kayang itong tipaklong na istorbo?" mahina kong bulong. Pinause ko muna 'yong pinapanoud kong K-Drama. Tumayo ako para pagbuksan ang taong nagdoorbell. Nagulat ako ng makita ko si Carl na nakatayo sa harap ng pinto.

Ayt! Siya pala 'yong tipaklong na istorbo! Bakit naman kaya mang iistorbo 'tong tipaklong na 'to?

"Ang hilig mong mang istorbo ng tao! Alam mo ba 'yon?" iritadong sabi ko sakanya. "Ano na naman ang kailangan mo? Huwag mong sabihin na namimiss mo ako dahil baka masapak talaga kita."

"Ganoon na nga,"

"Kahit kailan talaga, Carl!" nanggigigil kong sabi sakanya.

Natigil ako sa pagsasalita. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko na may inilabas siyang flower, chocolate, at teddy bear sa kanyang likuran. Nagtataka ko siyang tinignan sa mata.

Ibinigay niya ito sa akin. Nung una ay nag aalinlangan ako kung tatanggapin ko ba o hindi pero sa huli ay tinanggap ko. Sobrang laki naman ng teddy bear na 'to pero okay na din dahil may katabi na rin akong matulog sa gabi.

"Para saan 'tong mga 'to?" nagtatakang tanong ko sakanya. Tinignan ko ang mga binigay niya sa'kin. Hindi naman Valentine's, para saan kayo 'to?

"Pwede bang papasukin mo muna ako?"

Napakamot siya sakanyang batok. Nahihiya ko naman siyang tinignan. Nilakihan ko ang bukas ng pintuan.

"I-Im sorry, pasok ka" nahihiya kong sabi sakanya. Nang pumasok siya ay pinaupo ko siya sa sofa. Tinanong ko din siya kung gusto niya ba ng tubig, kape or juice ngunit tumanggi lamang siya.

Nilagay ko muna 'yong flowers at chocolates sa lamesang nasa harap namin bago umupo sa kanyang tabi. Iyong teddy bear naman ay dinala ko sa aking tabi, pinaupo ko ito.

Tumikhim ako.

"A-Ano--" sabay naming sabi kaya napahinto ako at ganoon din siya.

"Ikaw na ang mauna," sabi niya.

Umiling ako.

"No, ikaw na"

Sa totoo lang para kaming mga teen ager na magkakaaminan ng feelings. Naalala ko tuloy 'yong araw na umamin ako sa totoo kong nararamdaman sakanya, ganito rin 'yong scene e. Hays! sarap balik balikan ang mga high school memories naming dalawa.

"No, I'm fine, ikaw na mauna. Ladies first," tumango na lamang ako para matapos na rin.

"Para saan ang mga 'yan? Anong ganap?" turo ko sa mga binigay niya na nasa lamesa. "Hindi rin naman Valentine's Day, kaya nakakapagtaka lang na binigyan mo ako ng ganyan. Pwera nalang...kung nanliligaw ka"

Ay tangek naman 'tong bibig ko. Hindi magandang biro 'yon Krystal baka totohanin...Pwede rin, hays baliw kana self!

Nabalik ako sa'king diwa ng tinawag ni Carl ang aking pangalan.

"Huh?" wala sa sariling tanong ko sakanya. Mahina siyang tumawa.

"Sabi ko, I'm here to invite you for a dinner date."

Napaawang ang aking bibig. Nanlaki rin ang aking mga mata. For real?

"U-Ulitin mo nga,"

"Again, I said I'm here to invite you for a dinner date, if it's okay to you?"

Nagdadalawang isip naman ako kung sasagutin ko ba siya o hindi pati rin kung papayag ba ako o hindi. Hindi na ako makapag isip ng maayos dumagdag pa 'tong puso ko na sobrang bilis kung tumibok.

"O-Okay lang naman sa akin," alinlangan kong sagot.

"Really?" tanong niya sa akin sa masayang boses. Mahina akong tumango. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.

Jusmiyo ko! Ano na naman 'to?

Nang marealize ni Carl ang kanyang ginawa ay bumitaw siya sa pagkayakap niya sa'kin.

Salamat naman, hindi na kasi ako makahinga ng maayos dahil sa puso ko.

Itong nararamdaman ko ay pareho lang sa nararamdaman ko noon kapag malapit siya sa akin. Wala paring pinagbago hanggang ngayon ganoon parin. Minsan nakakaloko lang 'tong pakiramdam na 'to.

"I'm sorry nadala lang ako sa emosyon ko," paghinging paumanhin niya. Hindi naman agad ako nakatugon sakanyang sinabi. Parang napipi ako sa mga oras na 'to.

Napatingin ako sakanya ng tumayo siya.

"Aalis na pala ako. Maghahanda pa kasi ako para sa dinner date natin. Tiyansa ko na rin siguro 'to,"

Tumalikod na 'to sa akin. Hindi ko siya mahahatid sa pinto dahil ang katawan ko ay walang balak na gumalaw. Nanatili lamang akong nakaupo habang nakasunod ang mga mata sakanya.

Nagtataka kong tinignan si Carl ng bigla siyang bumalik.

"May nakalimutan pala ako," sabi niya.

"A-Ano?"

Hindi pa ako nakarecover sa ginawa niya ay may ginawa na naman siyang mas nakakagulat. Hinalikan niya ako sa noo, ilong at labi. Sunod sunod ang mga 'yon. Naestatwa ako.

"Bye,"

Hindi ko na napansin ang paglabas niya dahil napatulala ako sakanyang ginawa. Anyare?

Nakabalik lang ako sa aking diwa ng tumunog ang selpon ko. Kinuha ko 'to sa aking bulsa.

It's a text message from unknown number.

Sana nagustuhan mo ang binigay ko sa iyo. Susunduin nalang kita mamaya!

Iyon lang naman ang message na nabasa ko.Klaro naman na galing 'yon kay Carl dahil siya lang naman ang may binigay sa akin ngayong araw diba? Hindi ko siya nireplayan. Binalik ko 'yong selpon ko sa pinaglalagyan.

Napatingin ako sa teddy bear na nasa aking tabi. Ilang minuto ang lumipas ay bigla akong napayakap sa teddy bear ng sobrang higpit.

His scent are still here.

"Simula ngayon tatawagin kitang Drake." pagkausap ko sa teddy bear. Drake ang tawag ko sa teddy bear na ibinigay sa akin ni Carl dahil 'yon ang second name niya.

Huwag kayong ano riyan! Hindi pa ako nababaliw dahil sa kilig pero malapit na rin dahil 'yon kay Carl.

Love Me BackOnde histórias criam vida. Descubra agora