Capítulo Diecinueve - Thinking, talking, staying

Start from the beginning
                                    

"Oo, may iba ka pa bang boyfriend?" Tanong nya.

"Wala na kong boyfriend. Ex na tawag doon."

"JM.." tawag ko sa kanya tsaka ko dinampi ang mga palad ko sa mukha nya.

"Tulungan mo ko. Iakyat natin 'to." Nararamdaman ko rin na parang may lagnat sya. Napakainit nya.

Tinulungan naman ako ni Toper itayo si JM.

Syet! Ang bigat!

"Di naman 'to nakikipag-away di ba?" Tanong ko nang maalalayan ko si JM at inakbay ko sa akin ang braso nya.

"Hindi po.. depende e. Basta! Di pa naman sya lasing kanina e. Nakatayo pa nga 'to e." Sagot ni Toper.

"Anong hindi lasing!? Eto ngayon oh! Tulog. Ang bigat ng boss mo." Ginamit ko naman yung paa ko para ibukas pa yung pinto.
Nakasalubong namin si Greg, awkward talaga pag nakikita ko 'tong lalaking 'to. Kamukha ni Tom kapag sideview.

"Ay ma'am akow na pow. Saan pow ba dadalhin?"
Ayan nanaman siya sa slang nyang pananagalog. Nagpresinta sya kaya't inilipat nya sa kanya yung pagkakaalalay ko.

"Sa office ni boss tol."

Nauna naman na ko doon. Dumeretso ako agad sa kitchen nya.

Nakita ko naman yung stainless nyang wash bowl.

Dalawang beses palang ako nakakapunta dito. Nung una di ako gising pero nung pangalawa ay kinulit lang namin sya na tignan 'to.

Narinig ko naman na padating na sila Toper.

"Sa kwarto nya ninyo sya dalhin para komportable." Sabi ko nang makarating sila sa may lazyboy at ihihiga na sana doon. Habang nag lalagay ng malamig na tubig sa planggana, kumuha na rin ako ng ice bag. Naghuklat sa ref nya at kung anu-ano pa.

Hanggang sa maihanda ko na lahat ay dinala ko na yon sa kwarto nya.

"Ano ba kasi naisipan nya at nagpakawasted?" Sabi ko pagdating ko sa kwarto nya. Bumaba na rin si Greg dahil may ilang customer daw sa baba.

"Nakatayo talaga yan kanina bigla nalang nakatulog."

"Huh?" Kunot noo kong tanong dahil napakagulo talaga kausap nitong si Toper dati pa.

Kinulang yata sa buwan 'tong tao na kausap ko e.

"Kasi kanina tinawag nya ko pagkatapos lumabas nung niligawan nya, pasigaw pa nga e. Edi takbo ko dun syempre. Pagdating ko sabi nya wala raw syang makita. Tapos kinapa yung upuan tsaka doon naupo. Huling sabi nya 'wala akong makita. Madilim' tapos natulog na." Kwento nya habang nagpipilipit ako ng basang bimpo para ipamunas kay JM.

"Lasing ba yung ganun boss Jak? Di ko pa talaga nakikita yan na lasing e. Nagkukukong yan pag ganun."

"Di ko alam, baka ganun sya kapag nasobrahan na. Sa susunod pigilan mo na boss mo uminom kapag ganun." Malumanay kong sabi habang pinupunasan ang mukha ni JM. This man. Ano bang problema mo, pwede naman natin mapag-usapan.

"Baka po kasi mawalan ako trabaho." Sagot nya naman.

"Sige na ako na bahala dito. Baka may mga customer na ulit sa baba." Dagdag ko pa.

"Sige po."

Pinagpatuloy ko na yung pagpupunas sa kanya.

Nasasaktan ako sa nakikita ko.

PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now