"Thanks. Hintayin mo lang ako dyan, ako na kukuha ng pagkain natin" aniya at nagsimula ng ikutin ang buffet area at kumuha ng iba't ibang pagkain.

Nahagip naman ng mata ko si Dylan, may kasama din syang isang babae. Sino naman kaya yun?

"Oh, eto na pagkain mo. Saan ba tayo uupo?" Biglang salita nya at inabot na sakin ang plato na may pagkain.

Sinenyasan ko sya na sundan ako tsaka kami naglakad at umupo sa isang bakanteng table.

Katulad kanina sa byahe, tahimik lang din kami kumain. Tsk, saan ba napunta ang kadaldalan nya?

Sabagay, tahimik din naman dati si.... F*ck Lincoln are you out of your mind?

Bigla naman na napaltan na ng slow music ang sound system. Magsisimula na ang sayawan, ang madugong pagsasayaw ng masasaksihan ng lahat.

Tumayo na ko at linahad ang kamay ko sa harap nya. Tinanggap nya naman ang kamay ko at tumayo narin. Pumwesto na kami sa gitna ng venue kung saan nagsasayaw ang ibang mga estudyante.

Habang nagsasayaw kaming dalawa, hindi ko maiwasan na muling magtama ang mga mata namin. Hindi ganito ang nararamdaman ko sa tuwing tinititigan ko ang mga mata nya. Ngayon, bakit parang nakakaramdam ako ng pagmamahal?

Sa hindi ko malamang dahilan, dahan dahan ko linapit ang mukha ko sakanya. Ng malapit ng maglapat ang mga labi namin ay kasabay non ang pagdilim ng buong paligid. Agad nagkagulo ang mga tao sa buong paligid.

"Good evening students. Enjoying the night?"

Biglang salita ng isang pamilyar na boses. Agad ko naman hinawakan na ang kamay nya ng mahigpit.

"Don't ever let go of my hand. You'll die if you do" banta ko sakanya.

"You'll die if I don't" sagot nya kaya agad kumunot ang noo ko. Muling nagsalita ang lalaki mula sa mikropono.

"You may all be wondering what this is all about right? Relax people, I assure you, this night is a night that you'll never forget"

Agad nagsigawan ang tao ng may nagpaputok ng isang baril. May nagbukas ng isang ilaw at nakatapat ito sa tao na ngayon ay naka higa na sa sarili nyang dugo. Mas lalong nagsigawan ang mga tao dahil sa takot.

"If you don't want to soak in your own blood, then do as hard as you can to leave in this room in ten... nine"

Agad nagtakbuhan at nagtulakan ang mga tao para makalabas ng venue.
Tumigil sa pagtutulakan ang mga tao ng makitang sarado ang lahat ng pinto palabas.

Narinig namin ang malakas nyang halakhak, kasabay non ang tatlong pagputok ng baril. May nagbukas muli na tatlong ilaw na nakatapat sa tatlong tao na ngayon ay nakabulagta narin at ang mga puti nilang kasuotan ay naging kulay pula na.

"Do you really think, that I would let you all escape? This event is the most memorable, bloody, and wild celebration in the history of all universities. One kill, double amount of money, and triple amount of hatred. A hatred that you'll forever regret. I know all of you have been already killing me deep inside, but sorry to say, I'm stronger than demon's weeds. So just better enjoy the night, and see you all in your next life"

Nagsigawan muli ang mga tao ng tuloy tuloy na ang pagputok ng baril. Bawat putok ng baril, isang ilaw ang bumubukas.

Your really a f*cking demon, Felix.

Bigla naman nagbukas ang mga pinto papalabas ng venue kaya agad nag si takbuhan ang mga tao palabas.

"Looks like your already joining forces together huh? For what? Sa dami ng pinagsamahan natin, ipagpapalit nyo rin pala ako sa kapwa nyong mga daga?" Salita ni Felix.

Nakatayo sya sa gitna ng stage at ngayon ay tinututukan sya ng baril nila Handrix, Riley, Cole at Khenz. Sa kabila naman nya ay sila Levi, Kyle, Jonathan.

"Pinagsisisihan namin na nagpaloko kami sayo g*go. Ang t*nga namin para maniwala sayo na magkakampi tayo. Pero ano palang ginagawa mo? Dinadaga mo na pala ang mga yaman at pera namin para palaguin nyo ang ilegal nyong negosyo ng tatay mo?" Sagot sakanya ni Riley.

Muling tumawa ng malakas si Felix.

"Kung meron man daga dito ay kayo yun. Dahil dinaga nyo din ang kapangyarihan ko para mapabagsak ang BX5, tama ako diba? Sakim kayo sa popularidad na tinatamasa nila. Wag na tayo mag g*guhan dito dahil aminin nyo ng pare parehas lang tayo ng gusto na mawala sa mundong 'to ang mga lalaking yon"

"Oo. Inaamin namin na kinain kami ng inggit at selos sakanila. Pero ng malaman namin ang lahat ng ka g*guhan na ginagawa mo samin, duon namin nakita kung gaano kami ka t*nga at ka b*bo para makipag tulungan sa isang mamamatay tao na katulad mo para lang sa isang walang kwentang dahilan. Masyado ka ng kinain ng inggit at ka sakiman mo sa pera kaya ni pagpatay ng tao, wala nalang sayo" sagot ni Handrix.

"Sa tingin nyo ba, may maniniwala sa inyo na mamamatay tao ako kung wala naman kayong ibidensya? Gaya nga ng tawag nyo sakin, isa akong demonyo. Nakatira ako sa lumiliyab na impyerno kaya bawat krimen na ginagawa ko, sinisiguro ko na walang matitirang bakas na ebidensya laban sakin. Magagamit nyo bang ebidensya ang mga sinunog ko na at mga tira tirang abo nalang ang makikita?"

"Dyan ka nagkakamali. May isang tao kang nagkamali ka na pinagkatiwalaan mo pa. Sinunog mo man ang lahat ng ebidensya, may kopya naman ako ng bawat krimen ng ginawa mo. Maaaring metal, papel o plastik ang mga prowebang sinunog mo. Pero anong magagawa mo? Gawa sa bato at semento ang hawak kong ebidensya laban sayo" Biglang salita ng isang babae.


Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Where stories live. Discover now