CHAPTER THREE

4.7K 107 2
                                    

MEET MY GIRLFRIEND
________________________________________


Pagkagaling ko sa parking lot agad akong dumiretso sa hideout namin, nakita ko naman ang apat kong kaibigan.Mga abnormal kaya nagsasaya, anong ikinasasaya nila? Na nasira ang bumper ng kotse ko? huh? tss bwiset na babae 'yun.

"Oh! Dre, great you're here! How's your day?" Mapang-asar na bati sakin ni Bradley, he's Bradley Oliveros, one of the most annoying friend in the world. Mapang-asar nang ipinanganak ng magulang niya.

"Musta si Bumper?" Tanong pa ni Tyler, he's Tyler Florence Madison, chick boy, just keep distance from him okay? Baka masaktan ka lang at umiyak ng walang humpay at makisali sa mga nagra-rally'ng babae niya.

And the other are Stephen Anderson, the quite chick boy but smart and topnotcher, madalas seryoso pero nakikisabay rin sa kalakohan ng mga mokong and the last one is Gabriel Lim, the second most bad boy, and my name is Kent Ivan Ward, and this school is mine, ah… not totally mine, if you're asking why? Well it's not our family's name, well that name is followed by my grandfather, he died last 3 years ago, but still he gave the opportunity to handle this school to my parents, and soon… this will be mine too.

"May ipapakilala ako sa inyo mamaya." Walang ganang saad ko at umupo sa couch sabay kuha ng cola sa tabi ko.

"Who?" Bradley asked, raising his eyebrow.

"Basta malalaman niyo rin kung sino."saad ko at hindi na sila pinansin. Nag-iisip ako kung bakit ko nga ba naisipang sabihin sa kaniya ang gano'ng klaseng kundisyon? O baka naman wala na ako sa tamang kundisyon kaya ko 'yon nasabi?

-RIEL'S POV-

"Damn it." I hissed under my breath. Bagsak balikat akong umupo sa upuan at inayos ang libro at inihanay iyon.

Pagod akong bumuntong hininga kaya napatingin sa akin sina Lesley at Yasmin. Kumunot pa ang mga noo na parang ngayon lang nila ako nakitang ganito. Lumapit naman sina Lesley at Yasmin na may pag-alala samga mukha.

"Anong nangyari sa 'yo?" Tanong ni Lesley. Si Yasmin naman ay pumunta sa kabilang block upang makaharap sakin. Still worried.

I sighed heavily. "Ahm… wala 'to." Sagot ko at ngumiti ng pilit sa kanila.

"Kumusta na nga pala 'yung bumper nung lalaking sabi mo?nakapagbayad ka ba?" Tanong pa ni Yasmin, nagbuntong hininga muna ako bago magsalita. Kumunot na naman ang mga noo nila sa ginagawa ko. Kanina pa ako buntong hininga ng buntong hininga na parang pasan ko ang buong mundo.

"Hindi ko nabayaran." Sambit ko sabay tungo sa desk.

"E, paano na 'yan? A-anong kondisyon nung lalaki?" Tanong ni Lesley. Mas kinakabahan pa ata siya sa akin. Napanguso ako at tumingin sa kanila sabay kagat sa ibabang labi.

"Ahm…" Ano sasabihin ko ba o 'wag na? I licked my lower lip and avoided their gaze. "Ah… wala pa e, mamaya daw kakausapin niya ulit ako." Pagsisinungaling ko habang nakanguso.

"Sa susunod kasi mag-iingat ka na, hane?" Sabay dutdot ng hintuturo niya sa Sentido ko. Grabe talaga 'to si Lesley.

"Tss, kahapon lang naman 'yun nangyari e, ever since 'di pa 'ko nakakabangga o nadidisgrasya." Depens­a ko dito. Totoo naman. Ngayon lang talaga 'to nangyari at ang malas ko dahil 'yun pang lalaking 'yon ang may-ari.

"E, ayan na nga eh?! Dumating na si disgrasya." Taas kilay na sambit pa ni Yasmin, mga bwiset 'tong mga kaibigan ko kahit kailan?

"Tsk. Oo na! Oo na, lagi naman e, bumalik na kayo sa upuan niyo at naiinis na 'ko" pagtataboy ko sa kanila kaya nagsi-alis na sila kasabay ang pagdating ng prof namin, 'di pa nga pala ko nagpapakilala.

Temporary Girlfriend of the Bad Boy (Season1): Be My Temporary Girlfriend✔Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora