'Tatanggapin ko nalang kung anong sabihin ng kumag na 'yon. Kahit mahirap okay lang'

Umakyat na 'ko at natulog nalang kaysa sipin ang walang kwentang 'yun. Pero ano naman kaya ang kundisyon ng lalaking 'yon? Masyado ba siyang desperado sa pera? O nangangailangan? But… he's studying at Clinton Academy, mayaman siya! For sure maraming pera ang lalaking 'yon! Ang hapit naman ng lalaking 'yon para manghingi ng twenty thousand!

Kinabukasan ay maaga akong nagising, actually hindi talaga ako nakatulog ng maayos e. Iniisip ko kasi yung mangyayari mamaya. Medyo kinakabahan na rin talaga ako. Paano kung… what the hell!

8:30 pasok namin, tuwing monday lang naman yung 7:00 eh kaya may konting oras pa 'ko para mag-isip.

'Ano na mangyayari sa akin?'

Tumingin ako sa kanan at pumangalumbaba.

'Di naman niya siguro ako pahihirapan ng sobra 'di ba?'

Tumingin ako sa kaliwa at gano'n rin ang ginawa habang nag-iisip.

'Magiging okay lang siguro ako, 'no?'

Tumungo ako at inilagay ang baba sa braso saka napabuntong hininga.

"Tss. Ano ba naman 'tong iniisip ko?" Tao pa ba 'ko? Charot lang.

Umayos ako ng upo at naghalumbaba ulit. Habang iniisip kung anong kundisyon ang pwede niyang sabihin sa akin. Paano kung pahirapan niya ako ng sobra hanggang sa ma-satisfied siya? Paano kung gawin niya akong alipin hanggang sa mamamatay ako sa pagod? Paano kung…

'Baka maging sex slave niya 'ko?'

"Hala? Hindi naman siguro?" Medyo gulat kong sambit kaya naman agad akong pumunta sa sala at kinuha ang bag ko at nagbike na papuntang school.

"Puta, mababaliw ako sa lalaking 'yun eh!" Binilisan ko pa ang pagtipa sa bike ko. Wala nang pakialam kung muntikan na akong mabangga ng kotseng nag-overtake kanina. Gago 'yon ah!

Pagkadating ko do'n tumingin ako sa orasan ko at 8:10 palang medyo maaga pa kaya naman pumunta na 'ko sa parking lot at hinintay don 'yung lalaki.

Maya maya pa ay dumating na siya doon. Tumayo ako ng diretso habang hawak ang manibela ng bike ko at hinihintay syang magpark. Nang makapagpark siya ay bumaba na siya at cool na naglakad sa harap ko, duh! Akala mo sobrang gwapo niya!

"Uhm? Where's the payment?" agad niyang tanong at nagpamulsa ng kamay. Prente siyang nakatayo sa harapan ko samantalang ako ay kinakabahan na rito.

"Ahm-ah… k-kasi-" I bit my lower lip, shamely.

Tinaas niya ang kaliwang kilay niya at humakbang ng isang hakbang palapit sakin at bahagyang binaba ang sarili upang magpantay kami at inilapit ang mukha niya sa mukha ko at ngumisi ng nakakaloko.

Gago 'to ah!

"A-ahm a-anong ginagawa mo?" Ngumiti na naman siya ng nakakaloko. Shit ayoko sa ganyan. Para siyang manyak na gwapo.

"So... I would have my condition," saad niya na ikinakaba ko. This is it bigas na malagkit.

I'm dead.

-IVAN'S POV-

"So... I would have my condition," saad ko at ngumiti ulit ng nakakaloko.

"A-ano 'yun?" Tanong niya, halata sa mukha niya na kinakabahan siya. Don't be nervous little cat.

Actually kagabi ko lang ito napagdesisyonan dahil nga broken hearted ako, lagot ka sakin. I smirked at her devilishly.

"Be my temporary girlfriend." Diretsong­ sambit ko at tiningnan siya mata sa mata, at gulat naman niya akong tiningnan. Hindi makapaniwala sa sinabi ko. Anong hindi nakakapaniwala doon? Ah… ang isang gwapong si Kent Ivan Ward, inayang maging pansamantalang nobya ang babaeng 'to.

"A-ano?! T-temporary girlfriend? Ano ka hilo?! Gago, nababaliw ka na ba?!" Medyo pasigaw niyang sabi kaya tumayo ako ng tuwid. Tinaasan ko siya ng kilay. Siya naman ay nakakunot ang noo at hindi pa rin makapaniwala sa sinabi ko.

"Yes! At kung hindi ka papayag, nasaan na ang bayad? It's a cash. Give me the payment I need and we're done." Mapang-as­ar kong sabi. Napaawang ang labi niya at napaiwas ng tingin.

"Wow. Ano 'to? Frame up? Blackmail?" Kumunot ang noo ko at natawa ng bahagya. What the hell she's talking about?

"Sinasabi mo diyan?" Natatawang sambit ko

"Hindi kita kilala, tapos isa pa hindi mo ako kilala at... Damn! Ayoko pang magka-boyfriend at kung magkakaroon man ako! 'Yung totoo! Hindi ganito! Ano 'to? Lokohan? Pansamantala?!" Madiing sgaw nya.

"Then? The payment?" Inilahad ko ang kamay ko sa kaniya pero tiningnan lang niya 'yon.

She groaned because of her frustration. "Okay, okay! Bakit ba kailangan mong maging temporary girlfriend ako? Huh?" Taas kilay nyang tanong habang nakapameywang sa harapan ko.

"Sasabihin ko sa 'yo kapag pumayag ka."

"What?"

"Ano? Babayaran mo 'ko o papayag kang maging temporary girlfriend ko?" I asked her again.

"Temporary girlfriend. Aba! Hindi nga kita kilala, e. Malay ko ba kung anong personal background mo, saka malay ko may girlfriend ka tapos giyerahin ako o ano? E, 'di nagkagulo?" Naririndi na 'ko sa babaeng 'to. Kailan ba siya titigil sa kakatalak diyan. Nakakainis na.

Fuck! This girl is so annoying!

"Ano papayag ka ba o hindi?" Mariing tanong ko dito. Nag-iwas na naman siya ng tigin at napakagat sa ibabang labi.

"Ah?"

Tinaasan ko sya ng kilay habang matamang nakatingin sa kaniya. Bumuntong hininga muna siya bago magsalita ulit.

"S-sige, payag na 'ko." Sagot niya nang mawalan na ng pag-asa, kaya gumuhit ang ngiti sa mga labi ko.

"Akin na ang cellphone mo," Sambit ko, napataas naman ang kilay niya at tumingin sakin ng masama.

"At anong gagawin mo sa cellphone ko?" Galit na tanong nito sa 'kin.

"Don't worry kukuhanin ko lang ang number mo, 'wag ka ulit mag-alala at ibibigay ko rin ang number ko." Saad ko. Ibiinigay din naman niya ang phone niya at kinuha ko ang number at ganon din yung akin.

"Here!" I hissed and handed her my phone.

"Aalis na 'ko." pagpapaalam nya at tumalikod na.

"Wait!" Pagpigil ko dito. Taas kilay naman syang tumingin sakin.

"Oh? Ano na naman?" Inis niyang tanong.

"Go to our hideout after class, kapag hindi ka pumunta… tapos ka sa 'kin." saad ko kaya tumalikod na sya sakin at ipinark ang bike nya.

Natatawa naman ako sa inaasta nya. Ang sarap nyang asarin ng paulit ulit, I think this will be fun.

_

_____________________

DON'T FORGET TO VOTE

Temporary Girlfriend of the Bad Boy (Season1): Be My Temporary Girlfriend✔Where stories live. Discover now