“Balita ko alexia. Scholar ka sa school nyo?” – tanong ng daddy ni razha.

“Ah opo.”

“For sure. Proud sayo yung mga magulang mo.”- sabi naman ng mommy ni razha.

“Ah. Sana po.” Sana nga proud sila sakin.

Nang matapos na kaming kumain. Niyaya kagad ako ni razha na pumasok sa kwarto nya at magmovie marathon daw kami ..

“Mommy.. aakyat na kami ah.” Paalam ni razha. Sabay hinila na ako.

“Razha anak. Saglit lang.” huminto kami sa paglalakad non at bumalik sa mommy nya.

“Bakit po mommy?”

“Alexia. saan galing ng kwintas mo?”

“Ah. Bigay po sa akin ng mama ko po.” Sagot ko.

“Ah. Sige sige.”

Pagkatapos non umakyat na kami sa kwarto nya. Grabe talaga mas malaki pa yung kwarto nya kaysa sa bahay ko. ang swerte talaga. May sarili syang cr sa kwarto nya. May sarili din syang computer.. laptop.. at iba’t ibang gadgets.

“Eto na lang panuorin natin.” Lumapit ako sa kanya at tiningnan yung cd na hawak nya.

‘Crazy Little thing called love’ hindi ko pa to napapanuod pero balita ko sa mga kaklase ko maganda daw yon. Nakakakilig daw yung lalaki.

“Sige. Eto na lang.”

Plinay na ni razha yung movie. Ang dami ngang nagkalat na cookies, junkfoods and soda sa lamesa. Kain lang kami ng kain non habang nanunuod.

Maganda naman yung story ng crazy little thing called love. Story yun about friendship, family pati na din LOVE. Yay! Ang pinakagusto kong scene don yung sa SCRAPBOOK photographer kasi yung lalaki. Tapos matagal na pala nyang gusto yung babae. medyo panget kasi yung girl tapos nun. Ay nako panuorin nyo na nga lang yun. Mahirap magstory telling ah.

Nung natapos na namin yung movie. Naglaro na lang kami ng XBOX. Ang saya nga kasi first time ko lang makalaro non. Tapos madaming beses ko ng natalo si razha. Kaya inis na inis sya habang naglalaro kami. *Laugh.

”Gabi na razha. Uuwi na ko.”

“Sige sige.” Tapos lumabas na kami sa kwarto nya.

“Mommy daddy .. uuwi na po daw si alexia.”

”Sige alexia. mag-ingat ka ha” sabi ng mommy ni razha

sabay niyakap ako ng mahigpit at kiniss ako sa forehead ko. niyakap din ako ng daddy nya .. pag-katapos non lumabas na kami ng bahay nila. Ihahatid daw ako ng driver nila. Syempre hindi naako makaka-angal pa. kaya pumayag na ako. Itinuro ko nalang kay manong driver kung saan banda yung bahay ko.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Maaga ako pumasok kasi madami pa akong gagawin. Na-assign kasi ako ngayong araw na maglinis sa botanical garden. Iniwan ko na lang muna yung uniform ko sa locker. Pe kasi muna ang sinuot ko.

Nung nakarating na ako sa botanical garden. Sinimulan ko na ang paglilinis. Hindi naman masyadong madumi ang botanical garden. May nag-lilinis din kasi doon. Winalisan ko na lang yung mga nahulog na dahon.

“GoodMorning”  Tumingin ako sa likod kung sino yun.

“Morning din owy.” bati ko.

“Ang sipag natin ah.”

“Syempre kailangan talaga yun noh.” Tinuloy ko na ulit yung pagwawalis.

“May atraso ka sakin Ms. Villagracia ..”

“Ano naman yon Mr. Posadas?” tanong ko.

“Hindi ka umattend nung Saturday tapos malalaman ko kasama mo pala si kuya.”  Tumingin ako sa kanya non. Nakapout sya non.

“Ah. Eh. Sorry na owy. promise tuturuan kita ngayon. Maglilive muna ako sa trabaho ko ngayon.” Ayoko kasi sa lahat ang may nagtatampo sakin. Iba kasi nagiging pakiramdam ko non.

“Talaga?”

“Oo. Para hindi ka na magtampo dyan.” Tinuloy ko na ulit yung pag.wawalis. matatapos na kasi ako non.

“Yes! Salamat alexia” bigla nya akong niyakap sa likod kaya nabitawan ko yung walis.

Ang higpit ng yakap nya sakin kaya hindi ako makagalaw.

“Alam ko masaya ka owy pero wag naman sob—“ hindi ko na naituloy yung sasabihin ko ..

“Alexia?” narinig ko yung boses ni hera. lumingon din si owy kaya hindi na sya nakayakap sakin.

“Hera .. ikaw pala.” Sabi ko.

“Anong ginagawa nyo ni owy.”

“Wala naman. Ano .. kasi .. si owy ..” medyo na uutal kong sabi. Iba pa naman mag-isip si hera at alam ko sa nakita nya kanina iba na iniisip nya.

“KAYO NA BA?” sigaw ni hera.

“Nagkakamali ka hera. mali iniisip mo.” Paliwanag ko.

“Bakit tinatanggi mo pa alexia. wala naman sakin kung kayo e. pero bakit tinago mo pa akala ko ba bestfriend kita !” tumakbo na sya pagkatapos non.

“Sorry ..” narinig kong sabi ni owy.

“Ayos lang yun. Sanay naman ako dyan kay hera.” binitbit ko na yung walis pati yung daspan at nagsimula ng maglakad.

“Ako na magdadala.” Kinuha nya sakin yung walis at daspan.

“Sige.” Wala na ko sa mood makipag-agawan pa sa kanya. Kaya hinayaan ko na lang sya.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

THAT NERD (ON HOLD)Where stories live. Discover now