“Sige.”

“Mauna na ako ah. Baka hinahanap nako samin sige.” – paalam ni razha. Sabay sumakay sya don sa itim na kotse.

Ilang minuto din. Umuwi na din kami oliver. Nag-pipilit ngang ihatid ako pero syempre hindi ako pumayag. Nung nakauwi nako katulad ng nakagawian kinuha ko yung diary ko na nakatago sa ilalim ng unan ko. at ready to write na ko :DD

Dear Diary,

Hindi ko ata nakwento sayo na kahapon ni yaya ako ni oliver para magmall Yay! Hindi sana ako sasama kasi nakakahiya. Sagot nya ba naman lahat. Pero ayon nga pumunta padin ako sa playground. Maghihintay daw kasi sya kahit anong mangyari.

Masaya naman. Tinanong ko nga kung anong gagawin nya sa mall pati kung anong purpose ko isagot ba naman ”Samahan mo ko mangolekta ng kasiyahan ..” WEIRD!

Hindi ko nga alam don kung nakakolekta sya ng kasiyahan.

Tapos pumunta kami sa “UNKNOWN PARK” Hindi ko kasi alam yung tawag sa lugar na yon. Basta medyo mataas sya at makikita mo yung buong siyudad.

At ang last kumain kami sa minute burger nakita ko pa don si razha yung binubully dahil sa boyfriend nyang sikat. Magkababata pala sila ni oliver. And yun inimbitahan ako ni razha maglunch sa kanila bukas.

Yay! Ang saya saya ko! sobra .. nakasama ko sya ng sobrang tagal. Sayang wala akong camera. Nagpapicture sana ako. Aba sa sobrang sikat ni oliver sa school. Swerte na ako at nakasama ko sya ng ganong katagal.  

~ALEXIA *W*

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Dahil nga may usapan kami ni razha. Maaga akong gumising para magawa ko na ang dapat gawin sa bahay ng wala na kong gagawin pa mamaya. 11am pumunta na ko sa playground. Nakita ko na. na andon na si razha.

“Razha” tawag ko.

Sumakay na kami kaagad sa kotse nya. Ipakikilala nya daw kasi ako sa mga magulang nya. Ilang minuto lang huminto kami sa tapat ng malaking gate. Takenote! Kusang bumubukas pa yung gate.

Bumaba na si razha kaya bumaba na din ako. Pagkababa ko halos mapasandal ako sa kotse. ang laki ng bahay nila. Times 3 sa bahay nila oliver. Ang swerteng nilalang nitong babae na to.

“Halika na pasok na tayo.” Hinawakan ni razha yung kamay ko at nagsimula na kami pumasok sa bahay nila.

Grabe as in grabe. Ang laki talaga ng bahay nila. Masasabi mong mahal talaga ang presyo ng mga nakadisplay sa kanila. High class talaga.

“Daddy .. Mommy .. si alexia po pala. Kaibigan ko.”

Napangiti ako sa sinabi ni razha. Magkaibigan na pala kami.

“Magandang Tanghali po Sir. Maam” bati ko sa parents ni razha.

“Magandang tanghali din hija. Tito at tita na lang ang itawag mo samin.”

“Okay po tita”

”Dad. Kain na tayo.” Sabay hinila na ko ni razha kung saan.

Dinala nya ako sa lugar ng puro pagkain. As in ang daming pagkain sa lamesa.

“Razha. Sinong may birthday?”

“Huh? walang may birthday.” Eh? bakit andaming pagkain.

“Sige na hija. Maupo ka na. wag kang mahihiya samin ah.” Nakangiting sabi ni tita.

“Opo.” Umupo na ko. nagdasal muna yung mommy ni razha bago kami kumain.

Nagsimula na kami kumain. Hindi na ako masyado nahihiya sa mga parents ni razha. Medyo masasabi kong madali ko silang naging close. Parang ang gaan kasi kagad ng loob ko sa kanila.

THAT NERD (ON HOLD)Where stories live. Discover now