My Innocent Maid XXIII

Começar do início
                                    

"Senyorito, mga bago ko palang kaibigan." pagpapakilala nito at tinignan ang mga kasama niyang nakangiti maliban sa isang lalake na nakatingin nang diretso sa akin.

"So, sino naman sila?" tanong ko at tumingin din nang diretso sa lalaking matamang nakatitig sa akin kanina na ngayon ay nakatingin na kay Katherina. Why is that I feel like I wanted to punch someone face right now.

"Mga kaibigan ko nga sila, Senyorito. Di ba sinabi ko na sa 'yo kani-kanina lang. Hindi ka ba nakikinig, Senyorito? Siya si Emz," turo niya sa babaeng nakangiti sa amin. "tapos si Dex at si Roel." nakangiting turo niya sa dalawang lalake na magkatabi. So Dex ang pangalan ng lalakeng 'yon.

"Nice meeting you all. I'm sorry but Katherina and I have to go. She will be attending her home-schooling in a few minutes and she wouldn't be late. So if you'll excuse us." diretsong sabi ko sa kanila. Nakita kong nakatingin lang sa akin si Katherina na nagtatanong kung anong sinasabi ko but I only smile at her.

"Nice meeting you too," sabi nung Emz at nakipagkamay sa akin. I extended my hand to the two young mens. Tinanggap naman nang isa ang kamay ko samantalang 'yong isa ay tinitigan lamang ito na ikinainis ko.
Ibababa ko na sana ang kamay ko nang biglang nagsalita si Katherina at pinagalitan 'yong lalake.

"Nakikipagkamay ang Senyorito ko sa 'yo, Dex. Bakit mo tinititigan lang?" tanong nito sa lalake at tinaasan ito ng kilay. Napakamot naman ito ng batok   at napipilitang tinanggap ang kamay ko. Agad ko itong binitawan at tumingin kay Katherina.

"Kailangan na nating umuwi, Mahal ko." sabi ko dito na ikinangiti nito at tumango. Nakita ko naman ang gulat sa mga mata nila kaya napangisi ako sa Dex na 'yon dahil sa reaction niya na para bang natuklaw ng ahas sa gulat. Serves him right, Katherina is destined to be mine. Wala siyang puwang sa amin.

"Sandali lang po, Senyorito. Magpapaalam lang po ako sa kanila." sabi nito sa akin. Habang nagpapaalam na ito ay binuksan ko na ang pinto para sa kanya.

"Bukas ulit ha, turuan niyo ako. Aalis na kami, bye." nakangiting sabi nito sa mga kasama at pumunta na sa tabi ko at kumaway muna sa mg kasama niya bago pumasok. Umikot na agad ako at pumasok na sa driver seat at pinaandar na ang sasakyan.

"Kumusta ang unang araw mo?" tanong ko dito habang nakatingin sa kalsada.

"Nosebleeding!" bulalas nito na ikinatingin ko dito at napatawa sa hitsura niya. It's my first time hearing her saying english word kaya namamangha ako. She's cute while pouting and hopelessly inhaling and exhalling air.

"Ang cute mo pala pag nagsasalita ka ng English. Dapat talagang matuto ka na." nakangiti ko nang sabi dito at nagfocus na ulit sa pagmamaneho.

"Hindi ko alam na frustrating pala ang matuto ng lengguwaheng 'yon. Pero nakakatuwa din. Ang dami nilang tinuro sa akin na agad ko namang natutunan. Akala ko nga kailangan kong lagyan ng bulak ang ilong ko para hindi tumulo ang dugo eh." nakanguso ulit na sabi nito. Natawa ako sa huling sinabi niya.

"Nakikita kong masaya ka sa unang araw mo. But kailangan na muna nating kumain dahil pagdating natin sa bahay ay mayroon ka pang klase." sabi ko dito.

"Po? Akala ko ba umaga lang po ang klase ko?" nagtatakang tanong nito. Hindi ko na kailangan pang tignan ang reaction niya dahil alam kong nakakunot na naman ang noo nito.

"Yes, pero kailangan mo ito para makakuha ka ng high school diploma mo at maipagpatuloy mo ang kurso mo." pagpapaliwanag ko.

"Ganoon po ba? Paano po ang trabaho ko sa mansiyon? Para naman na akong walang gagawin pag nagkataon. Halos maghapon na akong mag-aaral niyan." Tumingin ako dito sandali at nakita ko ang lungkot at hiya sa mukha niya.

"Makakapaggtrabaho ka pa naman pagkatapos ng tatlong oras na klase mo sa bahay. At anim na buwan lang ang itatagal nun para maihanda ka sa exam na kailangan mo. Kailangan mong maipasa ito, Mahal ko. para maipagpatuloy mo ang pag-aaral mo sa unibersidad na 'yon." mahabang pahayag ko na ikinabuntong hininga niya.

"Susubukan kong gawin ang lahat para maipasa ko ang sinasabi mong exam, Senyorito. Pero paano pag bumagsak ako?" malungkot na tanong nito sa akin at napabuntong-hininga ulit. "Ibig bang sabihin niyan ay hindi na ako makakapagpatuloy sa pag-aaral ko?" naawa naman ako sa hitsura niya kaya nang may makita akong restaurant ay doon ko na naisiñang kumain. Pinarada ko agad ang sasakyan bago humarap dito at hinaplos ang mukha niya.

"I know you can. Alam kong kaya mong gawin 'yan, Mahal ko. May tiwala ako sa 'yo at alam kong kakayanin mo 'yan para kina Inang at mga kapatid mo." sabi ko dito habang haplos-haplos ko pa din ang pagmumukha niya. Nang hawakan nito ang kamay ko at pinanatili nito sa mukha niya ay nagpakilig na naman sa akin. This girl doesn't failed everyday to amaze me, that's why I love her that much.

"Sana, Senyorito. Sana..." mahinang bulong nito at nagmulat ng tingin at ngumiti sa akin. "Pinatibok mo na naman nang malakas ang puso ko, Senyorito. Sa araw-araw na nakikita kita? Lagi nalang nagwawala ito." Nakatitig lang ako sa kanya habang nagsasalita at nakahawak sa dibdib nito ang isang kamay niya. Alam kong may epekto ako sa kanya, pero ang malaman na araw-araw kong napaparamdam ang ganoon sa kanya ay nagbibigay sa akin ng pakiramdam na hindi ko maipaliwanag.

"Masaya akong malaman 'yan mula sa iyo, Mahal ko. At ganoon din naman ako sa 'yo. Pero sa ngayon, kailangan na nating kumain para maihatid na kita sa bahay at baka malate ka pa sa klase mo." nakangiti nang sambit ko at hinaplos muli ang mukha niya at iniipit ang ilang hibla ng buhok niya sa tenga nito bago ako lumabas ng kotse at umikot para pagbuksan ito.

Halos ilang minuto lang ang itinagal namin sa pagkain dahil baka mahuli ito sa klase niya. Nang makita kasi nito ang mga uri ng pagkain at ang presyo nito ay hindi nito nagustuhan at nagpalipat sa ibang kainan na mas simple. Nang matapos kaming kumain ay agad ko siyang inihatid sa bahay at nang masiguro kong nag-umpisa na ang klase niya ay agad akong nagpaalam dito at umalis na pabalik sa opisina ni Mom.

Nakangiti akong nagmamaneho pabalik habang iniisip ang mga sinabi niya kanina. Sana umpisa na ito ng magandang pagsasama naming dalawa. At hindi na ako makapaghintay na maging girfriend ko siya nang tuluyan.

My Innocent Maid FOUR SISTERS SERIES I [PUBLISHED UNDER IMMAC PUBLISHING]Onde histórias criam vida. Descubra agora