Practice

16.1K 605 56
                                    

Chapter XVI

Lumipas pa ang isang linggo na lagi kong kasama si Sylvester at ang mga kaibigan niya, mas lalo ko silang nakikilala sa bawat araw na dumadaan. Kung hindi lang sila sikat na basagulero sa school, hindi ko iisipin na ganoon nga sila. Pero baka nga ganoon talaga sila pero hindi ko lang nakikita, hindi ko na naman kasi muling nakita na nakipag basag ulo ang isa sakanilang lima, medyo tahimik na rin ang Weston Academy dahil wala ng masyadong gumagawa ng gulo.

"Sylvester." tawag ko sa katabi ko, naka subsob na kasi siya agad pagkatapos mag lecture ng teacher namin, e may five minutes na lang kami para mag review para sa quiz.

"Hmmm?" tanong n'ya at sinilip ako.

Natigilan ako sa pangungulit sakaniya. Nitong mga naka lipas na araw, napapansin ko kasi na parang lagi siyang puyat, minsan late na rin siya pumasok kahit mukhang nagmamadali naman siya.

Sumubsob ako sa arm chair ko para magkapantay kami. Parehas na kami ngayong magkaharap habang naka patong ang mga ulo namin sa mga braso naming nasa arm chair.

"Mag qu-quiz tayo." wika ko.

Inabot niya sa akin ang isa niyang kamay at marahang inayos ang buhok kong bahagyang tumabing sa mukha ko.

"Mag review ka na." sagot niya habang matamang naka titig sa akin.

"E ikaw?" tanong ko at umayos na ng upo.

"Don't mind me, just review your notes, Chelidon."

Tumango na lang ako at nag umpisa ng mag review. Alam ko namang hindi na niya talaga kailangan mag review, nitong mga nakaraang araw na nakakasama ko siya, alam ko na kung gaano siya katalino, akala ko noon haka lang na matalino silang mag kakaibigan pero hindi pala.

Napa titig ako sa papel ni Sylvester na tapos ko ng check-an, katulad ng laging nangyayari ay naka kuha ulit siya ng perfect score.

Napa ngiti ako sa malaking 20/20 na nilagay ko sa taas ng papel niya.

"Why are you smiling?" tanong ni Sylvester habang naka tingin sa akin at inaabot sa akin ang papel ko.

Nakita kong meron akong apat na mali, nag init ang pisngi ko hindi dahil sa score ko kung hindi dahil sa naka lagay sa ibaba ng nilagay na score ni Sylvester.

Very good, Chelidon.

Napa nguso ako, siya naman ang very good kasi siya ang naka perfect.

Tumingin ako sakaniya at nahuli ko siyang naka ngiti. Akala ko iyong score niya ang tinitignan niya pero sa iba pala siya naka tingin.

Mas lalong nag init ang pisngi ko nang makitang iyong pangalan ko sa corrected by na may heart sa dulo ang tinitignan niya.

Nilingon niya ako at mas lalo siyang ngumiti.

"This is your heart." masaya niyang turo sa dinrawing kong heart. "Thank you for this."

Hindi na ako sumagot at nag kunwari na lang akong abala sa mga notes ko para maitago ang hiya.

Tahimik lang ako habang ni rerecord ang mga scores namin.

Pagkatapos naman noon ay tinawag ni Ma'am Gomez si Sylvester para kausapin sa pagiging late. Kita ko pa ang kaba sa mukha ni Ma'am pero nang tumayo si Sylvester, naka hinga s'ya ng maluwag. Akala siguro ni Ma'am ay hindi makikinig sakaniya si Sylvester.

Nang matapos sila mag usap, mabilis ding bumalik si Sylvester sa tabi ko.

Lumingon ako sakanya. "Anong sabi ni Ma'am?"

Saglit siyang tumingin sa akin at mabilis na hinuli ang kamay ko. "She said... I need to stop being late in her class."

Tumango ako habang nakatingin sakaniya. Nanatili siyang naka tingin sa mga kamay namin kaya yumuko ako at hinuli ang mga mata niya.

Tumingin siya sa akin dahil sa ginawa ko. Ilang minuto pa niya akong tinitigan bago dumukwang palapit.

Nagulat ako doon kaya bahagya akong napa layo.

"Let's have a deal." aniya.

Napa lunok ako dahil sa klase ng pag titig niya. "A-anong deal?"

Unti-unting nawala ang kaseryosohan sa mukha niya at bigla siyang ngumisi sa akin. "If I got here in school earlier than you, you will kiss me."

Nanlaki ang mga mata ko. "A-ano!?" gulantang kong tanong.

Nag kibit balikat siya. "That's the only way to make me go to school early in the morning."

Nataranta ako. "P-pero.. Hindi ako marunong humalik."

Napa tingin s'ya sa akin, akala ko pag tatawanan niya ako pero seryoso niya lang akong tinignan. "I'll teach you."

Nanlaki ang mga mata ko. "A-akala ko first kiss mo rin ako? Paano mo 'ko matuturuan?"

Nakita ko siyang napa isip bago ako muling tinignan. "Then we'll practice with each other." seryoso niyang tugon.

Napigil ko ang hininga ko at halos mahimatay dahil sa suhestiyon n'ya.

-

I'm The Bad Boy's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon