Bully

17.4K 626 46
                                    

Chapter X

"Ka bago bago ang landi landi."

"Oo nga, kala mo kung sino, kala ata sobrang ganda niya."

"Linta pa! Kung maka lapit kay Sylvester parang kating kati.

"Bakit kaya 'yan laging sinasamahan ni Sylvester?"

"Baka bagong pag tritripan?"

"Hah! iintayin ko mangyari 'yun."

"Ako rin, tatawanan ko pa 'yan."

Napa pikit ako ng mariin dahil sa mga naririnig kong usapan sa hallway habang nag lalakad ako papunta sa classroom. Sising sisi ako kung bakit na huli ako ng gising kaya marami ng kapwa ko estudyante ang naka tambay sa labas ng mga classroom nila at nag aantay na lang ng oras ng klase.

Hindi ko alam kung bakit sila naiinis sa akin. Dati naman noong hindi pa ako pinapansin ni Sylvester ay halatang galit na sila sa akin, tapos ngayon naman na pinapansin ako ni Sylvester ay mas lalo silang na galit.

"Ayan na pala ang pilingera." sigaw ng isa kong kaklaseng babae pagkapasok ko sa classroom namin.

Nag angat ako ng tingin at nakitang halos lahat ng babae kong kaklase ay masama ang tingin sa akin. Nakaramdam ako ng takot.

Tumingin ako sa upuan ng grupo nila Sylvester at napansing wala pa pala sila.

Akmang mag lalakad na ako papunta sa bangko ko nang harangin ako ng tatlong babae.

Naka taas ang kilay nila sa akin habang naka pamewang pa ang nasa gitna. "Mag linis ka muna ng classroom bago ka umupo." wika nito.

Napa kurap ako at napa tingin sa paligid. "W-wala namang kalat."

Ngumisi siya. Kumumpas siya sa hangin at na bigla na lang ako nang mag kalat ang lima pa naming kaklaseng babae ng maraming papel na naka bilog sa buong classroom. Ang iba ay tumayo pa at kumuha ng chalk upang mag sulat ng kung anu-ano sa blackboard.

"Ano? Mag linis ka na! May kalat na!"

Napa hawak ako sa bag ko. "P-pero--"

"Ano? Aangal ka? Bilisan mo! Gusto ko damputin mo isa isa ang mga papel na 'yan!"

Napa lunok ako dahil sa naramdamang pagbabara sa lalamunan ko. Nag iinit ang mga mata ko pero pinigilan ko iyon.

"Joan, baka magalit si Sylvester."

Napa lingon ang babaeng nasa harap ko sa babaeng nag salita. "Bakit magagalit si Sylvester e pinag lalaruan lang naman niya ang babaeng 'to?" ngumisi sa akin ang babaeng tinawag na Joan at itinulak ang balikat ko sabay turo sa mga kalat.

Wala akong nagawa kung hindi ang sundin ang utos nila.

Natatakot ako na pag umangal ako ay pag tulungan nila ako at masaktan. Base sa itsura nila ay kanina pa nila ako gustong saktan.

Ang iba naman ay tahimik lang habang pinapanood ako at ang iba ay parang naaawa sa akin.

"Bilisan mo!"

Panay ang utos nila sa akin na sinunod ko na lang.

"Sa bulok mong bag ilagay ang mga kalat!"

Tumango ako at hindi na umimik. Akala ko noon pag nag aral ako dito ay magiging ayos lang ang lahat, hindi ko naman inexpect na ganito ang mangyayari sa akin.

"Bilis! Bagal bagal! Iyan pang blackboard may sulat oh! Pag tayo na abutan ni Ma'am patay ka sa amin!"

Mas binilisan ko na lang ang ginagawang pag dampot sa mga papel at inilalagay sa bag ko.

Narinig ko ang mga hagikhikan at malalakas nilang tawanan pero hindi ko na lang iyon pinansin.

Nasa ganoon akong pwesto nang biglang marahas na bumukas ang pinto.

Agad nag tama ang mga mata namin ni Sylvester na siyang nag bukas ng pinto.

Tinignan niya ako at agad nag salubong kilay niya. Binaklas niya ang mga brasong naka halukipkip at agad nag lakad papunta sa akin.

"What the hell are you doing?" galit niyang tanong at hinigit ako patayo. Tinignan niya ang loob ng bag kong puno ng papel at agad nag tagis ang panga niya. "What the hell are these, Chelidon?" tanong niya nang hindi ako mag salita.

Umiling ako, ayaw sabihin sakaniya ang nangyari. Kitang kita ko na kasi ang galit sa mga mata niya na ngayon ko lang nakita.

Nilibot niya ng paningin ang buong classroom at nakita kong mas lako siyang na galit.

"Sinong may pakana nito?" tanong niya sa mga kaklase naming nag iiwasan ng tingin dahil sa takot.

Miski ako ay medyo nanginig dahil sa madilim niyang aura ngayon.

"Putangina hindi kayo sasagot!" parang kulog ang boses niya na nag patalon sa halos lahat ng mga kaklase namin kasama na ako.

"S-Sila Joan, Sylvester." hindi na napigilang sagot ng isang lalaki dahil sa sobrang kaba.

"Who the hell is Joan? Is she our classmate?"

Napa nganga ako dahil sa tanong niya. Sa pagkakaalam ko ay mag kakaklase na sila last year pero hindi parin niya kilala si Joan?

"O-Oo." sagot ng mga kaklase namin at itinuro si Joan na halos mawalan na ng dugo sa mukha.

Matalim itong tinignan ni Sylvester na para bang binabantaan."No one among you all has the right to order her!"

Nakita ko siyang nag lakad sa gitna at pinag babalibag ang upuan. Walang pumigil sakaniya sa takot na masaktan. Lahat ng dinaanan niyang upuan ay itinumba niya. Pa kamay at pasipa.

Napapapikit ako sa gulat at takot kapag ma ingay na kumakalabog ang mga bangko. Ang iba sa mga kaklase naming babae ay nag yayakapan at tumitili.

Hindi tumigil si Sylvester hanggang sa hindi niya natutumba lahat.

"Now." tumigil siya ipinalibot ang tingin sa buong classroom. "Clean all these mess." utos niya.

Nag unahan ang mga kaklase namin sa pag aayos. Miski ako ay umupo para maabot ang upuang natumba sa harap ko, pero bago ko pa iyon tuluyang mahawakan ay may bigla ng humigit sa akin patayo.

"Not you, Chelidon." wika ni Sylvester.

A/N: Parang naka limutan ko na 'yung takbo ng story sa utak ko, ang na plano ko lang 'yung sa kalagitnaan na ng story, e malayo pa. What's next? HAHAHAHA

I'm The Bad Boy's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon