Food

18K 648 25
                                    

Chapter IX

"Hindi ka sasama, Sylvester?" narinig kong tanong ng isa sa kaibigan ni Sylvester sakaniya.

"Yeah."

Napa kurap ako dahil sa lamig ng boses niya.

"Okay, maya na lang." tugon nila at nauna ng lumabas ng classroom dahil lunch break na.

Hindi ako nag angat ng tingin at nagpanggap lang na may ginagawa kahit ramdam ko parin ang presensya ni Sylvester sa tabi ko.

Tumikhim siya kaya pa simple ko siyang tinignan sa gilid ng mata ko.

Tinaasan niya ako ng kilay kaya nagmamadali akong bumalik sa ginagawa.

"If you think you can escape me, think again, Chelidon."

Napa ayos ako ng upo dahil sa sinabi niya. "Bakit ba kasi hindi ka pa na alis."

Nakita ko ang pag ngisi niya dahil tuluyan na akong napa tingin sakaniya. "We'll eat together."

Huminga ako ng malalim. "Ikaw na lang."

"I didn't ask for your answer, we will eat again together, Chelidon." mariin niyang sagot.

Napa kamot ako sa batok ko pero wala na akong nagawa lalo na nang hinila na niya ako.

Halos mag tago ako sa likod niya nang makita kong pinag titinginan kami ng mga kapwa namin estudyante pagkalabas na pagkalabas namin ng classroom.

May ibang kuryosong naka tingin, may ibang mukhang naiirita sa akin at meron ding galit na galit.

Sinubukan kong bawiin ang kamay ko kay Sylvester. Dahil maluwag ang pagkakahawak niya ay mabilis ko iyong nagawa.

Napa tigil siya sa pag lalakad at napa tingin sa akin pababa sa kamay niyang binitawan ko.

"You're always slipping away from me whenever I'm not holding you properly." bulong niya.

Napa lunok ako nang humakbang siya palapit sa akin. Napa singhap ako nang kinabig niya ako sa baywang at inilapit sa katawan niya.

Medyo lumayo pa ako sakaniya nang maka ramdam ng kiliti dahil yumuko siya para mapantay ang labi sa tainga ko.

"S-Sylvester."

Pinigilan niya akong lumayo gamit ang kamay niyang mahigpit na naka kapit sa baywang ko.

Akmang bubulong siya sa akin nang bigla siyang matigilan.

"Why are you staring at my girl? Do you wanna die?"

Napa pitlag ako sa lakas ng boses niya.

Tumingin ako sa unahan namin at nakita ko na lang ang isang lalaki na mabilis na tumatakbo palayo.

Inis kong hinampas sa dibdib si Sylvester dahil mas naka kuha ng atensyon ang ginawa niyang pag sigaw. Bakit pati sasabihin niyang 'my girl' e mag kaklase lang naman kami? kanina pa siya sa cafeteria!

Nag tagis lang ang panga niya at parang nawala sa mood na mang asar.

Hindi na siya nag salita hanggang maka labas kami ng school. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero hindi rin ako maka wala dahil sa higpit ng hawak niya sa akin. Tuwing tatangkain kong lumayo ay mas lalo lang niyang hinihigpitan ang pag kapit sa akin kaya tumigil na rin ako.

Na realized ko lang kung saan niya ako balak dalhin nang nasa harap na kami ng mamahaling restaurant na malapit lang sa school.

Akmang igigiya niya ako papasok pero agad akong umiling.

"Ayoko dito." bulong ko.

Nahihiya akong pumasok sa loob dahil alam kong lahat ng nandoon ay mayayaman. Nakakain naman kami nila Tita sa mga restaurant pero hindi kasing sosyal ng ganito.

"Why?" namamaos niyang bulong.

Umiling ako. "Ikaw na lang ang kumain dito, Sylvester." akmang aalis na ako pero na higit nanaman niya ako pa balik sakaniya.

"Fine. Saan mo gustong kumain?"

Gulat akong napa angat ng tingin sakaniya. "H-hindi. Dito ka na lang kumain, diba sanay ka na dito kumakain, dito k-ka na lang."

Nag tagis ang panga niya. "Saan mo gustong kumain?" tanong niya. Halatang iniiwasan ang sinabi kong dito na lang siya sa restaurant kumain.

Napa titig ako sakaniya. Akala ko nag loloko siya pero seryoso naman siya. "Sa cafeteria ng school."

Tumango siya. "Then we'll eat there."

Napa tingin ako sa restaurant. "Pero i-ikaw--"

"I said we'll eat together, Chelidon. Stop pushing me away."

Nang maka balik kami sa school at maka punta sa cafeteria. Tinanong agad ako ni Sylvester kung anong gusto ko.

"A-ah hindi ako bibili." wika ko.

Kumunot ang noo niya. "Hindi ka kakain?"

"Kakain." nahihiya kong tugon. "May baon kasi ako."

Hindi siya sumagot pero hindi rin siya umalis sa harap ko.

Ngumuso ako at inilabas ang baunan para makita niyang meron talaga akong baon.

"Sinong nag luto?" tanong niya nang makita ang ulam kong adobo.

Mas lalong namula ang pisngi ko, nag dadalawang isip kung sasabihin ko ba ang totoo.

Bumagsak ang tingin ko sa baunan ko nang makita kong inaantay niya ang sagot ko, "Ako."

Tumango siya, "I'll just buy foods, huwag ka munang kakain." seryoso niyang wika.

Tumango rin ako. Hindi ko naman gawain na unahan kumain ang mga kasabay ko.

Bumalik siya na sobrang daming dala, iba't-ibang ulam pa iyon.

Nahihiya kong hinila ang baunan ko palapit sa akin at gusto na lang pumunta sa classroom namin at tahimik na kumain mag isa.

"Is it okay with you if we exchange foods?" tanong ni Sylvester.

Gulat na gulat akong napa tingin sakaniya. "H-Huh?"

Umupo siya sa tabi ko habang titig na titig sa baunan ko. "I wanna eat the food you cooked."

"Pero naka bili ka na diba?"

Bumaling siya sa mga pagkaing binili niya at inilapit sa akin. "These are all yours, I want your food."

"P-pero." nag dadalawang isip kong tugon habang naka tingin sa pagkain ko.

"I don't have anything to eat. I don't have enough money to buy foods again. I'm broke."

Nag salubong ang kilay ko. Hindi naniniwalang wala na siyang pera. Kanina nga ay may balak pa siyang kumain sa mamahaling restaurant sa labas ng classroom.

"Pero ito o, marami kang binili." pamimilit ko.

"It's all yours." giit niya.

Aangal pa sana ako pero nang makita ko ang pag aabang niyang ibigay ko ang pagkain ko sakaniya ay wala na akong nagawa.

"O-oh," inabot ko sakaniya ang baunan ko.

Nakita ko ang pag silay ng ngiti sa labi niya na parang batang na bigyan ng candy.

"Pero alam mo baka hindi masarap 'yan--" naputol ako sa pag sasalita nang mabilis niyang kinain ang niluto ko.

Nahihiya ko siyang tinignan habang parang sarap na sarap sa kinakain niya. Parang may humaplos sa puso ko, pinag palit niya iyong mga mahal na pagkain na mga professional chef ang nag luto makain lang ang niluto ko.

"This tastes good." wika niya pero naka tuon parin sa pagkain.

Sanay na akong natatanggap ang puri na iyon kanila Tita at sa mga pinsan ko pero bakit ngayon lang ako naging tuwang tuwa na nasabihang masarap ang luto ko?

I'm The Bad Boy's Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon