chapter 7

71 5 0
                                    

Lumipas ang ilang araw halos nawawala na ang bitterness ko kay Sophia,marahil dahil ito kay Zoey. Lagi kasi siyang andyan para sa akin para ko na siyang bestfriend, bestfriend nga lang ba?

" Uy Zoey! Tara sama ka sa akin "

" saan naman yan Lee? "

" basta sumama ka na lang sa akin "

" ayoko nga mamaya may gawin ka sa akin e "

" grabe ka! Ganun ba tingin mo sa akin?"

" naninigurado lang ako, syempre babae pa din ako noh." Pagtataray niya sa akin.

"Tara na dami pa kasi sinasabi e,saka malapit lang naman ito " Sabay hila ko sa kamay niya.

" sige na nga "

"Pakipot pa sasama din naman pala."

At sumama na nga sa akin si Zoey ng walang pag-aalinlangan. Habang papalapit kami sa pupuntahan namin ay aking tinakpan ang kanyang mga mata.

"Hoy Lee!! Ano ginagawa mo!! Ang aga pa para mangrape ka!"

"Zoey relax, trust me magiging masaya ka."

"Lee virgin pa ako!! Huwag mo ako pagsasamantalahan." Sigaw niya ngunit imbis na mataranta ako ay mas nangingibabaw ang sayang nararamdaman ko.

"Hindi ko gagawin yun. Basta focus ka lang sa paglalakad mo and I'll guide you."

"Guide? Yung totoo Lee? Anghel ka ba o taga sundo? Bata pa ako ayoko pa mamatay!"

Natatawa ako sa pinagsasabi ni Zoey pero hindi ko na lang siya pinansin.

"Dito na tayo. Bibilang ako ng tatlo bago ko alisin ang pagkakatakip ko sa mata mo. 1, 2, 3! open your eyes Zoey."

Sa pagdilat niya ay iba ang nadatnan niya.

"HAPPY BIRTHDAY ZOEY !!!! "

Dahil sa birthday niya gumawa kami nina Ken At Mica ng konting handaan. Alam kung hindi niya expected itong ginawa namin para sa kanya hanggang sa mapaluha na lang si Zoey dahil sa sobrang saya. Masaya din akong napasaya namin siya.

"Nakakainis naman kayo e!" Naiiyak niyang sabi.

"Huwag ka ng umiyak diyan hindi bagay sayo e" Pang-aasar ni Ken.

" sobrang napasaya niyo ako guys "

" actually Zoey di namin alam na birthday mo si Lee lang nakaisip ng ganito " Sambit ni Mica.

Napatingin sa akin si Zoey at napangiti kasabay nun ay ang pagyakap sa akin ni Zoey.

" Thank you Lee "

Bumilis ang tibok ng puso ko sa pagkakayakap sa akin ni Zoey.

" wala yun alam mo naman kung gaano ka na kahalaga sa akin, sa amin."

" oh tama na yang dramahan niyo diyan hindi ba tayo kakain? " Aya ni Mica.

" oo nga naman tara kumain na tayo at i-celebrate ang birthday ni Zoey!"

Hindi ko maiwasang titigan si Zoey habang kasama niya si Mica ngayon napatunayan ko na kaya din pala niya maging masaya kahit sa simpleng bagay lang,kakaiba talaga siyang babae, yung dating babaeng istatwa ngayon wagas na kung tumawa.

" ano pakiramdam mo na napapasaya mo si Zoey? " Mabilis na tanong sa akin ni Ken.

" masaya,sobrang saya "

" sa tingin mo? pag-ibig na ba yan? "

" hindi ko alam Ken,basta masaya ako kapag nakikita ko siyang masaya at lagi siyang nakakasama "

Crushmate (She's one of the boys)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon