Chapter 2

153 6 0
                                    

I LOVE MORNING!

Pakiramdam ko magiging masaya itong araw ko ngayon? Di naman ako excited pumasok pero bakit nagmamadali akong pumunta ng school kahit wala namang importanteng gagawin,actually tamad talaga ako pumasok eh,lagi nga kong late dati hahaha.

"uy Lee!"

"oh Ken? himala ang aga mo din ata?"

"syempre naman,gusto ko makita inspirasyon ko eh"

"sino naman yan?"

"yung isa nating classmate,si Mika?"

"sino dun?basta ipapakilala ko siya sayo,pero walang sulutan ah"

"sira! mukha ba kong nanunulot? Saka may girlfriend ako noh, excited na nga ko na makita na siya mamaya."

"sus! baka kay Zoey ka lang excited?"

Napangiti na lang ako sa sinabi ni Ken,ewan ko ba gusto ko din makita si Zoey pero syempre mas gusto ko makita si Sophia. Malapit na monthsary namin,ano kaya magandang iregalo?

"ah chong,ano ba magandang iregalo sa isang babae?"

"bakit?di ba matagal na kayo ni Sophia?dapat alam mo na kung ano gusto niya"

"yun na nga chong eh,matagal na kami at halos lahat ng gusto niya naibigay ko na,wala na kong maisip na pwedeng iregalo pa sa monthsary namin."

Sa kakaisip ko kung ano ba pwedeng iregalo kay Sophia,di ko napansin ibang section pala napasukan ko,ang tanga ko nakalimutan ko ang aga ko pa pala,eh panghapon pa kami,nakakainis din to si Ken di man lang ako pinigilan at nakuha pang tumambay lang sa hallway.

"And you are?"

Hiyang-hiya ako ganda pa ng lakad ko papasok,kinakabahan tuloy ako sa Prof. na ito mukha siyang terror.

"I'm Lee Chua" Sagot ko.

"Are you part of this class? Is this your section?"

"No Sir, I'm sorry nagkamali lang po ako ng room na napasukan."

"Okey you may go."

Pakshet!napaka-epic ko ngayon! ang akala ko pa naman magiging maganda araw ko,hindi na nga lang ako papasok ng maaga.

"pakshet ka Ken! bakit hindi mo ko pinigilan,pumasok ako sa hindi natin klase,nakakahiya talaga."

"chong,kanina pa kita tinatawag kaya lang tulala ka naman,ayon di na kita napigilan."

"tara umalis muna tayo dito." Sabay hila ko sa kanya.

Dahil sa nangyari parang nawala yung pagiging astig ko,hay naku matext na lang muna si Sophia pampagoodvibes man lang.

(anong oras ka papasok?)

Sophia: ( on the way na ko,saan ka?)

(dito sa gym,kasama ko si Ken)

Sophia: (okey,wait mo ko diyan)

(ok ingat ka,i love you)

Wala man lang i love you too? baka wala ng load,makanood na nga lang muna ng mga naglalaro kahit hindi ko hilig no choice ako kesa sa tumambay ako sa canteen baka magutom lang ako.

"ang galing nung number 8 noh?"

"di ko pa siya nakikita maglaro eh."

"chong panoorin mo kasi,huwag mo nga masyado isip-isipin yung kanina."

Ayoko magsalita pero hindi naman talaga kagalingan yung number 8,siya pala yung cortez na tinatanong ko kay Zoey. Inantok lang ako sa kanila,makalabas na nga lang muna,pero pagtayo ko nakita ko naman si Rex yung classmate ni Sophia,mukhang busy sa kausap niya sa phone,tama yun baka madagdagan pa badvibes ko kapag napansin niya ako dito.

Crushmate (She's one of the boys)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon