chapter 23

7 1 0
                                    

Pasukan na naman! Nagstart na din ako sa work ko. Medyo nahirapan sa umpisa pero nakakapag-adjust naman na ako. Hanggang ngayon hindi pa din alam ng parents ko na nagwowork ako kahit apat na oras lang ang working hour ko nakakapagod pa din dahil may pasok naman ako after ng trabaho ko.

"Hoy Lee!" Tawag sa akin ni Zoey mula sa aking likuran.

"Zoey? Ang aga mo ata?"

"Siraulo ka pala eh. Hindi ako maaga malelate na tayo!"

Napatingin ako sa relo ko at tama nga siya malelate na kami. Mukhang napasarap ako sa paglilinis kanina sa store bago ako mag-out.

"Oo nga! First day of school late na naman." Nagmadali akong pumasok ng gate at hinila ang kamay ni Zoey.

"Anong nangyari diyan sa braso mo?" Nagtatakang tanong ni Zoey sa akin na agad ko namang tinignan ang aking braso.

Naalala ko napaso pala ako sa fryer kanina habang nagluluto ako sa oras ng trabaho.

"Napaso ako kanina sa bahay habang nagluluto ako." Palusot ko kay Zoey.

"Ang tanga mo naman. Hindi ka naman marunong magluto pinipilit mo pa."

"Kaya nga pinipilit na pag-aralan para matutunan. Saka maliit na paso lang yan huwag mo na alalahanin pa yan. Bilisan na nating maglakad dahil sa taas pa ang room natin."

Hindi na sumagot si Zoey. Pinagpatuloy na lang namin ang aming paglalakad hanggang sa makita na namin ang room namin.

"Silipin mo nga kung may Prof na." Tanong sa akin ni Zoey.

"Ayoko! Ikaw na kaya!" Sabay hila ko kay Zoey.

"Ikaw na kasi! Ikaw itong lalaki eh!"

"Ikaw na mas mukha ka namang lalaki!"

"Pakyu ka talaga!"

"I love you too'ng tunay!" Sagot ako at kinurot na naman ako.

"Bakit andito pa kayo sa labas? Pumasok na kayo wala pa namang Prof." Bigkas ng isang lalaki. Sa paglingon namin ay bumungad sa amin si Rex na aming classmate na din.

"Rex! Kamusta?" Masaya kong bati sa kanya.

Napalingon ako kay Zoey at nakita ko sa kanyang mukha ang pagtataka.

"Ah Zoey ok na pala kami ni Rex nakapag-usap na din kami." Muli kong sabi kay Zoey.

"Ah ganun ba." Sagot ni Zoey.

"Zoey pasensya ka na kung may mga maling bagay man akong nagawa sayo noon at mga nasabing hindi nakakatuwa. Gusto ko sanang humingi ng tawad." Mahinahon na sabi ni Rex.

"Wala yun. Nakalipas naman na." Pangiting sagot ni Zoey.

"So ok na din kayo ah? Tara na sa loob." Sabi ko at binuksan ang pintuan.

May mga ibang mukha akong nakikita galing ibang sections pero hindi ko pwedeng hindi makita ang kulokoy kong kaibigan na si Ken.

"Hoy Ken! Aga mo chong!" Sabay High five ko sa kanya.

"Syempre naman ikaw lang naman itong hindi." Pabiro niya kasabay nun ay napatingin siya kay Rex na nakaupo na sa kabilang hilera. "Ok na ba talaga kayo ni Rex?" Pahabol niyang tanong.

"Oo chong nakapag-usap na kami at napagdesisyonan naming kalimutan na kung ano man ang nakaraan."

"Ah e di maganda. Siya nga pala bakit parang hagardo versosa ka ata ngayon? Anyare sa fresh na mukha mo?" Pang-aasar niya.

"Nagpupuyat kasi ako lagi sa bahay simula nung nagbakasyon." Palusot ko at tinignan si Zoey na abala sa pakikipag-usap kay Mika.

"Ganun ba? Nood pa." Sabay tawa ng gago.

Crushmate (She's one of the boys)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon