chapter 6

80 5 0
                                    

Sa wakas magpipresent na kami,kulang man kami sa oras ng practice pero ok na din ito kesa sa walang grades, hindi man gusto ni Zoey ang tugtug pero pinagtyagaan niya pa din,kabado kaming lahat dahil bukod sa hiya ay hindi namin alam ano ba kalalabasan nito. Sana hindi kami magkamali.

"chong tara na tayo na susunod" Aya ni Ken na akala mo'y walang daga sa kanyang dibdib.

" wait lang Ken,kinakabahan ako eh."

Gusto kong maihi sa kaba dahil hindi ako sanay na pinapanood ng mga tao lalo na hindi naman ako sumasayaw.

"ayos lang yan huwag kang kabahan,tignan mo si Zoey relax lang".

"alam mo namang walang emosyon yang si Zoey kaya di mo alam kung kinakabahan ba siya o naeexcite"

At tinawag na nga ang grupo namin para sa ipapakita naming performance.

" tara na Zoey"

Hindi man lang nagsalita,well partner ko naman siya eh kaya ok lang mararamdaman ko pa din kung may problema ba siya o wala.

Habang tinititigan ko si Zoey at hawak ko ang kamay niya ay nakaramdam ako ng pagkahiya,ewan ko ba natotorpe ako kapag pinagmamasdan ko siya,at lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko ng tinitigan din ako at sabay sabing..

" umayos ka nga,natatapakan mo na paa ko! "

" ay sorry Zoey "

" magfocus ka nga."

" nagfofocus naman ako,naiilang lang siguro ako sayo "

" bakit naman? "

" ngayon lang kasi kita nakasama ng ganito kalapit "

" para yun lang? arte mo Lee! "

" Maganda ka pala sa malapitan." Sabay kurot sa tagiliran ko. "Araaay!"

"Umayos ka nga magsisimula na tayo."

Naiinis niyang sabi ngunit makikita mo sa kanyang mga mata ang kilig ng isang babae.

Napangiti na lang ako sa huling salitang binanggit ni Zoey sa akin,kasabay din nun ay ang pagngiti niya ,at finally natapos ito na naririnig ko na ang intro ng sayaw.

"Focus Lee!" Pabulong niya sa akin.

"Yes Focus!" Sagot ko at huminga ng malalim.

Nagstart na kami sa sayaw gaya ng sabi ni Zoey focus lang daw para di ako mawala sa steps sinunod ko naman siya at nakatulong yun para magawa ko din ng maayos ang part ko sa grupo. Mahigit 3 minutes din ang nakalipas bago kami matapos, para bang nakawala ang mga daga sa dibdib ko pagkatapos ng lahat.

"Ay buti naman naitawid natin ng maayos." Para akong baliw sa kakangiti. First time ko kasi.

Ngumiti lang si Zoey sa akin na para bang nang-aasar.

" buti naman at marunong ka ng ngumiti Zoey? "

" abnormal ba ako para hindi ngumiti? "

" akala ko kasi may problema ka na naman kaya malungkot ka kanina "

" malungkot? hindi nag-iisip lang ako kanina kung ano ba kalalabasan ng sayaw natin,alam mo namang di ko gusto yung tugtug na ibinigay ni Cindy "

" ayos lang yan,andito na eh,saka tapos na pasalamat na lang tayo kay Cindy kasi tinulungan niya pa din tayo sa sasayawin natin "

" sige kayo na lang magpasalamat sa kanya "

" Zoey huwag mo na kasing isipin na gf siya ng ex mo,wala naman siyang alam sa history niyo ni Justine eh "

Crushmate (She's one of the boys)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon