T H G 2 : C h a p t e r F o r t y - S i x

Start from the beginning
                                    

          "Ikaw noon hanggang ngayon. Slave Babe mo na hanggang ngayon handang magpaalila habang buhay." Dinig ko agad ang mga hiyawan ng mga kaibigan namin mula sa likod. Agad napikon si Blake at sinamaan sila ng tingin. Natawa naman ako bigla. Ngayon ko lang din napansin ang nagkalat na petals ng black rose sa lupa at mga kandila sa paligid namin. At ang mga nagliliparang  lanterns sa kalangitan kaya't mas lumiwanag pa ang gabi ngayon.

          "Putek! Binata na utol namin!" Dinig kong hiyaw ni Henry na agad namang ginatungan nila Cloud at maging sila Tiff ay nakisigaw narin.

          "Kyaaah! Oo na 'yan!" Tili ni Tiffany.

          "Ohmayghad! Hindi me nakapagready! Why 'di niyo sinabi to me?!" Napalingon kaming lahat kay Janina at sabay-sabay na napangiwi.

          "Bitch, alam kasi naming maingay ka." Pagtataray ni Kris. Agad namang napanguso si Janina.

          "Yah, Dude, super." Tumatangong pagsang-ayon pa ni Asiya.

          "Bakit ang mean niyo? Huhu! Cloud, oh!" Sumbong nito sa asawa. Tumawa naman si Cloud at inalo na lamang si Janina.

          "Ano ba, guys? Dinidistract niyo sila!" Saway ni Tiff kina Asiya.

          "Yeah, give this moment to them." Sabi ni Ethan.

          Hindi ko mapigilang maging emosyonal at tinignan sila isa-isa na may mga ngiti na sinasabing suportado nila kami. Maging si Jack ay tumango ay ngumiti din sa'kin habang inaakbayan si Nathan na nakangiti ng mapait. Binalik ko ang tingin kay Blake.

          "Babe, just look at me. I'm the one who's proposing, not them." Nakasimangot na sabi nito.

          "Tch. Ganyan ba magpropose?" Singhal ko sa'kanya. Napakunot-noo naman agad siya.

         "No, I'm sorry, okay just listen to me and please do not reject me." Sabi niya habang napapalunok na mukhang kabado pa at nangangalay na. Patago naman akong napangisi. "Xylean, I love you, I love you, I love you. You're the only woman that I'll love and marry. Wala eh, I guess, Im this into you." Punong-puno ng sinseridad niyang sabi. Nakaramdam ako ng ginhawa at tuwa sa loob ko. Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatingin sa'kanya. Siya nga talaga ang mahal ko. Ang lalaking balak kong pakasalan lamang at wala ng iba. "Please, be my wife, be the full time mother of Xierra and our future children, and don't ever leave me again. Marry me, Xylean. I'll wait here even it takes all night, or even a day just say yes." Hindi ko namalayan ang sarili kong napapatango habang tuloy-tuloy ang daloy ng mga luha sa mga mata ko. Nginitian ko siya.

          "Tch. Dinaan mo sa public, may choice pa ba ko kundi um-oo?" Nakangiting biro ko. Agad siyang nagpunas ng mga luhang biglang lumabas sa mga mata niya at natawa.

          "Fuck this, what a best day indeed." Sabi niya sa sarili. Bigla siyang tumayo at niyakap ako ng mahigpit. "You don't know how much you make me happy for this night." Masayang bulong niya sa'kin. Nang humiwalay siya sa yakap ay mabilis niyang itinanggal ang singsing sa itim na kahon at isinuot sa daliri ko. Ito na yata ang pinakamagandang singsing na nakita ko sa tanang buhay ko.

          "Salamat, Blake. I don't deserve this kind of love." Hindi ko namalayang humihikbi na pala ako sa mga bisig niya. Natawa siya at mukhang umiiyak narin.

          "No babe, you deserve every single damn thing. I love you, Xylean." Hinarap niya ako at tinitigan na may ngiti sa labi. Agad akong napangiti habang umiiyak parin.

          "I love you too, Blake." Mabilis ko siyang sinunggaban ng halik na agad naman niyang tinugon.


t o  b e  c o n t i n u e d . . .

v o t e  a n d  c o m m e n t < 3

+++



Wa r n i n g :

R e a d y  f o r  E p i l o g u e ?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

R e a d y  f o r  E p i l o g u e ?


The Heiress Gangster 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now