T H G 2 : C h a p t e r E i g h t

1.7K 39 0
                                    

X y l e a n

"I miss you."


      I suddenly smiled, closing my eyes as I felt a warm hug from my back.

      'Tss! Kahit kailan talaga 'tong lalaking 'to.'


      Humarap ako sa'kanya, nabitawan ang itim kong cane at pinulupot ang dalawa kong kamay sa leeg nito.

      "You found me again, Mister." I said as I kissed him quickly in the lips, Making me smiled at the end.

      "Tsk! Tsk! Who's the one missing more here?" Kahit hindi ko ito makita ay batid kong nakangisi ito ngayon.

      Napasimangot tuloy ako at napanguso. Tss, kahit kailan talaga ay napakayabang ng lalaking 'to.

'Zach Evans, Zach Evans..'


      Naramdaman ko ang pagkuha nito sa cane kong nalaglag at muling humarap sa'kin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


      Naramdaman ko ang pagkuha nito sa cane kong nalaglag at muling humarap sa'kin. Naramdaman ko ang paghapit nito sa aking bewang at sabay naglakad habang ginabayan sa paglalakad.

      "Wait, where's Zachery?" I asked, nang wala akong mapansin na batang masungit na umaaligid.

      "Nasa Mansion, naiwan." Naramdaman ko ang tingin niya. "Right after he said that your chest was in pain, I ran immediately to your room. But when I got there, you were gone. I was thinking na mukhang tumakas ka na naman. So here I am, searching the hell out of you." He explained. Mukhang nagtampo pa ata. Pinisil niya ang bewang ko dala ng panggigil pero sa may respetong paraan. Kaya't agad akong napangiti. 'Yun ang gusto ko sa lalaking 'to, ni minsan ay hindi niya nagawang pagbuhatan ako ng kamay.

      "Ngayon ko lang sasabihin ito.. Hinding hindi kana muling makakawala sa'kin." Ramdam ko ang pagkaseryoso sa tinig nito na agad ko namang ikinatawa ng bahagya. Batid kong nakakunot na ang noo nito sa taka.

      "Hindi naman kasi ako tatakas at wala naman akong balak iwan ka." Ngisi-ngising paliwanag ko sa'kanya na alam kong nakapagpangiti sa'kanya.

      "Pangako?" Agad akong nagtaka dahil may himig itong lungkot at umaasa na oo ang magiging sagot ko. Ipinangsawalang bahala ko na lamang.

      Ngumiti ako at tumango, "Pangako."

      "Hey, stop flirting infront of our house." May biglang nagsalita mula sa gilid namin na boses batang lalaki at mukhang iritang irita pa ito.

      Mukhang narito na kami ng namin namamalayan. Napabitaw naman sa'kin si Zach. Maya-maya ay bigla na lamang akong nakarinig ng mga sigaw galing sa mag-ama ko na ramdam kong nasa harapan ko lang.

      "Anong sabi mo ha! Ikaw talagang bata ka!" Dinig kong patawa-tawang sabi ni Zach sa anak niyang si Zachery na panay naman din ang tawa. Mukhang kinikiliti siya ng kanyang ama.

      Agad naman akong napangiti at natawa, "Hoy! Zach! Tigilan mona si Zachery, baka mapano pa kayo riyan. Pumasok na tayo." Sita ko sa kanila.

      "Opo, Master Babe." Biglang kumabog ang puso ko nang marinig ko ang tinawag ni Zach sa'kin.

      Agad napakunot ang noo ko at napahawak sa sintido ko nang magsimula na itong manakit.


'Ah!'


      Sa isang iglap ay bigla na lamang akong nakakakita. May isang lalaki na palapit pero malabo ang mukha. Hindi ko makilala. Sino ba sya?

      Sinalubong niya 'ko ng nakasimangot, "Antagal mo naman, Master Babe," Bagot ko lamang siyang tinignan at nilagpasan. Babalik na 'kong room.

      Hinabol naman ako ni Blake hanggang sa nasa tabi ko na siya, "Ikaw na nga 'tong hinintay, ako pa iniwan!" Reklamo niya.

      "Ah!" Napaupo ako at napapahawak sa ulo ko sa sobrang pakikirot nito. Nawala na 'yung lalaki.  Bigla na lamang muling dumilim ang paningin ko.

      "Xylean! Xylean! Are you alright?!" Natatarantang pagtatanong ni Zach.

      "Mom? What's happening to you?" Dinig kong nagtatakang tanong ni Zachery ngunit may bahid ng pagaalala.

      Parehas ko silang hindi masagot dahil tila para bang mababaliw ako sa sunod-sunod na imaheng pumapasok sa ulo ko ngunit lahat ng ito ay malalabo at wala akong maintindihan kahit na isa.

      'Ano bang nangyayare sa'kin? Sino siya?'


      Bakit tila sobra akong nasasaktan sa mga ala-alang iyon? Sino ba s'ya sa buhay ko?

      Hanggang sa hindi ko namalayang nahimatay na pala ako at puro sigaw nalang ng mag-ama ko ang tanging naririnig ko.

      "Xylean.. Please bumalik kana." Agad akong napabaling sa ibang direksyon sa nagsalita ngunit hindi ko ito mahanap.

      "Xylean.. Mahal na mahal kita, bumalik kana please." Muli na naman nagsalita ang boses lalaki kaya't napabaling ako sa kabilang direksyon dahil doon nanggagaling ang boses.

      "Sino ka?" Naguguluhan kong tanong habang kinakapa kapa ang paligid ko.

      Kailangan kong makalapit. Kailangan ko itong makilala. Madami akong gustong itanong.

      "Xylean.. Parang awa mona. Bumalik kana.." Muli ko na naman narinig ang nagmamakaawang lalaki na hindi ko malaman kung sino.

      Nakarinig ako ng hagulgol at sinisiguro kong siya iyon. Nanikip ang dibdib ko na parang sobra-sobra akong nasasaktan para sa'kanya. Ayoko siyang umiiyak.

      "Xylean.. Kailangan kita." para akong mababaliw sa kakatingin sa iba't-ibang direksyon para lang makita siya pero sadyang napakadilim ng paligid. At bigla kong naalala. Bulag nga pala ako. Tangina dis.

      "Hindi ko kaya ng wala ka." pahina hina nitong sabi. Ngunit pilit ko pa rin ito hinahanap.

      "Hindi ko kaya.. ng wala ka.." Nahihirapan nitong sabi habang pahina ng pahina.

      Agad akong napabangon sa kama na pawis na pawis dahil sa napanaginipan ko ngunit sumalubong lamang sa'kin ang kadiliman. Naramdaman kong may bumangon mula sa tabi ko at humawak sa kamay ko ng mahigpit. Nilingon ko ang direksyon niya at pinakita ang malungkot kong mata.

      "Napanaginipan mo na naman ba siya?" Agad akong tumango.

      Napahawak rin ako ng mahigpit sa kamay ni Zach, "Sino ba sya? Zach, ano ba talagang nangyari sa'kin? Please sabihin mona." Pagmamakaawa ko.

      "Hindi ko siya kilala pero sigurado akong kilala mo siya."

t o  b e  c o n t i n u e d . . .

v o t e  a n d  c o m m e n t (。•́︿•̀。)

The Heiress Gangster 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now