1

14 1 0
                                    

"How dare you!" isang maluntong na sampal ang natanggap ko mula kay Almira. "Ang kapal ng mukha mong agawin si Victor!"


"Agaw?" nilingon ko ang mga taong nasa paligid naming. Nasa coffee shop lang naman ako nang biglang may biglang humablot sakin patayo at sinampal ako. "Almira, hindi ko inagaw si Victor!" dahil sa akin naman talaga siya. Gusto ko sanang idagdag pero hindi ko na lang itinuloy, wala yun sa script.


"Ha! Napakasinungaling mo!" sasampalin na sana nya ulit ako pero dumating si Victor. Gulat namang napatingin si Almira sa kanya.


"Itigil mo na 'to, Almira." Sabi nya at may pwersang ibinaba ang kamay nito. Muntik naman akong mapairap ng biglang nagmakaawang lungkot na face reaction si Almira. Di marunong.


"Vic—"


"CUT!" at mukhang hindi nagustuhan ni Direk. "Rachelle naman, akala ko ba aayusin mo na yung pag-acting mo sa part na yan? We already did countless retakes for this scene!" naglakad ako papunta sa tent para mag retouch. Mukhang mahaba-habang sermuna na naman yan.


I am Alyanna Zandra Salvador, actress, endorser, influencer, and singer. I am not a full-time singer, sadyang may magandang boses ako at minsan nang nagkaroon ng album, kahit di ko naman talaga kailangan. Sabi nila, for the fans. *insert eyeroll*.


"Ang galing-galing nyo dun kanina, Ma'am!" salubong sa akin ni Jiro, my personal assistant. Beki, single, pogay. Nasasayangan ako sa kapogian ng isang 'to, I even tested his/her gender, naghire ako ng babaeng aakit dito nung isang beses na nag-bar kami, pero waley, sa mga lalaki nakipag sayawan.


"I know right. Tawagin mo si Rhea, I need a retouch." Tumango naman sya at agad ding lumabas. Nagdirecho naman akong umupo sa harap ng salamin. Pumikit na muna ako, wala pa akong tulog since yesterday.


"15 minutes break, then we will continue!" rinig kong sigaw ng assistant Director na si Jayce. Mukhang tapos nang sermunan si Rachelle.


Nakarinig ako ng kaluskos kaya naman dumilat ako sandali at nakita ko si Rachelle na malungkot na pumapasok kasama ang P.A nya. Nginitian naman nya ako bahagya at hindi naman ako madamot na ipagdamot ang ngiti ko.


Dapat kasi galingan mo ang pag-arte mo.


Ilang sandali pa, dumating na si Rhea na nagmamadali.


"Ma'am Zandra, sorry po, nagla-lun---"


"I only have 10 minutes left. Dalian mo na." Simple kong sabi at pumikit na ulit. Mag-eexplain pa eh. Naramdaman ko ang pagmamadali nyang kilos at hinayaan ko na lang.


"Zandra..." rinig kong tawag ni Aunty Rica, my manager.


"Hmm?"


"You have a new endorsement offer. They chose you as their first Asian endorser---"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 21, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Let's Not Fall In LoveWhere stories live. Discover now