"Anu ba? Ang ingay!" sita ko. Kasama niya pala si Kyla. Naupo silang dalawa sa upuan sa harap ko.

Nandito kasi ako sa may field. Nagpapahangin.

"Hi Nathan! (:" bati ni Kyla.

"Hello, tsaka Nate nalang." ako

"Ang unpeer mo Damu! Nagreply ka sa greetings ni Kyla tapos sa akin, hindi :3" Aly.

"good morning -_____-" ako

"Aish. 'wag na nga lang. Halatang pilit eh." tapos nagtawanan sila ni Kyla.

"Alyssa." napalingon silang dalawa sa taong dumating, kasi nakaharap sila sa akin eh.

"Prince :)" pilit na ngiti niya.

"Pasyal tayo?" hopeful na tanong niya. Nagatinginan lang kami at agad niyang binalik ang tingin kay Aly.

Wag kang pumayag. 

Aish! Pakialam ko ba kung pumayag siya.

"Ahh, ano kasi, may gagawin pa kaming report na tatlo. Kailangan naming matapos kasi kailangan na ni Prof." pagdadahilan niya.

"*sigh* sige. Mag-usap--- i mean gumawa nalang kayo ng report." Prince.

"Ahhh. Okaay." (- - ") itsura ni Aly.

Umalis na si Prince at nagtanong naman agad si Kyla.

"Kailan kaba makikipag-break sa kanya Aly?" Kyla.

"Gusto ko na siya ang makipaghiwalay sa akin. Para hindi masyadong masakit para sa kanya. Ramdam ko, malapit na siyang mapagod sa akin." naiiyak na sagot ni pandak.

"Masokista! Pinapatagal mo lang ang pagdurusa niya eh. Mas mabuting ikaw na ang makipaghiwalay sa kanya." ako.

"Oo nga, tama si Nate." Kyla.

"No. Kailangan niyang alagaan ang pride niya." Aly.

"Edi, tanga ka talaga. Mas inuuna mo pa 'yung pride ng iba." ako.

"I have my reasons, Nate." siya habang humihikbi na. Niyakap naman siya ni Kyla at ayun umiyak na nga.

Nang humina na ang iyak niya ay kumawala na siya sa yakap ni Kyla.

"Buti nalang talaga kasama kita ngayong Vacation Ky. Hindi ko alam kung kaya ko." Aly.

"Hala! Aly, sorry, hindi ko nasabi na pupunta ako kila mommy sa Thailand. Dun ako magpapasko at bagong taon." Kyla.

"Haaah? Eh pano yan?" Aly. Na naiiyak na naman.

"Nandito naman si Nate eh." hopeful na tinignan ako ni Kyla.

"Uuwi ako sa amin. Sorry." ako.

"WAaaaaah! Iiwan niyo ako. Ang sama! :/" Aly.

"Sumama ka nalang kay Nate, Aly. Mamasyal ka don sa lugar nila. Mag-hotel ka. At least hindi ka mag-iisa sa bahay niyo." advice ni Kyla sa kaibigan.

"Oo nga no? Nate! Sama ako!!! Pleasee!!!" 

O_O 

"Nate, baka magpakamatay 'yan 'pag iniwan. Hindi ko siya pwedeng isama talaga eh." Kyla.

"aaahh.. Ano... Kasi---" ako.

"Pleasee Damu!!! Uuwi kasi si Manang Iska sa kanila. Mag-isa ako sa bahay. Ang lungkot.." Aly.

"Maawa ka naman Nate!" Kyla

"Pleassse *puppy eyes+pout*" Aly.

"Sige na Nate!! Isama mo na siya.. " Kyla.

(°°_)       (_°°)  

Palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa. Pinagkakaisahan nila ako. Tulong..

"Please, Damu :33" Aly.

"Sige na Nate!!! Maawa ka kay Aly bessy." Kyla.

"OSIGENA.TIGILANNIYONAAKO.ISASAMAKONASIYA." pagsuko ko sa kakulitan nilang dalawa.

"HUUUH? o_O" Silang dalawa.

-_______-

"Sabi ko, payag na ako." ako.

O___O sabay silang tumayo sa inuupuan nila at sabay na nag-tatatalon.

Mga isip-bata. Pano nila ako napapayag? Pano magiging tahimik ang bakasyon ko? 

Ano nang sasabihin ko kila mama? 

Haaaysst. Ano na naman 'tong napasukan ko?

Napalingon ako sa may likuran nila at nakita ko si Prince. Sht. Narinig niya. 

Gulo na naman 'to! 

I Think I'm Falling (Magically Completed)Where stories live. Discover now