One

101 8 1
                                    

"Mimi baby, you'll transfer to *Tooot* University tomorrow.. Aren't you excited? sabi ng kanyang mommy habang sinusuklay ang kanyang mahabang buhok.. Nasa kwarto nya silang dalawa..

"I am but I feel a bit nervous mom.. What if they won't like me there? Panu if wala akong maging new friends? Saka mamimiss ko friends and classmates ko sa dati kong school.." worried na sabi ni Mimi.. Medyo may pagkamahiyain kasi sya sa una.. Nag-aalala sya baka mahirapan syang mag-adjust dahil bago lang sya sa magiging new school nya..

Itinayo sya ng kanyang mommy at iniharap sa salamin.. "You don't have to worry dear.. Look at you.. Napakaganda mu at mabait ka pa.. For sure marami kang mahahanap na friends.." nakangiting tugon nito..

Napangiti si Mimi sa sagot ng kanyang mommy at medyo nawala na ang kanyang agam-agam.. Lumabas na ang kanyang mommy at natulog na rin sya..

Maagang nagising si Mimi at ginawa na nya ang araw-araw nyang ritwal.. Nang matapos syang mag-almusal at nakaayos na ang lahat ay nagtungo na sya upang pumasok..

Sa kabilang dako naman, abala si Junjun sa paghiga sa kanyang kama.. Ou, tanging paghiga lang ang kanyang laging pinagkakaabalahan.. Lagi itong tinatamad gaya ngayon, tinatamad syang bumangon pa kahit may pasok sya..

Maya-maya ay may kumatok at bumukas ang pinto ng kwarto nya.. Agad nagtalukbong ng kumot si Junjun at wari'y tulog pa.. "Hey son, wake up.. It's already 7:00 in the morning.. Wala ka bang pasok?" niyugyog sya ng kanyang daddy para magising.. Umungol lang sya bilang tugon kunwari'y naistorbo ang masarap nyang tulog.. "Breakfast is ready.. Come on, sumunod ka na sa dining area ok.. Break a leg Junjun.." at lumabas na ang kanyang daddy..

Pagkalabas na pagkalabas ng daddy ni Junjun ay agad nyang inalis ang kumot na nakatalukbong sa kanya..

Bugnot si Junjun na bumangon at mabigat ang katawan na bumaba.. Pagkarating sa hapag-kainan ay mabagal syang kumain at pagkatapos ay naligo at naggayak na papuntang school..

*Sa school*

"Good morning.. We have a transferee student from *Tooot* University.. Come in Ms. dela Rosa.." sabi ng kanilang professor..

Pumasok na si Mimi na nakatungo.. Medyo nakaramdam na naman sya ng hiya at kaba.. Nang makarating sya sa harap ay nag-angat sya ng ulo at tumingin sa kanyang kamag-aral.. Huminga muna sya ng malalim bago nagpakilala.. "Hello sa inyo.. I'm Mimi.." nakahalf-smile na sabi nya..

Pagkatapos magpakilala ni Mimi ay sya namang pagdating ni Junjun.. Hinihingal pa syang pumasok at humingi ng pasensya sa kanyang pagkahuli.. "Hello and Good morning Ms. Castro.. Sorry po I'm late.. Hehe.." at nagpeace sign pa sya sa professor..

Napansin ni Junjun ang bagong kaklase na si Mimi at nginitian nya ito "Junjun nga pala.." pakilala nya.. Bahagya ding ngumiti si Mimi bilang pagtugon.. Kahit papanu naibsan ang kaba nya dahil mukhang may makakasundo sya..

Sabay na silang umupo.. Si Mimi ay nakaupo sa harapan ni Junjun.. Nginitian si Mimi ng kanyang seatmate at ngumiti din sya dito.. "Hi Mimi.. Ako nga pala si Bernadeth.." sabay lahad ng kamay sa kanya.. Tinanggap ni Mimi ang pakikipagkamay ni Bernadeth.. "Ahm hello Bernadeth.. Nice meeting you.." natutuwang sabi nya..

Maganda ang naging simula ng pagpasok ni Mimi sa bago nyang school.. Kabaliktaran ng inaakala nya ang nangyari.. Wala na syang dapat ipag-alala.. Bagamat naging mabait ang mga classmate nya sa kanya, hindi pa rin maiwasan na may mainsecure sa kanya.. Ngunit ang mahalaga nagkaroon sya ng kaibigan, sila Junjun at Bernadeth..

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon