Two

74 8 1
                                    

Nagdaan ang apat na buwan, mas naging malalim ang pagkakaibigan nilang tatlo.. Lihim na may nararamdaman si Mimi para kay Junjun at tanging si Bernadeth ang nakakaalam..

"Deth sa tingin mu, dapat ko bang ipaalam kay Junjun o sarilinin ko na lang tong nararamdaman ko para sa kanya?" tanong ni Mimi..

"Ang hirap naman ng tanong mu ei Mimi.. Kasi tignan mu, kung sasabihin mu panu kung hindi nya kayang suklian yung nararamdaman mu tapos mailang sya edi maapektuhan friendship nyo.. Kung ililihim mu naman baka maburo lang feelings mu, sayang naman baka gusto ka rin pala nya natotorpe lang dahil nga iniisip nya friendship nyo.. Haaay! Ewan.." naguguluhang payo ni Bernadeth..

Nahihirapan si Mimi sa kanilang sitwasyon dahil habang matagal na nakakasama nya si Junjun at lalo nya syang nakikilala, lumalalim ang nararamdaman nya para sa kaibigan..

Ilang araw na lang at sembreak na.. Mimi's family planned to go home in their hometown somewhere in Pangasinan.. Medyo sad si Mimi kasi two weeks din syang malalayo sa kanyang kaibigan lalo na kay Junjun.. Labis nya syang mamimiss..

Last day na ngayon ng pasok dahil sembreak na.. Kanya-kanya sila ng uwi sa kani-kanilang probinsya.. Si Bernadeth ay magbabakasyon sya Tarlac at si Junjun ay hindi alam ni Mimi kung saan banda..

"Guys mamimiss ko kayo.. Wag makakalimot ha?" emosyonal na sabi ni Bernadeth..

"Anu ka ba deth? Syempre naman noh.. Para namang di na tayo magkikita ei.." pabirong sagot ni Mimi..

"You're being OA.. Two week lang, ikli lang nun then pasukan na naman.." sagot naman ni Junjun habang naglalaro sa kanyang cp..

Two weeks lang but it seems like years for me na di kita makita sa isip-isip ni Mimi..

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon