Capítulo Quince - Struggle is Real

Start from the beginning
                                    

"Brad! Samahan mo ko!" Nagulat naman ako dahil sa tono ng boses nya ay urgent ito at parang kinakabahan siya.

"Saan? Kumalma ka nga. Kinakabahan ako sa'yo eh." Ang bilis naman yata nung epekto nung kape.



"Hong Kong. Gusto nung client natin doon magpresent. Brad kinakabahan ako!" Napatayo naman ako sa pagkakaupo ko sa hammock.

"Bakit ka kinakabahan? Bugok ka ba? Di ba kamo pwedeng skype nalang?"
Unconciously my feet start pacing.


"Kasi nakakailang revised na 'yon tapos gusto nya doon na mismo."
Alam kong nag-aalala si Vhong dahil pangalan ng company ang nakasalalay dito.

At isa yung client na yun sa project na pinaghirapan namin makuha.

"Kelan yan?" Kinokontrol ko ang sarili ko para kumalma ang pagtatanong ko.

"Bukas."

"What!?" Tama ba rinig ko? Bukas!??? Paano!!!???

"Kelan mo pa alam?" Nai-stress ako sa sitwasyon.

"Kahapon lang. Di agad nasabi sa akin ng Admin." Mahinang sabi nya.


"May presentation material na?" Napasapo nalang ako sa ulo ko at nag-iisip kung paano gagawin.

"Perspectives pa raw sabi ng staff." Pumasok ako ng kwarto at kinuha yung susi ng sasakyan ko.



"I'm on my way. Dyan tayo mag-usap."
Sabi ko habang nagmamadali papunta sa sasakyan.

Bumusina naman ako para mapagbuksan ako ng gate ng mga angels ko. Kumakaripas naman sila ng takbo para buksan iyon.

"Sige Brad, ingat ka. Salamat." Binaba ko na agad yung tawag at nagdrive na papuntang opisina.

Bukas.. aabot naman sya kaso baka bukas pa nila matapos yun kung marami. G-drive nalang nila.

Pagkausap ko pa sa sarili ko.

Bukas tapos Wed. kailangan ko pumunta kila Jaki. Wala pa nga akong regalo eh.






Paano na. Malapit lang naman sya pero. Hassle. Walang pahinga. Kung 2 hours ang flight. 6 hours ang maigugugol ko papunta doon.
3 hours sa terminal, 2 hours flight

Balikan. 10 hours wala pa yung traffic na dadaanan ko dito sa pilipinas




Nang makarating sa ibaba ng opisina ay agad akong nagtungo sa elevator lobby.
Sakto namang kakababa lang nitong ground at pumasok na ko.

Hindi na ko nagmabagal pa at tumungo na sa office.

Ngiti at tango nalang ang naisukli ko sa mga bati ng staff ng ibang department.

Pagpasok ko ng opisina ay nasa likod si Vhong ng dalawang staff na naglulumion at plan.

"Navarro." Tapik ko sa balikat nya.

"Good morning sir."

Bati naman nilang lahat sa akin.


"Ano pa kulang?"

"Ahm, sir dalawang adjustments nalang nung base plan tsaka po irereflect." Tinuro-turo naman ni...ano nga ulit pangalan nito. Yung kabado.

"Ano nga ulit name mo? Sorry."

"Vitto po." Ahh oo nga the 'old friend'


PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now