Kinuha ko ang cellphone ko at agad tinext si Dylan.

To: Honey

San ka na? Pwede ba kita makita ngayon?

Hinintay ko ang reply nya at bago pa mag isang minuto ay agad kong natanggap ang text nya.

From: Honey

Sorry. Pero may mahalaga kaming pinag uusapan ngayon ng ate mo. I'll try to see you when I have time. I'm really sorry hon. I miss you and I Love You so much.

Napabuga nalang ako ng hininga ng mabasa ang reply nya.

"Hindi sya pumayag noh? Sabihin mo nalang kasi sakin kung namimiss mo sya, I can be your date anytime" sagot bigla ni Lincoln kaya agad ko syang sinamaan ng tingin.

"Boyfriend ko lang ang idedate ko at wala ng iba" sagot ko.

"Bakit? Boyfriend mo ko sa mata ng lahat diba? We should be really dating right now, para mas mapaniwala natin ang lahat na tayo talaga" sagot nya na mas lalo kong ikina inis.

"Sa loob lang naman tayo ng school nagpapanggap diba? Hindi na kailangan ng date na sinasabi mo" sagot ko.

"Sa loob at labas ng school nanganganib ang buhay mo Hazelle. Sa labas mas delikado kaya mas dapat kang mag ingat sa tuwing lalabas ka. Lalo na pag wala kang kasama, na sisiguraduhin ko naman na hindi mangyayari dahil palagi ako dapat nakabuntot sayo" sagot nya.

"Handa ka talagang magmukhang aso para sakin?" Ani ko. Nakita ko naman na biglang nagbago ang itsura ng mukha nya at biglang sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi nya.

Napaatras ako ng unti unti syang humakbang papalapit sakin. Tumigil lamang sya ng magkalapit na ang mukha naming dalawa.

"Sinong may sabi para sayo 'to? May kapalit ang lahat ng 'to Ms. Mendoza. Baka nakakalimutan mo ang sinabi ko sayo noon? Kung nakalimutan mo man, handa akong ipaalala yon sayo kahit sa anumang oras" bulong nya na ikinakilabot ng buong katawan ko.

"A..akala ko ba, maayos na kayong dalawa ni Dylan?" Nauutal kong tanong at narinig ko nanaman ang nakakakilabot nyang halakhak.

"Sa problema ng grupo namin, maayos na kami. Pero sa kag*guhan na ginawa nya sakin noon, hindi pa. Hindi pa tapos ang gyera sa pagitan naming dalawa, nagsisimula palang akong magtanim ng bomba sa ilalim ng lupa, nasasakanya na yun kung makakaligtas sya sa pagsabog ng mga yon, o tuluyan syang sasabog kasama ang mga bomba na tinanim ko" bulong nyang muli.

Mukhang hindi parin nya talaga alam ang totoo. Ang katotohanan kung bakit sya hiniwalayan ni Ate Delaney noon. Nagsakripisyo si Ate Delaney para sa kaligtasan nya. Sinakripisyo nya ang habang buhay nyang kaligayahan kapalit ng buhay ng taong minamahal nya.

Kung pwede lang talaga na sabihin ko na sakanya ang lahat ng nalalaman ko. Para hindi sya nahihirapan at nasasaktan ng ganito ngayon. Na hindi na nya paniwalaan ang mga maling hinala nya sa simula palang.

"Hindi kita pipigilan sa gusto mo mangyari. Pero sana sa huli, huwag mong hayaan na sa sarili mo sumabog ang lahat ng bomba na tinanim mo" sagot ko at nakita ko naman ang pagkunot ng noo nya na parang naguluhan sa sinabi ko.

Malamya akong ngumiti.

"Sumama ang pakiramdam ko. Iuwi mo na ko, nawalan na ko ng gana gumala" sagot ko.

***

Dylan's POV,

"Masama ang kutob ko sa grand white ball na gaganapin sa sabado. Ngayon lang may ginawang ganto ka engrandeng celebrasyon ang school. Kung magkaka okasyon man ay may malalim itong dahilan" kwento ko kay Delaney.

Nasa bahay nila kami ngayon at ng malaman ko ang tungkol sa grand white ball ay agad ko itong ipinaalam sakanya. Alam kong may binabalak nanaman syang masama hindi lang samin kundi pati kay Hazelle.

"Natanong ko narin sa pinsan ko ang tungkol sa bagay na yan. At tama nga ang hinala mo, may masama syang balak gawin sa okasyon na yon. Ipinasadya ito ng tatay nya bilang celebrasyon ng pagbibigay nya ng shares nya sa school. Nagbenta sya ng shares nya hindi para mas palaguin ang eskwelahan nyo, kundi para pagnakawan at kunin ang lahat ng kayamanan nito. Hindi parin makalap ng pinsan ko ang gagawin nyang plano pero agad nya itong sasabihin satin sa oras na may malaman sya" paliwanag nya kaya tumango nalang ako.

"Anong gagawin natin ngayon? Kung hindi naman dadalo si Hazelle ay sigurado akong dito sya sa bahay nyo mismo pupuntahan? At sigurado akong pag nalaman nya 'to ay ayaw nyang madamay ang magulang nyo" tanong ko.

"Dadalo din ako" aniya na ikinagulat ko.

"Mabubuo natin ang plano sa oras na malaman na natin kung kelan sya kikilos. Basta anuman ang mangyari, sisiguraduhin ko na hindi mapapahamak si Hazelle" sagot nya.

"Paano ka? Baka ikaw naman ang mapahamak sa gagawin mo?" Nag aalala kong tanong.

"Kaya ko ang sarili ko. Basta ipangako mo sakin Dylan, huwag mo pababayaan ang kapatid ko" aniya kaya bumuntong hininga nalang ako at tumango.

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Where stories live. Discover now