Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter 3

113K 4K 1.5K
                                    

Chapter 3

My tears dried. Tired, I walked towards the counter to pay the wet wipes I took. Huminga ako nang malalim at ibinigay ang pera sa kahera. Iba na ang naka-duty ngayon. She was a petite girl with chinky eyes. She smiled at me as she handed me my change. Tamad ko iyong kinuha. Wala nang ulan sa labas at ambon na lang ang naiwan pero may mahihinang kulog pa rin kaya tumamabay pa ako sa Alpha hangga't hindi iyon tuluyang nawawala. 

I texted Isha to fetch me but she was not replying. Baka tulog pa iyon ngayon pero umaasa pa rin na susunduin niya ako. Bumunot ako ng isang wet wipes para ipunas sa aking nanlalagkit na mukha gawa ng ulan at luha kanina na natuyo.

Isha was one of my trusted friends around. She was my classmate, but she chose to drop out for a happier life. Mas gusto niya raw magtrabaho—kung saan siya masaya ngayon—dahil nababalikan naman daw ang pag-aaral at walang pinipiling edad kung kailan willing uli. It somehow triggered something in me but I couldn't do that. Bukod sa bunganga ni Mommy ang araw-araw kong maririnig 'pag nangyari iyon ay gusto ko pa ring makapagtapos ngayong taon para wala nang problema. 

I was so tired of this life. I have fears and traumas that I was trying to face but I always ended up crying. I have so many issues and problems that I couldn't even fight because I was already bruised and limped. I could no longer take them away from me, so they kept on coming. I was just living but barely breathing.

Mayamaya lang ay dumating naman si Isha at sinundo ako. Lulugo-lugo akong umuwi sa bahay.

Kinabukasan, ramdam ko agad ang mainit kong katawan dahil inapoy ako ng lagnat. I have a sore throat too. I sat up and checked my neck to feel my temperature. My heavy eyes lifted on the wall clock near the door. Nananakit ang katawang tumayo ako at dumeretso sa banyo para makaligo. I still need to go to my classes. Babawi pa ako sa quizzes ngayon.

Pagkatapos maligo ay giniginaw at halos manginig ako pero tiniis ko na lang. Huminga ako nang malalim at sinuklay ang buhok ko habang nakatingin sa salamin. My reflection on the mirror was me but I was completely a different person inside. Sa salamin ay wala akong ibang kasama pero sa isip ko, maraming nagsasalita na hindi ko kilala. 

I took a deep breath again to calm my mind. It was okay. At least, I have voices in my head that was telling me things to do... things that could change the sadness that I felt into blissfulness.

My lips parted while staring at my reflection for too long. Hindi ko naramdaman na habang tumatagal ay mas dumidiin ang pagsuklay ko sa aking buhok. Maarami tuloy buhok na naiwan sa suklay. I rolled my eyes.  Initsa ko ang suklay sa tokador at kinuha ang bag sa kama.

Lukot pa ang uniporme ko nang isuot dahil walang time magplantsa, bumaba na ako para makaalis ng bahay namin pero naabutan ko roon si Tito Gerald na nagbabasa ng diaryo sa sala habang sumisimsim sa tasa ng kape. Nagkatinginan kami, his eyes instantly scanned my body. Ayan na ba ang gawain niya sa araw-araw tuwing makikita ako?

Napunta pa ang tingin niya sa uniporme ko na nakabukas ang dalawang butones sa itaas, mabilis kong inayos iyon dahil sa pagkailang sa kanyang malagkit na tingin, umirap ako at lumakad na patungong pintuan. Paniguradong wala si Mommy, baka hinatid si Danita sa school kaya mag-isa ito. Ang anak niya namang batugan, siguradong tulog pa sa kuwarto.

"Humarap ka nga ulit, Dallace." mariin niyang sinabi.

Napahinto ako sa paglalakad at tamad na humarap para matapos na lang ang kanyang sasabihin, he looked at the side of my neck with narrowed eyes. The disgust look on his face visibled clearly as he takes steps towards me, nanatili akong tamad at kalmado kahit pinangungunahan na ako ng kaba. Hindi ko alam kung ano na naman ang kanyang napansin ngayon.

Veiled Diaries #1: Shriveled PoisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon