Capítulo Catorce - Chapel on the Top of the Hill

Start from the beginning
                                    

Mga kaibigan nagwawala na po siya sa kotse ko. Hahaha

Sakit pa rin nung kurot nya. Namula na yata yung pisngi ko.

"Heeeyyyyy, lapit ka nga dito. Di kita maabot."
Sabi nya while reaching me with her arms

Naglean naman ako sa gilid nya.

"Ano ba 'yon? May sasabihin ka ba?" Tanong ko sa kanya habang focused pa rin sa pagmamaneho.

"Namumula pisngi mo haha. Sorry." Hinimas-himas pa nya yung mukha ko tsaka biglang hinalikan ito.

Oh God! Mas mamumula pa yata 'to dahil sa ginawa nya.

Hindi naman na iyon bago sa amin. Pero everytime na gagawin nya 'yon it feels like it's the first time na she kissed me on the cheeks.

Kunwari naman akong nagpunas ng pisngi.

"May laway pa ano ba 'yan!"

"Arte naman! San ba kasi tayo pupunta?"

"Sa mall. Maglalaro."

"Arcade!!!!!!????" Nagniningning naman ang mga mata nya nang itanong iyon.

"Yes. Pero may dadaanan muna tayo."

"Okayy!!!! Okayy!!!! Yiiiieeeee thank you!!!!" Sabi pa nya tsaka umusad papunta sa akin at inangkla yung braso nya sa braso ko na marahan dahil nagmamaneho nga ako. Hindi naman malayo yung agwat namin pero baka masaktan sya sa seatbelt kaya pinaayos ko na sya ng upo.

Lumiko naman ako sa simbahan at nagpark doon.

Linggo kasi ngayon. Baka pa rin sya nakakapagsimba ngayon sa sobrang aga nya pumunta sa bahay.

Bumaba na ko at pinagbuksan siya ng pinto.

"Tara, kailangan na kailangan mo 'to. Alam kong di ka pa nakakapagsimba ngayon."

"Sakto. Mag-aalas diez palang." Sabi nya habang bumababa.

Nandito naman kami ngayon sa harap ng Manila Cathedral.

"Jaki, saang simbahan mo ba gusto ikasal?"
Tanong ko sa kanya. Habang naglalakad kami papasok ng simbahan, while she put her hands around my arm.

"Sa Basco Batanes. Sa Mt. Carmel Chapel." Agad nyang sabi.

"Tukon Church." Sabi ko at nagkatinginan kami.

Noted Jaki. Noted. Doon kita papakasalan. Kapag tama na yung oras, kapag tama na yung panahon. Kapag sumasang-ayon na yung pagkakataon.

Napalitan ng ngiti yung seryoso nyang mukha kanina.

"Ikaw ba?" Pagbalik nya ng tanong habang inaalalayan ko syang tumungo doon sa pangatlo sa harap na pwesto.

"Syempre sa tao Jaki. Sino ba namang...Aray ko naman!" Pabulong kong sabi dahil nasa loob kami ng simbahan.

"Mapanakit ka nasa simbahan tayo magconfess ka nga kay father, kanina mo pa ko sinasaktan."

"Pilosopo kasi." Kurot pa nya sa braso ko. Bago tigilan iyon.

Narinig naman namin ang bell na matagal ang pag tunog hudyat na magsisimula na ang misa at pumasok na nga ang pari pati na rin ang mga nagseserve.

Sumabay naman kami sa paunang kanta nito.

Nagsimula naman na yung misa.

Tahimik naman kaming nakikinig sa unang pagbasa.

Paminsan minsan ay sinusulyapan ko siya upang tignan yung kalagayan nya. Kung ano ang nararamdaman nya.

Jaki being herself, siya yung taong hindi nakakalimot magpasalamat sa Diyos. Siya yung taong pala dasal. Nakalakihan na rin nya siguro at isinapuso nya ito. Sobrang ganda ng pagpapalaki ni tita sa kanya. Since nabanggit rin naman nya dati na pagseserve yung pinagkakaabalahan ni tita sa kanila.

PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now