Chapter 11 Fairy Godfather

165 20 0
                                    


Chapter 11 Fairy Godfather

***MEG POV***

NAMAMANGHANG pinagmasdan ko ang mga kamag-aral kong nagpabalik-balik sa gitna. Kasama nila ang kani-kanilang kapareha na ubod ng astig sa kanilang costume na suot. Nasa gitna ang ilan sa mga ito at sumasayaw sa malamyos na musika.


Ang cute!


Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Masaya siguro ang ganoon. May taong handa kang isayaw kahit na hindi ka marunong makisama sa musika.


Nangalumbabang tinitigan ko ang ilan sa mananayaw. Lalo na ang paraan ng paghawak nila sa kanilang kapareha. Nakapulupot ang kamay ng babae sa leeg ng lalaki habang ang lalaki naman ay nasa baywang ng babae.


Masayang tinititigan ng babae ang kapares na maysuot na maskara. Parang ganoon din ang lalaki. Kahit hindi nila kilala ang isa't isa nagagawa pa rin nilang maging masaya. Wala silang ibang inaalala kundi ang ngayon lang at hindi ang mangyayari kinabukasan.


Sa kakatitig ko sa mga ito, ang imahe ng dalawa ay naging iba. Napalitan ng mukha ko sa babae at ang lalaki naman ay si Brendon.


Biglang dumulas ang baba ko sa palad ko. Doon lang luminaw ang lahat. Bumalik sa dati ang pigura ng dalawa.


Napabuga ako ng hangin. Nanlulumo ako. Bakit kailangan na makapag-isip ako ng ganoong sitwasyon? Sinasaktan ko lang ang sarili ko. Bakit ba kasi hindi na lang permanenteng mawala itong nararamdaman ko para sa kanya? Ayoko ng isipin si Brendon, nasasaktan lang ako. Nahihirapan.


"Hi Miss Ganda?"


Nawala sa aking paningin ang tanawing kanina pa bumubusog at nagpapasakit sa mga mata ko. May katawan na humarang doon.


"Hi?"


May kabagalang inangat ko ang aking paningin at sinulyapan ang salarin ng pagkawala ng lahat. May isang lalaki na nakatayo, malamang nakatayo nga kasi una, katawan lang ang una kong nakita. Ikalawa, nakaupo ako, kung kaya nakatayo nga ang nasa harapan ko.


Teka!


Ngali-ngaling batukan ko ang sarili. Bakit ba kasi ako nagpapaliwanag? At saan ba ako nagpapaliwanag? Sa mga alikabok na lumilipad sa ere o sa...


"M-multo?" Lihim kong nalunok ang laway ko. Hindi kami close nun!


"Multo? Nasaan?" ulit ng kaharap ko na nakataas pa rin ang isang kamay sa ere. Palinga-linga siya sa kanyang paligid.


Nasabi ko na ba ikinakaway niya kanina ang isa niyang kamay? Iyan ang unang posisyon niya pagkatingin ko sa kanya.


"Uhm," nahihiyang umiling ako. "W-wala."


"Ahh, I see." Bahagya siyang yumukod sabay lahad ng isang niyang palad.

Clash of CLANS 3: Battle Between Hearts, Minds, and IdentitiesWhere stories live. Discover now