Chapter 2 The Ring

323 21 1
                                    

Chapter 2 The Ring

***MEG POV***
"IKAW babae, tinatanggap mo ba ang lalaking ito bilang iyong kabiyak, sa lungkot at ligaya, hirap man o ginhawa?" Tanong ng nakapamputi mula ulo hanggang paa na si Sweetmag, ang co-founder ng clan na sinalihan ko. Ang RDRC. May hawak siyang puting folder at may naka-clip na papel sa loob. Binabasa niya ang anumang nakalagay doon.

"Ilang ulit ko ba na kailangang sabihin sa inyo na hindi ang lalaking ito ang binayaran ko para ipakasal sa akin!" Gigil na itinuro ni I'rock, na siyang miyembro ng EDRC, ang katabing lalaki. May katabaan ito sa katawan at tulo sipon pa.

"Wala akong pakialam." Walang anumang emosyon ang makikita sa mukha ni Sweetmag habang hindi inaalis ang mga mata sa papel.

"I-its unfair! He's not even my..." Bakas ang pandidiri sa anyo ni I'rock habang sinusuyod niya tingin ang sumisinghot na katabing lalaki dahilan para umakyat ang iniingatan nitong yaman. "Gross."

"Hi." Ngumiti naman ang lalaki sa kanya habang ako, walang tigil na ikinukurap ang aking mga mata. Hindi ko inakala na pwede pa lang ikasal ng sapilitan sa wedding booth.

Oo, nandito na ako sa pwesto ng mga ka-grupo ko. Lahat kami ay may ginagawa. Si Sweetmag ang naatasan na maging Pari, minsan si Paincorpse, pero kadalasan ang nauna ko nang nabanggit. Ako naman ang tagabigay ng sing-sing. Si Dessa at Adik naman ang isa sa mga may hawak ng posas. Minsan sinasamahan ni Sweetmag ang girlfriend niyang si Adik. Kapag wala naman kaming ikakasal, kami mismo ang naglilibot. Pero ako itong lagi nilang pinababantay sa booth. Baka daw may magpalista.

"Ikaw lalaki, tinatanggap mo ba ang babaeng ito..."

"No!" Laking gulat ko nang tumayo si I'rock at nagbalak tumakbo ngunit mabilis siyang naharang ni Dessa.

"Where do you think you're going?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Dessa habang mabagal na ipinapatong ang dulo ng baseball bat sa kaliwa niyang kamay. Napapatingin naman dito si I'rock.

"I... I don't want to get married by him!" Nandidiring itinuro ni I'rock, ang inosenteng lalaki na dinakip ni Dessa. Mukhang wala itong pake sa nagaganap.

"I don't care." Humakbang paabante si Dessa na siyang ikinaatras ni I'rock.

"Y-you can't do this to me!"

"Balik." Mahina ang pagkakasabi ni Dessa habang isinisenyas sa kaharap ang bumalik, ngunit naroroon pa rin ang awtoridad sa boses. Hindi na ako magtataka, kahit ako ay takot din sa kanya.

Habang nasa kalagitnaan ng pagpigil ang kasamahan ko, nagpatuloy lang si Sweetmag sa pagsabi ng wedding vows. Nang matapos, may kalandiang hinarap niya ako.

"Bheybe ko." Namumungay ang mga matang itinuro ni Sweetmag ang singsing ng magiging bride at groom. Tumalima naman ako. Ang totoo niyan, kanina pa sa akin ganito ang co-founder namin. Pagkarating ko pa lang sa booth, parang lahat sila ay natitigilan. Tulad na lang kay Dessa, nabitawan niya ang hawak niyang baseball bat. Si Sweetmag at Adik ay napanganga. Nayakap pa nga ako ng huli. Si Paincorpse naman tinitigan lang ako nang matagal. Si Ashika, kagaya ng dati kinakagat na naman ang baon niyang lollipop habang hindi inaalis ang mga mata sa akin. Isa lang ang napapansin nila, iyon ay ang buhok ko na bigla kong binawasan.

"Heto na." Nakangiting ibinigay ko kay co-founder ang singsing.

"Thank you bheybe." Hindi mawala ang kinang sa kanyang mga mata habang sinasabi niya ito. 'Yong totoo? Ganito ba talaga ang epekto ng pagpapagupit ko? O meron pang iba?

Clash of CLANS 3: Battle Between Hearts, Minds, and IdentitiesWhere stories live. Discover now