stars ; twenty one - friends

22 2 2
                                    

A day after na magpunta kami sa Daegu ay agad akong sinaniban ng isang songwriter. Hapon na ngayon at nakasulat na ako ng half ng album namin in just a day. Although wala pang tono yung mga songs.

Nasa loob na ako ng studio ngayon at nagtatry ng sounds sa piano para naman may maumpisahan na ako. Pagod pa ang utak ko sa pag-iisip ng mga lyrics kaya naman ito muna ang hinaharap ko ngayon.

I pressed on the keys at ipinikit ang mga mata ko habang iniisip ang gusto kong iparating sa mga kanta na isinulat ko. Nakapaggawa naman ako kahit paano ng tono, at nakita ang midi drum pads sa may tabi kaya naman yun ang hinarap ko.

I missed making beats with this. I grinned, as I started with some experimental beats.

Bigla namang bumukas yung sliding door kaya agad akong napatingin sa pumasok. Nandito si Marione at nakangiti ng malawak sa akin.

"Marione? Why?" I asked, furrowing my brows and taking off my headphones.

Agad naman siyang lumapit sa akin kaya ay niyakap niya ako ng grinned widely at me. Nagtataka naman ako. Bakit naman napakasaya niya?

"O? Bakit ang saya mo naman?" I asked, at nginitian niya ako ng malawak bago nagsalita.

"Chanyeol is outside. He is asking for you para daw sa isang duet. Magrecord daw kayo ng duet. Approved na ng CEO natin. Pati ng sa kanila. Magcocover kayo ng song," sabi niya, and I was shocked.

SM and Ross? Sa bagay, magkaibigan naman ang companies. But fuck! Si Chanyeol! This is the first time na magcocover kami ng official song talaga! Dati kapag natripan lang namin ay magjajamming kami at pupunta ako sa dorm nila tapos magkakantahan kaming lahat.

I immediately grinned back, at tumakbo na siya palayo para siguro ipagpatuloy yung pagpapractice nila.

Lumabas naman na ako sa studio room na to at kinuha yung phone and bag ko. Pagkalabas na pagkalabas ko ay nakita ko si Baekhyun at Chanyeol na nag-uusap at parang naggigiggle pa na mga bata.

"Psst. Kids. I'm here," sabi ko, at sabay naman sila na napatingin sa akin with grins across their faces.

"Hey, we're actually older than you," sabi ni Baekhyun, and I grinned at him.

"You two told me before to think that you were my age. Binabawi niyo na ba? Tanggap niyo na ang pagkagurang?" Sabi ko, at tumawa naman sila.

"Wag na nga. We actually expected it anyway. Tara na kaya sa dorm?" Sabi ni Chanyeol, at tumawa naman ako.

"Sa dorm tayo magrerecord?" Tanong ko, at tinignan naman ako ni Baekhyun na parang nawiwirduhan.

"Sa CR. Ikaw naman. Tsk," sabi niya, at binatukan naman siya ni Chanyeol.

"Hoy. Ayusin mo. Mas mukha kang baliw pag ganyan," sabi ni Chanyeol, at tumango naman si Baekhyun.

"Anyway, you can call your members over kapag natapos na sila," sabi ni Baekhyun, at tinignan naman siya ni Chanyeol na nakataas ang kilay.

"Crush mo lang si Marione, e?" Sabi ni Chanyeol dahilan para tumawa kami at maghigh five habang nanggigigil siya kay Chanyeol.

"Aish! Don't say such things! I'm older than her," sabi ni Baekhyun, at mas tumawa kami. "For many years," he muttered.

"Tara na, Chan. Iwan na natin yan," sabi ko, nagbibiro, at tumawa naman si Chanyeol, blowing our cover.

"Ha! Akala mo makakasama mo si Chanyeol na pagtripan ako!" Sabi ni Baekhyun, and I laughed out loud.

"You're really amusing, Kuya Baekhyun. Napakamature mo," sabi ko, and he laughed along.

"Alam ko. Tsk. Tara na nga," sabi niya, at kinaladkad na ako at si Chanyeol papunta sa labas ng Ross Ent.

stars ♧ min yoongi semi-au [ UNDER EDITING ]Where stories live. Discover now