T H G 2 : C h a p t e r T h i r t y - E i g h t

Start from the beginning
                                    

          "Excited?" Hinawakan niya ang braso ko at may nilapitan kaming lalaki na nakaupo sa isa sa table roon. Gwapo ito at napakaayos ng pananamit, mukhang Doktor rin 'to.


          "Jonathan!" Tawag ni Tiffany rito. Agad namang napalingon ang lalaki, mabilis itong ngumiti at tumayo para siya na mismo ang lumapit.


          "Nathan nalang, Tiff." Natatawang sabi niya. Tumawa naman si Tiffany.


          "Okay, Nathan, I would like you to meet Doctor Xylean Xin Lee, 29 years old, has one child but single mom and the real owner of Lee Xin Hospital." Bahagya naman akong nagulat nang tuloy-tuloy at walang preno ang bibig niya sa pagpapakilala sa'kin. Napaawang parin ang bibig ko at hindi maproseso ang mga sinabi niya sa taong hindi ko naman kilala.


          "Okay, Tiff, too much information." Natawa si Nathan ngunit halatang naiilang siya. Bumaling naman siya ngunit hindi ako makatingin sa'kanya ng maayos. "Hi, I'm Jonathan Esteves but you can call me Nathan. I'm also a Doctor in your Hospital, 29 years old, single but ready to marry and to settle down." Nakangiti niyang pakilala at inilahad ang kaniyang kamay. Nahihiya ngunit pormal ko naman itong tinanggap.


          "Xylean." Tipid kong pakilala.


          "So, maiwan ko muna kayo asikasuhin ko lang iyong mga bata." Agad na sabi ni Tiffany. Agad naman akong napatingin sa'kanya habang nakakunot ang noo, pero hindi ako pinansin at kumaway pa itong umalis.


          "Ahm, Paano ba 'to?" Napalingon ako sa'kanya. Nahihiya pa itong napahimas-himas sa batok niya. "I don't know how to talk with you. Hindi ko alam kung tratratuhin ba kita as my Boss or what." Nahihiya niyang sabi.


          "Friend." Pigil ko sa'kanya. Awkward naman itong natawa.


          "Okay then," Ngumiti siya ngunit agad din iyon nawala nung makita niya ang benda sa dalawa kong kamay. May bakas pa ito ng dugo dahil sariwa parin ang sugat. "Hey, what happened to your hands?" Nagaalalang tanong niya at marahang kinuha ang kamay ko.


          "Nothing, aksidenteng nasugatan lang." Maikling sagot ko tsaka binawi ang kamay ko mula sa'kanya. Napakunot naman ang noo niya.


          "There's no such as accidents kung ganyan kalaki ang mga sugat mo." Agad na sagot niya, hinuhuli ako.


          "Tss." Nasabi ko nalang. Tumawa naman siya.


          Halos isang oras rin kaming nagkausap. Isa pala siyang Neurologist tulad ko, pero nag-aral rin daw siya ng psychology dahil malaki ang interes niya roon mula bata pa. Marami pa kaming napagkwentuhan, madaldal siya pero masarap namang kausap.


          "Alis muna 'ko, puntahan ko lang anak ko." Paalam ko. Agad naman siyang ngumiti ulit.


          "Okay, see you around." Nakangiti niya paring paalam. Tumango naman ako.


          "Hm." Tanging tugon ko at tumalikod na.


          "Hey, I'll find you in your own Hospital." Pahabol naman niyang sabi. Napalingon naman ako at bahagya pang natawa at napangisi.


          "Tss.. gawin mo gusto mo." Pagharap ko ay agad kong nakita si Blake. Masama ang pagkakatitig sa'kin na para bang gusto akong lamunin ng buhay. Napaiwas naman agad ako ng tingin at lumakad sa ibang direksyon.


          Naramdaman ko naman siyang sumunod pero hindi ko na lamang pinansin. Imbis na pupuntahan ko si Xierra ay pinili kong pumasok muli sa loob at papasok na sana ako sa Comfort room ng may humila bigla ng braso ko. Hindi na'ko nagulat nang sumalubong ang mukha ni Blake na salubong ang dalawang kilay habang nagtitimpi.


          "Who's that idiot?" Galit niyang tanong. Tinitigan ko naman siya.


          "Obligasyon ko bang sagutin 'yan?" Malamig kong tanong.


          "Do you think you can just flirt around like anytime you want?!" Tanong niya na may diin, hindi pinansin ang pabalang na sagot ko. Walang emosyon ko naman siyang tinignan.


          "Pwede bang panindigan mo nalang ang mga pinagsasabi mo kahapon? Malaya kana Blake, and that means, malaya narin ako. Hayaan mo rin sana akong maging masaya nalang na wala ka. Huwag kang selfish." Madiing giit ko. Napatitig naman siya sa'kin at napakurap-kurap, tila naubusan ng sasabihin.

t o  b e  c o n t i n u e d . . .

v o t e  a n d  c o m m e n t <3

The Heiress Gangster 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now