“Monique, baka may makakita sa atin.” Sinubukan niyang kalasin ang mga braso nito sa leeg niya.

Mas lalo pa itong yumakap sa kanya. “Don’t worry, walang makakakita sa atin,” bulong nito sa may tainga niya. “Nag-out of town sina tito at tita, and as for your maids, pinag-day-off ko silang lahat. So we are all alone here.” Siniil siya nito ng halik pero kaagad din niya iyong tinapos.

“Stop this, Monique.”

“No!” Sinubukan ulit siya nitong halikan. Napilitan siyang tumugon pero iisang imahe lang ang nasa isip niya.

“Nicolette…” he whispered in between kisses.

Nagmulat siya ng tumigil ito sa paghalik sa kanya. Nakita niya ang sakit sa mata ni Monique habang nakatingin sa kanya. Kumalas ito sa kanya. “Siya ba? Siya ba ang dahilan kung bakit nagbago ang nararamdaman mo para sa akin? Kung bakit hindi mo na magawang tugunin ang mga halik ko? Alam mo ba kung gaano ako nagselos noong iniwan mo ako sa birthday ni Ninang Andrea para puntahan siya?”

“I’m sorry, Monique.”

Nanghihina itong napaupo sa may kama. “Akala ko, magagawa kong maibalik sa akin ang pagmamahal mo pero mukhang nahuli na ako.” Natawa ito ng pagak. “Ito na siguro ang karma ko sa ginawa ko sa iyo noon. I guess I really deserve this pain. Pagkatapos ng nangyari sa beach, akala ko tuluyan ko na kayong napaglayo. Nagkamali pala ako. Ako ang kasama mo pero ibang babae naman ang nasa isip mo. Sa nakikita ko, pinalitan na niya ako sa puso mo.” Hinubad nito ang suot na kuwintas at inabot iyon sa kanya. “Hindi na kita pahihirapan pa, Clarence. I know I’ve caused you too much pain in the past. Ito man lang ang magawa ko para sa iyo. Mas nababagay talaga ang kuwintas na ito kay Nicolette. Sorry, nang dahil sa akin nagkalabuan kayo.”

“Monique…” wala siyang anumang maapuhap na sasabihin dito.

Pinahid nito ang luha sa pisngi bago tumayo. “Don’t worry about me. Malaki na ako, I can handle heartache. Just this once, I want to make something right and I want you to be happy.”

Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib sa mga sinabi nito. “Thanks, Monique.”

“So, friends?” inilahad nito ang kamay. Tinanggap niya iyon at mahigpit itong kinamayan. “Friends.”

“Even for the last time, puwede mo ba akong ilibre ng pagkain sa labas?”

Ginulo niya ang buhok nito. “Sure. Magbihis ka na. Sa hotel na lang tayo mag-dinner.”

Napakagaan ng pakiramdam niya sa mga oras na iyon.

SA ISANG restaurant sa loob ng hotel na pag-aari ng pamilya nila humantong sina Clarence at Monique.

She was stunning wearing a knee-length red tube blouse and red stiletto heels. Mula pa kaninang pumasok sila sa naturang restaurant ay napako na sa kanila ang mga mata ng naroroon. Ipinaghila niya ito ng upuan ng marating nila ang table na nakareserve sa kanila.

Naging magaan ang kuwentuhan nila habang kumakain. Marami siyang nalaman tungkol sa naging buhay nito sa Australia.

Naagaw ng isang pareha na kapapasok pa lang ang atensyon niya. Nakasuot ang babae ng black haltered dress na umabot hanggang sa ibabaw ng tuhod nito, itim din ang suot nitong heels. Bahagyang kulot ang dulo ng buhok nito.

Awtomatikong kumunot ang noo niya nang makilala ang babae. Hindi siya puwedeng magkamali. Si Nicolette nga iyon!

Sinundan niya ng tingin ang mga ito kahit ng makaupo. Dalawang mesa lamang ang pagitan ng mga ito sa table nila. Kaya malaya niyang napagmamasdan ang hitsura nito.

Naghimagsik ang kalooban niya ng alalayan ng lalaki na maupo si Nicolette.

Busy pala ah! Busy sa pakikipagdate!
Nginatngat ng selos ang puso niya habang nakamasid sa dalawa. Gusto sana niyang magprotesta nang kunin ng lalaki ang kamay ni Nicolette. Walang ibang lalaking may karapatang humawak sa kamay nito maliban sa kanya. Siya lang din dapat ang ngingitian nito.

Loving The Mobster PrincessWhere stories live. Discover now