Chapter 5

3.9K 132 14
                                    

KANINA pa hindi mapakali si Clarence. Para kasing may importanteng bagay siyang nakalimutan. Nasa Manila Hotel siya kasama si Monique kung saan nagaganap ang birthday party ni Señora Andrea Gatchalian. Wala sana siyang balak pumunta sa naturang pagtitipon kung hindi lamang siya pinilit ng ina na si Almira. Sila na lang daw dalawa ni Monique ang pumunta dahil hindi makakapunta ang mga ito.

Hindi niya inaasahan ang biglaang pag-uwi ni Monique sa Pilipinas. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman noong makita niya ito  sa arrival area ng airport. Mas lalo itong gumanda mula noong huli niya itong nakita. Pero bakit parang wala na iyong dating pakiramdam  na pagbilis ng tibok ng puso niya kapag ngumingiti ito? Naguguluhan na din siya sa nararamdaman.

Dahil  nasa ibang bansa ang mga magulang ni Monique, nagprisinta ang ina niya na doon na lamang sa mansiyon nila patuluyin ang dating nobya. Inaanak din kasi ito ng mama niya. Mukhang umaasa pa din ang ina niya na magkakabalikan sila ni Monique.

"Oh, Clarence. Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ni Kurei nang makasalubong niya. Tulad niya ay nakasuot din ito ng three piece suit.

"Sinamahan ko si Monique. Ninang din kasi niya si Tita Andrea."

"Natapos kaagad ang date mo?"

Napakunot ang noo niya sa tanong nito. "Date?"

"'Di ba may date kayo ni Nicolette ngayon?"

Then it hit him. May usapan nga pala sila ni Nicolette. Magulo kasi ang isip niya nitong mga nakaraang araw kaya nawala sa isip niya ang usapan nila ng dalaga. Napatingin siya sa suot na relong pambisig. Halos isang oras na din ang nakakalipas mula ng usapan nila ni Nicolette.

Malamang na umuwi na ang dalaga ng hindi siya makarating. Kinapa niya ang cell phone. Naka-silent pala iyon. Twenty missed calls. At lahat ng iyon ay galing kay Nicolette. Binasa niya ang mga text nito.

Clarence, wer r u?

Clarence ok k lng b? don't worry, hhintayin kita dito.

Sinubukan niyang tawagan si Nicolette pero mukhang nakapatay na ang cellphone nito.

"Kurei, ikaw na muna ang bahala kay Monique. May pupuntahan pa ako."

"Bilisan mo, pare. Hindi magandang pinaghihintay ang babae." Tinapik siya nito sa balikat. "Ako na ang bahala sa ex mo. Puntahan mo na ang future mo."

Hindi na siya nag-react pa sa ka-corny-han nito. Dali-dali na siyang lumabas ng grand ballroom. Mahina siyang napamura ng salubungin ng malakas na ulan. Halos paliparin din niya ang sasakyan makarating lang sa lugar na pinag-usapan nila ni Nicolette.

Sinuong niya ang malakas na ulan ng mai-park ang sasakyan sa may di kalayuan sa restaurant. Then there she was, standing outside the restaurant soaking wet. Hindi na siya nag-abala pang kumuha ng payong. Tinakbo niya ang kinaroroonan nito. Gusto niyang suntukin ang sarili ng makita ang hitsura nito.  "Nicolette."

Nag-angat ito ng tingin. Bakas sa mata nito ang saya ng makita siya. Tumakbo ito palapit sa kanya at niyakap siya. "Sabi ko na, darating ka." Mas humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.  "Alam kong darating ka."

Bahagya niya itong inilayo. Alam niyang umiiyak ito.

"Bakit nandito ka pa rin? Bakit nagpakabasa ka sa ulan? Dapat umuwi ka na kanina pa. Paano kung hindi ako dumating?" Gusto niyang suntukin ang sarili nang makita ang panginginig nito.

Hinubad niya ang suot na coat at ipinatong iyon sa balikat nito. "Halika na, sumama ka sa akin."

HINDI na alam ni Nicolette kung ilang minuto na siyang nakatayo sa labas ng restaurant. Wala siyang maramadamang kahit na ano. She was numb. Nakatungo siya at nakatingin sa suot na sandals. Pero wala doon ang atensiyon niya.

Loving The Mobster PrincessWhere stories live. Discover now