Chapter 6 (Part 2)

1.8K 88 9
                                    

A/N: ewan ko pero everytime na nababasa ko ang eksenang ito, parang may kumukurot sa puso ko. 😭😭😭

-------------------------------------------------------

MASAYANG nagsasayawan sa dance floor ang mga kasama ni Nicolette. Mabuti na lamang at may kadiliman sa lugar na iyon kaya hindi napansin ng mga ito ang bahagyang pamamaga ng mata niya.

Nagpasintabi siya sa mga kaibigan ng makitang lumabas ng bar si Clarence. Mula pa kanina at napansin na niya na malalim ang iniisip nito. Si Monique naman ay mukhang masaya din dahil game na game itong makipagsayaw sa mga teammates ni Clarence.

Naabutan niya ito sa may dalampasigan at tinutungga ang hawak na bote ng alak. Tumabi siya dito. “Bakit hindi ka makisaya sa loob? All of your friends are having fun.”

“I just want some time to be alone,” pasupladong sagot nito. Alam niyang nais nitong ipahiwatig na ayaw siya nitong makasama. She dismissed the thought.

Narinig niya ang buntong hininga nito. At least hindi na siya nito lantarang itinataboy tulad ng dati. Mukhang na-realize nito na hindi din siya nito mapapaalis kahit anong gawin nito. Kung tutuusin ay abot-kamay lang niya ang binata pero parang napakalayo pa din nito sa kanya. At may tila karayom na tumutusok sa puso niya kapag naiisip niyang wala ding kinahinatnan ang pagmamahal niya sa binata. She’s in love with him. The moment she first saw him. Pero ang masaklap, may iba itong mahal.

“Clarence?” basag niya sa katahimikan.

“Hmm?”

Tumayo siya at humarap dito. “Kunwari, isa akong genie, at bibigyan kita ng isang wish. Ano ang hihilingin mo sa akin?”

Tiningala siya nito. Amusement was visible in his eyes. “Ano na naman ba ang naisip mo-.”

“Basta,” putol niya sa kung anumang sasabihin nito. “What is your wish, Master?” Bahagya pa siyang yumukod sa harap nito.

“Kahit ano?” paniniyak nito.

She nodded eagerly. “Yes. Basta kaya kong gawin.” Mukhang lasing na ito. Kung nasa tamang huwisyo kasi ito baka hindi nito patulan ang sinabi niya.

“I want my freedom back.”

Akala niya ay manhid na ang puso niya sa sakit na nararamdaman. Hindi pa pala. Pinanatili niya ang ngiti sa mga labi para hindi nito mapansin na naaapektuhan siya sa mga sinabi nito. Gusto niyang palakpakan ang sarili dahil nagawa niyang itago ang emosyon.

“Is that what you really want?”

“Yes.”

Inilahad niya ang kamay dito upang tulungan itong tumayo. Nagpatianod naman ito sa gusto niya. Sinimulan niya itong ikutan. “What are you doing?” natatawang tanong nito.

“Conducting a ritual to grant your wish.” Huminto siya sa harap nito. “Now close your eyes.”

Pumikit nga ito. Pinagmasdan niya ang guwapo nitong mukha. She memorized every part of his face. Alam niyang baka iyon na ang huling pagkakataon niya upang makita at makasama niya ito ng ganoon kalapit.

Bago pa man niya mapigilan ang sarili at tumingkayad siya at dinampian ito ng magaang halik sa mga labi. Ilang segundo lamang ang itinagal ng halik. Lalayo na sana siya ngunit hinabol nito ang mga labi niya. Hinapit siya nito sa baywang palapit dito at sinapo nito ang batok niya at mas nilaliman ang halik.

She closed her eyes and savour the moment. She opened her mouth to welcome his kisses. His tongue plunged inside her mouth, tasting and exploring every corner of it. Ginaya niya ang bawat galaw ng mga labi nito. She was able to return his kisses with equal passion. Her arms were around his neck. Pakiramdam niya ay matutunaw siya anumang oras dahil sa halik nito. The kiss seems to lasts for almost a lifetime.

It was her first kiss and she was happy Clarence was her first.

Natauhan siya nang marinig ang pagputok, kasunod ay ang pagkalat ng liwanag. Naitulak niya si Clarence. Bahagya siyang lumayo dito. Hindi niya ito tiningnan kahit nararamdaman niya ang titig nito. Pinagmasdan niya ang napakagandang fireworks display sa kalangitan.

“Nicolette, about what happened…”

“Don’t worry, Clarence. Dala lang marahil iyon ng nainom natin.” Ayaw niyang marinig na sabihin nitong isang pagkakamali ang halik na namagitan sa kanila. Baka humulagpos lang ang natitirang tapang niya. “Panigurado naman na makakalimutan mo din ang nangyari sa atin bukas.” Nginitian niya ito. “Finally, you are free from the curse of the evil witch. Thank you for spending your precious time with me. Sana nag-enjoy ka sa mga araw na iyon kahit ako ang kasama mo.”

Muli siyang tumingin sa kalangitan. Ayaw niyang makita ang mata ni Clarence. At least may masaya siyang ala-ala na babaunin sa pag-alis niya.


GUSTONG magprotesta ni Clarence sa sinabi ni Nicolette. Hindi niya basta-basta makakalimutan ang nangyari. What happened a while ago was amazing. Hindi siya lasing kaya kahit nakainom ay malinaw pa din sa kanya ang nangyari. Mataman niyang pinagmamasdan ang mukha ni Nicolette. He can clearly see her face because of the lights coming from the fireworks.

Mula noong mag-usap sila ni Monique ay nahulog na siya sa malalim na pag-iisip. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.

Pinagbigyan niya si Nicolette sa pangungulit nito kanina. At ng tanungin siya nito kung ano ang wish niya kung sakaling isa itong genie, hindi niya alam kung ano ang naisip niya kung bakit iyon ang naisagot niya.

When he felt her lips touch his, he didn’t know what got into him to deepen the kiss. Nang tumugon ito ay parang sinilaban ang katawan niya.

Just when he was enjoying the moment she suddenly pulled away. Nakaramdam siya ng kahungkagan ng lumayo ito sa kanya. He wanted to taste those lips again. But as much as he wanted to pull her again, to kiss her again and again until they both ran out of breath, there is something bothering him. 

Ano ang sasabihin niya kung sakali? Magulo pa ang isip niya kaya hindi niya alam kung makabubuti ba ang sasabihin niya. Hindi na lamang siya kumibo at tumingala din sa langit. Baka bukas mas maging malinaw na ang takbo ng isip niya.

NICOLETTE sighed. Nasa harap siya ng cottage ni Monique. Kailangan niya itong makausap bago siya umalis. Nauna ng matulog si Clarence dahil sa kalasingan. Ang iba naman nilang kasama ay nasa kanya-kanya na ding balik sa mga cottages.

Nagpaalam na din siya kay Grey na kailangan na niyang umuwi dahil nagkaroon ng family emergency. Kung nakumbinsi man niya ito sa dahilan niya ay hindi na niya alam. Pagkatapos nilang mag-usap ni Clarence ay tinawagan na niya si Rolando para sunduin siya. Baka kasi hindi niya kayanin kung magtatagal pa siya sa lugar na iyon at makikita niya sina Clarene at Monique.

“Puwede ba tayong mag-usap?”
bungad niya ng buksan ni Monique ang pinto.

“Sure.” Niluwagan nito ang pagkakabukas ng pinto upang makapasok siya. Hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa at ibinigay dito ang kuwintas. “Ano ito?”

“Ibinabalik ko lang iyan sa totoong may-ari.”

“What do you mean?” naguguluhang tanong nito.

Huminga siya ng malalim. “Tinapos na ang kasunduan namin ni Clarence. So he is now finally free.” There was an invisible lump on her throat. “Tama ka, dahil sa pagiging makasarili ko, nahihirapan si Clarence. Alam kong mahal ka pa din niya, Monique. Ginawa ko na ang lahat ng kaya ko para mahalin niya pero wala pa din.” Pinilit niyang ngumiti kahit pakiramdam niya ay parang pinipiga ang puso niya sa sakit na nararamdaman. “Hindi ko na kayo guguluhin pa. Just promise me you’re not going to hurt him again. And please take care of him. I have to go.”

Naiwan itong tulala sa loob ng cottage nito. Marahas niyang pinahid ang luhang tumulo sa pisngi.

Huwag kang iiyak, Nicolette. You have to stay strong. Parte ng paglaki ang masaktan. You will eventually forget him.

Loving The Mobster PrincessWhere stories live. Discover now