Chapter 7

2K 77 7
                                    

KANINA pa nakikipagtitigan si Clarence sa hawak na cellphone. Hindi kasi siya makapagdesisyon kung tatawagan ba o hindi si Nicolette. Isang linggo na siyang wala sa sarili. Kahit na sa oras ng training nila ay laging lumilipad ang isip niya, kaya lagi siyang napapagalitan ng coach nila.

Hindi niya maipaliwanag ang kahungkagan na nadarama. Nagsimula lang iyon isang linggo na ang nakakaraan, noong pagkagising niya ay hindi na niya nakita si Nicolette. Pagkatapos ng halik na namagitan sa kanila ay hindi na sila nagkausap pa. Ang balak kasi niya ay kausapin ito pagkagising niya, pero kinaumagahan ay wala na ito. Nalaman niya mula kay Grey na gabi pa lamang ay umalis na si Nicolette.

Mas lumala pa ang sakit ng ulo niya nang makita niya ang suot na kuwintas ni Monique.

“Paano napunta sa iyo ‘yan?” takang tanong niya kay Monique.

“Ito ba? Ibinalik sa akin ni Nicolette kagabi.”

Kumunot ang noo niya. “Ibinalik?” Bigla ang pagbundol ng kaba sa dibdib niya ng may ideyang nabuo sa isip.

“Nabanggit ko kasi sa kanya na kamukha ito no’ng kuwintas na nakita natin dati. Kinausap nga pala niya ako kagabi. Sinabi niya na tapos na ang usapan ninyo.”

Pakiramdam niya ay lumobo ang ulo niya sa mga nalaman. Nabanggit niya kay Monique ang tungkol sa ‘kontrata’ nila ni Nicolette minsang tanggihan niya ito nang sabihin nitong magbalikan silang dalawa. Yumapos sa kanya si Monique at hinalikan siya sa mga labi. Hindi niya magawang tumugon. Kumalas ito sa kanya.

“You are free, Clarence. Pwede na ulit tayo.”

Pinagmasdan lamang niya ang mukha nito. Bakit kahit kaharap na niya si Monique ay ang mukha ni Nicolette ang nakikita niya?

Miss na niya ang kakulitan ni Nicolette. Lagi nga niyang hinihintay ang pagsulpot nito pagkatapos ng practice nila; ang lunch box na lagi nitong dala para sa kanya at ang ngiti nito kapag sinusungitan niya.

Ayon kina Armie, busy daw si Nicolette kaya hindi ito makapanuod ng practice nila. Pero alam niyang hindi iyon ang totoong dahilan. Nararamdaman niyang sinasadya siya nitong iwasan. May mga pagkakataon kasi na makakasalubong niya ito at kapag nakita siya nito, lilihis ito ng daan. Kapag sinusundan niya ito ay bigla na lang itong nawawala. Ano na ba ang gagawin niya? “Tawagan mo na kasi, pareng Kurei.”

“Nahihiya ako, pareng Grey. Ano naman ang sasabihin ko kung sakali?”

Nilingon niya ang dalawang asungot na nasa may tabi niya. Alam niyang siya na naman ang napag-trip-an ng mga ito. Napabuntong-hininga na lamang siya at muling ibinaling ang tingin sa hawak na cell phone.

Ibubulsa na sana niya iyon ng tumunog iyon. Gayon na lamang ang panlulumo niya ng makitang si Monique ang caller.

“Clarence, puwede ka bang umuwi sa inyo? May importante lang akong sasabihin.”

AWTOMATIKONG kumunot ang noo ni Clarence ng wala man lang ni isang kasambahay na sumalubong sa kanya. Maging ang kanyang mga magulang ay wala din. Ano ang nangyayari at parang walang tao sa mansiyon?

Dumeretso siya sa kuwarto niya kapag doon siya sa mansiyon naglalagi. Gayon na lang ang pagkagulat niya ng pagbukas niya ng ilaw ay tumambad sa kanya si Monique. Nakahiga ito sa kama niya at bathrobe lang ang suot nito.

“Monique?”

“Hey there, loverboy.” Bumangon ito mula sa pagkakahiga at lumapit sa kanya. Ikinawit nito ang braso sa may leeg niya at lalong idinikit ang sarili sa kanya. He can even smell her perfume. “Akala ko hindi ka na uuwi.” Napalabi ito. “Muntik na akong magtampo sa iyo.”

Loving The Mobster PrincessWhere stories live. Discover now