Wattpad Original
There are 4 more free parts

Chapter 21

21.1K 468 33
                                    

Sandra

"Job well done, kids!" I clapped my hands cheerfully while smiling widely at my students. "Don't forget to do your assignments for Monday, okay?"

"Yes, teacher!" they shouted energetically.

Mas lumawak pa ang ngiti sa labi ko nang mabanaag ko ang sigla sa mukha ng bawat isa na para bang hindi sila nakaramdam ng pagod mula sa dumaang maghapon.

This is why I chose to become a teacher. The smiles on their faces are my strength and my happiness. Kayang pawiin ng simpleng ngiti nila ang pagod na nararamdaman ko sa bawat araw na dumadaan. They're my inspiration to strive hard and do my best in this field.

"Alright! Goodbye, class. See you on Monday!"

"Goodbye, teacher Sandra and see you on Monday." sabay-sabay na sambit nila sa mabagal na tono.

Pinanood ko ang isa-isa nilang paglabas ng classroom. Palagi kong sinisigurado na nakahiwalay ang linya ng babae sa lalaki kapag lumalabas upang maiwasan ang tulakan at sakitan. Noon kasi ay halos madapa na ang mga batang babae dahil sa pag uunahan ng mga lalaki. At least now, they know how to leave this room properly without hurting each other.

Nang mag-isa na lang ako sa loob ay kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng aking bag. Nakakita ako ng message roon mula kay Russell. Nakangiti ko itong binasa mula sa lockscreen.

Russell:

Miss you, sexy.

I giggled. Simpleng mensahe mula sa kanya ay abot-abot ang hampas ng puso ko sa aking dibdib. Para akong kinikiliti na hindi ko maintindihan. Hindi na rin mapigilan ang mga tutubi sa sikmura ko sa paglipad.

Ilang araw na ang lumipas simula nang opisyal ng maging kami ni Russell. Sinong mag-aakala na magiging kami matapos ang nangyari sa amin sa Tagaytay? Hindi naman ako nakaramdam ng pagsisisi na muli kong ibinigay sa kanya ang sarili ko. Not now that I'm so sure about my feelings for him.

Masaya. Sobrang saya pala talaga. Ang sarap sa pakiramdam magmahal at masuklian rin ang pagmamahal na ibinibigay mo. Ngayon ay makakarelate na ako sa tuwing magkikwento siya ng loving moments nila ni Cole.

I never really thought I'd be able to feel this kind of happiness because of a man. Akala ko ay tatanda na lang ako nang hindi man lang nalalasap ang salitang pagmamahal mula sa isang lalaki. Hindi kailanman sumagi sa isip ko na si Russell ang magpaparamdam sa akin noon.

When I was younger, tatay told me that if a man cares about me, I won't ever have to wonder how he feels, because he'll constantly remind me about it. And that really hit deep.

Sa bawat araw na lumilipas at magkasama kami ni Russell, hindi siya nagmimintis sabihin sa akin kung gaano niya ako kagusto, kung gaano siya kasaya na dumating ako sa buhay niya. Ang kaalaman na ako ang unang babaeng sineryoso niya, ay sobrang nakakapagpataba ng puso ko. Expected ko naman na dapat iyon dahil hindi talaga ang kagaya niya ang marunong magseryoso.

Pero ako… sineryoso niya. Naniniwala na akong hindi niya ako lolokohin. Tinanggal ko na sa isip kong baka pinaglalaruan niya lang ako o 'di kaya ay pinagtitripan. He wants me to trust him? Fine. I'll give him my trust. Fully.

Malawak ang ngiti akong nagtipa ng isasagot sa kanya.

Ako:

Miss na rin kita. Katatapos lang ng klase ko. Ikaw?

Ilang sandali lang ay tumunog na kaagad ang cellphone ko. Bilis magreply, ah.

Russell:

Hmm. Still at the meeting. Don't forget your promise.

Epitome Of PerfectionWhere stories live. Discover now