Wattpad Original
There are 9 more free parts

Chapter 16

21.9K 631 36
                                    


Sandra

Tatlong araw na ang lumipas at hindi pa rin ako nakakapag move on sa kahihiyang sinapit ko noong birthday ni Amy. Well, hindi naman talaga ako napahiya sa harap ng maraming tao. But the fact that I got embarrassed in front of Russell, sapat na iyon para mas makaramdam ako ng hiya.

Malinaw pa sa isip ko kung paano niya walang arteng pinunasan ang silyang inupuan ko kung saan meroong mantsa ng dugo. I didn't see any hint of disgust in his handsome face. And that made me like him even more.

Paanong hindi?

Si Russell iyon! Gwapo, mayaman at halos walang tulak-kabigin. Malapit na siya sa depinisyon ng salitang perpekto pero ayun siya, ni hindi nakaramdam ng pandidiri noong ginawa niya ang bagay na iyon.

Appreciate is an understatement to describe what I'd felt for him that time. Pakiramdam ko ay ang taba-taba ng puso ko dahil sa mga ginagawa niya para sa akin. Knowing that he's doing that efforts because he's courting me for real - ang sarap isipin, ang sarap sa pakiramdam. Kahit na hindi pa rin ako makapaniwalang totoong nililigawan niya na ako. Pakiramdam ko tuloy ay ako ang pinakamagandang babae sa mundo ngayon.

Ewan ko ba sa lalaking iyon kung anong pumasok sa kukote at naisipan totohanin ang pangliligaw sa akin. Hindi naman sa ayoko. Gustong-gusto ko siyempre. Hindi ko lang mapigilan magalinlangan dahil sino ba naman ako? Napaka simple ko at hindi pa ganoon kagandahan kumpara sa mga babaeng umaaligid sa kanya. Ang taba-taba ko pa. Kaya bakit ako?

Normal lang naman ang magduda ako sa totoong motibo niya, hindi ba?

"Alam mo, Sands... Mabait naman talaga iyon si Russell. Sa lahat ng kaibigan ni Cole ay siya ang pinaka nakasundo ko. Kilala ang pamilya nila sa pagkakawang-gawa. His parents are known as the top contributers of big charities here in the Philippines. Kahit ang kapatid niyan na babae na isang beses ko pa lang nakilala ay halata na ang pagiging mabait."

Binitawan ko ang dress na hawak ko at litong bumaling sa aking kaibigan.

"Hindi naman ang pamilya niya ang issue ko, Marga. Si Russell mismo. Mabait naman talaga siya. Pero hindi ba at babaero ang isang iyon? Meron pa ngang Shane, e. Malay mo sila talaga nun." nakangusong sambit ko.

"Ibig ko sabihin, kung anong puno, iyon din ang bunga. Meaning, mabait ang parents niya so mabait rin sila ng kapatid niya. Isa pa, bakit ka pa niya liligawan kung sila ni Shane? To tell you honestly best friend, sobrang ganda na nung Shane para sayangin. Nakita mo naman, hindi ba? Kahit pagsamahin pa tayong dalawa, wala tayong binatbat sa babaeng iyon! Pero ikaw ang nililigawan ni Russell at hindi siya. Can't you just be happy? Wala namang masama kung pagbibigyan mo ang sarili mo. Isa pa, alam ko namang gusto mo rin si Russ."

Idinikit ko ang isang itim na dress sa aking katawan at pinagmasdan ang ayos ko sa salamin. Huminga ako ng malalim ng makitang hindi ito bagay sa akin.

"Gusto ko naman talaga siya. Natatakot lang ako sumugal,"

Alam na ni Marga ang tungkol sa amin ni Russell. Maging ang pagpapanggap namin noong una ay iknwento ko sa kanya. Hindi ko nga alam kung bakit parang hindi na siya nagulat. As if she has already expected that something's going on between Russell and I.

Marga grabbed my hand and tapped it twice. Sa tuwing gagawin niya iyon ay alam kong pinapalakas niya ang loob ko.

"Ganyan talaga sa love, Sands. Kailangan sumugal. Huwag ka matakot. Malay mo naman, magwork ang relasyon niyo after mo siya sagutin. Just give yourselves a chance. Who knows... the man who popped your cherry... is the same man who will bring you to the altar." she wiggled her eyebrows.

Natawa ako. Altar kaagad? Hindi pa nga kami nung tao pero kasal kaagad ang iniisip niya.

Kung tutuusin ay may point siya. Sa pagkakatanda ko ay ganito rin siya bago maging sila ni Cole. She was a bit hesitant to give him a chance because Cole was known as a skirt chaser. Pero kahit nagalinlangan siya ay sumubok pa rin siya. Kita naman ngayon. Happy ending sila.

Epitome Of PerfectionWhere stories live. Discover now