Kabanata 4

67 3 0
                                    

Kabanata 4
Bidding

Isa-isang nagtayuan ang lahat. Nanatili akong nakaupo. May plano na ba ang Elizondo na hindi ko alam?

What are they planning?

Naiwan kaming dalawa ni Elizondo. The nervousness just won't disappear when we're alone. Dapat pala ay umalis na rin ako rito at bumalik nalang sa kuwarto.

Tumayo na ako sa pagkakaupo at nagbalak ng umalis nang magsalita siya "Follow me." Tumitiklop na naman ako! Hindi maganda na ganito nalang ako palagi kapag malapit sa kaniya. Parang may madilim na aura ang bumabalot sa kaniya na mahirap ignorahin.

Nagsimula na siyang lumakad at lumabas, tahimik akong sumunod sa likod niya. Halos hindi ko mailakad ng maayos ang aking mga paa dahil  sa kaba. He won't do anything bad, right? Hindi naman siguro nila ako gagawing pain sa kalaban. As if I'm useful. They don't even know that I can fight.

Mas nilakihan at binilisan ko pa ang aking paghakbang. Sa haba ng kaniyang biyas ay mabilis siyang lumakad.

Hindi ko namalayan na papunta na pala kami sa labas ng mansyon. Ilang sasakyan ang napansin kong nakaparada sa labas. Lahat ng mga nakakasalubong namin ay may kaniya-kaniyang hawak na armas. Oh no, you need to act like some innocent girl Cruelia. Hindi ka man gano'n kagaling makipaglaban ngunit naniniwala akong magagamit mo ang kagalingan mo sa pagkukunwari. Kausap ko sa aking sarili. Mas lalo ko pang binilisan at lumapit sa gilid ni Elizondo.

Mukhang kailangan kong magsalita upang hindi makahalata ang isang 'to.

"A-anong meron? Bakit... may mga hawak silang b-baril?" Okay nice stuttering acting. I deserve an award for this.

Hindi ito nagsalita at pinagpatuloy ang paglalakad na wari ko'y papunta kami sa isang itim na sasakyan. Muntik na akong mapairap sa inis.

"Iuwi mo na ako please..." Let's pretend na uwing-uwi na ako kahit na wala pa rin naman iyon sa aking plano.

"Shut up," madilim nitong turan. Wala ka talagang puso Elizondo.

Nang makalapit kami sa sasakyan ay nakita ko si Qian. He smiled, thats all.

Pumasok na ito sa loob ng sasakyan. Ako naman ay nananatiling nakatayo. What should I do? Papasok rin ba ako sa loob?  I think so. Pumasok na nga ako, nanatili naman ang tayo ni Elizondo sa labas. Madilim ang mata nito at matalim ang bawat tingin sa akin. Gano'n naman siya palagi sa tingin ko. Parang lagi nalang may papatayin.

"Get out." My lips parted with his order. Okay, I thought dito ako uupo. Nagtitimpi na talaga ako sa kaniya.

"Saan ako?" Hindi pa man ito nakasasagot ay may tumulak na sa akin galing sa likod ng inuupuan ko.

Mabuti nalang at naibalanse ko kaagad ang aking katawan dahil kung hindi ay natumba na ako sa sahig.

"Hindi ka bagay dito. Sa iba ka na sumabay."

Binigyan ako ng masamang tingin ni Kayz.

Okay, I get it, dito rin sasabay ang girlfriend ni Elizondo.

"Yulee." Isang lalaki ang tinawag nito.

"Bring that pathetic girl with you." dagdag pa ni Kayz sa lalaki. Kung nakamamatay lang ang tingin, patay na sana siya. Ang sarap putulin ng dila niya. Sabat ka nang sabat sa usapan. Sawsaw nang sawsaw, hindi ka naman si Elizondo para mag-utos.

"Sure," sagot ng tinawag niyang si Yulee. Sinenyasan pa ako nitong sumunod.

"You're not going with Yulee," naagaw muli ni Elizondo ang mata ko. Ang gulo niya.

Bad Clandestineजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें