Kabanata 1

109 3 0
                                    

Kabanata 1
Elizondo

Parang isang panaginip lang ang mga nangyari at ngayon ay nasa harapan ko na ang lalaking pinuno ng grupong kinasusuklaman namin.

Nagbubuhol-buhol ang takbo ng isip ko kung paanong sa lahat ay siya pa ang tumulong at nakakita sa akin. Why am I here? Bakit niya ako sasagipin kung wala naman siyang puso? Ako lang ba ang inuwi nila rito o marami rin silang sinagip? At isa sa mas nagpapagulo sa akin ay kung bakit buhay pa siya!

Nagtagal ang titig ko sa kaniya nang hindi ko namamalayan. Napakurap ako at ibinalik ang mata sa kamay na nasa kandungan.

May malakas na aurang lumalabas sa kaniya, madilim at nakakatakot. Naalala ko ang usapan ng mga babae sa barko, hindi ko alam kung bakit ganoon ang tingin nila sa lalaki gayong puro galit lang ang meron ako rito.

"Gusto ko ng umuwi," wika ko at nag-angat ng tingin, ngayon ay sa doctor na nakaharap.

T

sk, paano ako makaalis sa lugar na ito? Mahigpit ang buong lugar at hindi ako siguro kung palalabasin pa nga ba ako ng buhay.

"No," mariin na wika ni Elizondo. Nabalingan ko siyang muli ng tingin. Nadagdagan ang galit ko para rito dahil sa narinig.

"What?! Gusto ko ng umuwi!"

Kita ko ang pag-iling ng isa pang lalaki sa naging pagsigaw ko. Oh no woman, you just shouted in front of the boss, it's like that's what he wants to say.

"We will talk later," huli nitong sinabi bago tuluyang umalis ng kuwarto. Natulala lang ako sa sinabi niya. Anong gagawin niya at bakit pa kailangan akong kausapin? Why can't he just kick me out of this place!

"Your name is?" tanong sa akin ng lalaking may kahabaan ang buhok.

Panandalian akong nakatulala. Inulit niya ang tanong at sa pangalawang beses ay unti-unti ng pumapasok sa kokote ko ang bawat pangyayari. Instead of thinking that I am in a dangerous and bad situation I think I needed to realize that this is kinda lucky. Buhay ako at makakausap si Elizondo na puwede kong tuluyan ng burahin sa mundo.

"Hello miss?" bahagyang lumapit na ang lalaking may hikaw sa labi at kumaway sa aking mukha.

"Iya..."

"Iya?" pag-uulit niya.

"Iya Valdez."

Tumango siya at ngumisi.

"Welcome to the Elizondo's mansion."

Kumunot ang noo ko. Holy shit. Ano 'tong napasok ko? At talagang nasa pugad pa ako ng mga Elizondos.

Naiwan akong nakatulala at mag-isa sa isang puti at asul na kwarto. They already leave this room.

Napapikit nalang ako dahil sa pagsakit ng ulo, marahil sa rami ng nangyayari. I'm Cruelia Valdeabella and now they know me as Iya Valdez.

Nahiga nalang ako at namahinga ngunit marami talagang pumapasok sa isipan ko. Hindi napatay nina dad si Elizondo. Kamusta kaya sina Dad? Napuruhan din kaya sila or hindi? Paniguradong hinahanap na nila ako. Alam na kaya nila na nandito ako sa mansyon ng Elizondo? Shit, hindi parin napoproseso ng utak ko ang mga nangyayari.

Hinawakan ko ang aking sugat sa bandang tiyan. Akala ko ay mamatay na ako. Mas'werte pa pala akong nilalang. Kumikirot man ito ngunit hindi na gaanong masakit. Marahas kong tinanggal ang kumot na nakapatong sa akin.

Tsk, I hate this room! Pakiramdam ko ay laging nakamasid si Elizondo.

Dahan-dahan akong lumapit sa pinto.

Bad ClandestineWhere stories live. Discover now