Chapter 10 Mislead

Start from the beginning
                                    

I slowly look at Maricar. Nagsitaasan ang kilay niya. Ang isa niyang kamao ay nakaangat.

"It's your fault!"

Bago pa man ako makatikim ng sapak mula sa kanya, nagtatakbo na ako palayo. How will I face her tomorrow?

NANGHIHINANG napaupo ako sa damuhan. "Bakit kasi wala si Meg sa limang Belle na iyon? Ano ba talaga ang costume niya?"
***END OF VEVIEN POV***

***Before the incident***
***MEG POV***
"S-SIGURADO ka ba sa desisyon mo?" namimilog ang mga matang tanong ng nakasuot ng damit ni Cinderella.

"Oo naman," nakangiting sabi ko. Wala naman sa akin kung makipagpalit ako sa kanya. Hindi mahalaga sa akin kung ano man ang susuutin ko. Hindi naman kasi sa akin ito at may isang tao ang mas nangangailangan higit pa sa akin.

"Pero mas maganda ang sa iyo kasi parehong-pareho sa gumanap sa Beauty and the Beast ang suot mo. Mula ulo hanggang paa. Paa hanggang ulo." Kumikinang ang mga mata na wika ng babae. Sa katunayan naglalaway pa nga siya.

Kimi akong ngumiti. Hindi naman ako ang pumili nito kundi si Dessa na siyang ka-clanmate ko. Nakasabay ko kasi iyon kanina. Kahit ayaw ko sa damit dahil masyado itong maganda at bongga para sa akin. Simple lang kasi akong tao.

"Okay lang talaga sa akin."

"T-Talaga?"

"Oo."

Ipinagtagpo niya ang mga palad at tila nangangarap na tinitigan ako. "Are you for real?"

"Bakit mo naman natanong?"

"Walang normal na babae ang e-le-let go ang napakagandang damit na iyan. It's really elegant."

Pingamasdan ko ang sarili. Lalo na ang suot ko. Marami ba talaga ang naghahangad nito?

"Mostly, girls from this day treasured that more than anything else. Para ding boyfriend ang damit, iingatan mo ng husto kasi bago pa, pagtagal pagsasawaan mo at ipamimigay pero hindi lahat dapat ibigay. You can still treasure it as a memory. Kaya nga uso ang sentimental value."

"H-Ha?"

"Pero parang ang layo?"

Hindi ko siya maintindihan!

"Nevermind." Bahagya niyang iwinasiwas ang isang kamay sa ere. Sunod hinawakan niya ang dalawa kong kamay. "Every girls wants to be a princess, kaya gustong-gusto ko na maging si Belle. Lahat na lang nagkagusto sa kanya. Siya kasi ang pinakamagandang dilag sa bayan nila."

Maganda din naman ang nangyari sa buhay ni Cinderella a! May kaya siya sa buhay na inalipusta ng mga kapatid at madrasta niya kaya siya nauwi sa pagiging katulong. Pero sa huli may isang prinsipe na nagkagusto sa kanya. Naging reyna siya ng isang kaharian.

"Thank you my fairymate mother for this opportunity."

Namalayan na lang namin na nagkapalit na kami ng kasuutan. Ako na ngayon si Cinderella at siya na si Belle.

"Salamat ng marami fairymate mother, Ibabalik ko ang damit ng walang gasgas. Pangako yan!" wika ng babae na maligayang kumakaway sa ere. Sa katunayan patalon-talon pa nga siya.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Ang bilis magbago ng mood niya. Parang kanina lang, ang lungkot-lungkot niya nang madaanan ko siya. Hindi ako nakatiis kaya natanong ko.

Clash of CLANS 3: Battle Between Hearts, Minds, and IdentitiesWhere stories live. Discover now