CHAPTER EIGHT

Magsimula sa umpisa
                                    

Pagkapasok nila sa loob ng building, umupo muna saglit si Summer dahil may kinausap sandali si Lian. Pagkatapos naman ng ilang minuto, bumalik na si Lian nang nakangiti at may hawak na susi, sign ito na pwede na si Summer na mag-stay dito nang libre.

Pero habang naglalakad sila, nanlaki ang mata ni Summer nang bigla siyang makakita ng Elevator—isang mahiwagang elevator. Pakiramdam ni Summer ay ayaw niya nang tumuloy, sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Alam niyo ba kung bakit?


Flashback

Tuesday noon, tandang-tanda ni Summer, pumunta sila sa building ng Daddy ni Clyde dahil may pinapakuha itong papeles. At dahil assistant ni Clyde si Summer, pinasama niya ito. Nang makarating na sila sa loob ng building, dumiretso sila sa isang maliit na kwarto. Yung pinto nito ay parang silver at medyo nakikita mo ang reflection mo.

May pinindot si Clyde sa gilid nito. Ilang segundo pa, biglang may tumunog na 'Ting'. Bumukas ang pintuan ng kusa at pumasok sila. Silang dalawa lang ni Clyde ang laman. Natatakot si Summer sa loob nito, bakit? Kasi puro salamin.

Pagkatapos ng ilang segundo, biglang nanginig ang loob at parang gumagalaw na hindi pero oo. Gets niyo ba? Kung hindi, basahin niyo ulit. At dahil dito, parang nakaramdam si Summer ng pagkahilo.

"Waaaa! Ano yun? Bakit lumilindol? End of the world na ba?! Waaaaa! Katapusan na natin to!" sigaw ni Summer. At dahil sa sobrang takot niya, hindi niya naiwasang mapahawak sa braso ni Clyde.

"Wag ka ngang OA. Nasa elevator lang tayo."

"Ha? Elevator? Ano yun?"

"Baka itong sinasakyan natin." Pamimilosopo ni Clyde.

Pero kahit alam na ni Summer kung nasaan siya ngayon, hindi pa rin siya kumalma. Dahil talagang nakakasuka ang pakiramdam sa loob at feeling niya ay masu-suffocate na siya. Ang bilis ng galaw sa loob at nakakakiliti sa tyan.

Tumunog nanaman ang parang bell sa loob at biglang bumukas ang pinto sa elevator. Nang makalabas na sila, biglang tumigil sandal si Summer sa paglalakad.

"Anong meron?" Tanong ng kasama niya at nilapitan siya.

Hindi sumagot si Summer. Alam niyo kung anong ginawa niya? Simple lang, sinukahan niya lang naman ang coat ni Clyde. Opo, tama kayo ng basa. Sinukahan niya si Clyde. Wala na akong ibang maisip na word para ipang-describe pa sa nangyari noong araw na 'yun kaya kayo nalang ang bahalang mag-imagine.

"Oopsie?" mahinang sabi ni Summer.

At isa yun sa mga rason kung bakit ganun kalaki ang galit ni Clyde kay Summer. At isa rin yan sa mga dahilan ni Summer kung bakit ayaw niyang sumakay ng elevator.

End of flashback


"Tara na, Summer." Yaya ni Lian.

"Ah eh...sa elevator?"

"Yes dear. Bakit?"

"P-pwedeng sa hagdan na lang tayo?" Tanong ni Summer.

"Ha? Why? Hindi pwede kasi sa 7th Floor tayo pupunta. Mahirap lakarin yun."

Nakalimutan pala ni Summer na sosyaling babae si Lian kaya naman hindi niya yun malalakad. Pero dahil probinsyana naman siya, malalakad niya yun.

"S-sige..." Nag-aalangan na sagot ni Summer.

Lian, sorry kung susuka ako. At worst, sorry kung masusukahan kita. Sabi ko naman kasing maglakad na lang tayo sa hagdan eh. Sabi ni Summer sa sarili niya.

Nanginginig na pumasok sa loob ng elevator si Summer. Kinakabahan siya sa mga mangyayari. Pero buti nalang ay naging relaxed siya habang kasama niya si Lian, kaya naman hindi siya nasuka sa loob. Success!

"So, this is your unit," binuksan ni Lian ang pinto. Pagkabukas, pakiramdam ni Summer ay nasa langit nanaman siya. Sobrang ganda at sobrang linis kasi ng buong living room. Kahit simple lang ito, elegante naman tignan. Bakit ba lagi nalang magaganda ang tinutuluyan ni Summer? Nakaka-inggit tuloy.

"Wow!"

"May LCD ka na rin. You can watch 3D movies here. And, while watching, you'll have a great time sitting here in your new sofa!" Umupo siya dito. "Lika, try mo. Sobrang lambot! Pwede ka bang tumalon-talon!"

Umupo si Summer para subukan yung sinasabi ni Lian. At halos mapaiyak naman siya nang malaman na talagang malambot nga ito! Tears of joy.

"Ito naman yun kitchen mo, kumpleto na rin sa appliances. May ref, oven, at may mga plates pa. You can cook any food you want!" Naka-ngiting sabi ni Lian.

Nilibot pa siya ni Lian sa buong unit nito. Pinakita niya ang Bathroom, Kitchen, at ang magiging bagong kwarto ni Summer. Sobrang ganda talaga, first time lang na mangyayari 'to kay Summer. At sinabi pa ni Lian sa kanya na mags-shopping silang dalawa. Sobrang bait talaga!

"Lian?" Tawag ni Summer.

"Yes?"

"Bat ang bait mo sa akin?" sobrang nat-touch na kasi si Summer sa mga ginagawa niya para sa kanya kahit na kakakilala niya palang dito.

Ngumiti siya. "Ayaw ko kasing may nakikita akong malungkot na tao sa harap ko kung may paraan naman akong magagawa para mapasaya siya."

"Ha?"

"Wala, nevermind." Ngumiti at tumalikod na siya.

Aalis na sana si Lian pero hindi hinayaan ni Summer na mangyari yun. Alam niya naman kasi talaga ang gusto nitong iparating, at parang double-meaning ang sinabi niya.

"Si Clyde ba ang tinutukoy mo?" chismosa si Summer, bow.

Tumigil siya."P-paanong napunta kay Clyde? Eh ikaw yung pinag-uusapan natin? Ha-ha!"

"Oo, ako nga ang pinag-uusapan natin pero si Clyde ang tinutukoy mo. Tama ba?" Pakelamera talaga si Summer, noh?

"Ha-ha! Ikaw talaga Summer!" Ngumiti ng pilit si Lian.

"Nung sinaktan mo siya, alam kong hindi yun naging madali sayo. Hindi naging madali sayo ang makita siyang nasasaktan dahil sa ginawa mo. Kung kaya mo naman siyang i-comfort, di mo magawa nun. Kaya siguro ayaw mo nang maulit yung nangyari sayo dati. Ayaw mo nang may nakikitang nahihirapan."

"Paano mo nalaman yung tungkol dun?" Nag-iba na ang itsura niya. Niyakap nalang siya ni Summer, kahit na nakakahiya ang amoy niya ngayon, tapos ang bango pa ni Lian, grabe nakaka-inlove na talaga.

"Nasasaktan siya hanggang ngayon. Pero pinipilit niyang ngumiti para sayo." Ang dami talagang alam na ka-artehan ni Summer sa buhay. Akala mo kung sino siyang love expert kung makapag-advice ngayon, pero ang totoo, NBSB siya.

"Summer, nasaktan ko si Clyde. Ikaw ang sumunod na babaeng pumasok sa buhay niya kaya pwede bang tulungan mo siyang makalimutan na ako?"



***

My Probinsyana Girl is now a published book under Life is Beautiful (LIB) for only 129.75 PhP.

It will be available soon on different bookstores nationwide.

Visit my Facebook page for more updates and info:

http://facebook.com/pajibarstories (External Link)

Please do grab a copy and keep supporting!

Thank you so much!

My Probinsyana Girl (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon