Okay sa totoo lang hindi ko alam kung paano 'to sisimulan HAHAHA. 

Hindi ako magsasawang magpasalamat sa mga taong sumuporta sa akin. Naramdaman ko ang pagmamahal niyo dahil nang i-announce ko palang na "soon to be published" na ito, ay agad nang sumabog ang message board at inbox ko dahil sa mga messages niyo. Sabi niyo, sobrang na-eexcite kayo na mabasa ulit yun at mag-iipon na kayo.

Natuwa pa ako sa sinabi ng iba dahil kahit hindi pa nare-release ang book ay sinasabi niyo nang bibili kayo ng maraming copies at susugod agad kayo sa bookstores para bumili. As in, talaga, sabog yung notifs ko nun HAHAHA. 

Lalo na ngayon, ire-release na siya at pinost na ng LIB yung official cover, mas lalong sumabog ang lahat ng accounts ko dahil tanong agad kayo ng tanong: "Ate magkano po yung price?" o kaya, "Available na po ba siya sa National Bookstores?"

To be honest, hindi naman talaga ako naiirita kapag nagtatanong kayo ng ganun. Bagkus, natutuwa pa ako. Maraming salamat sa lahat ng support niyo. Hindi pa nga lumalabas yung libro, ramdam ko na agad yung excitement niyo. Paano pa kaya kapag na-release na? HAHAHA. 

At para sa mga nagsasabing gusto nilang maging movie 'to, for me, masyado pong impossible yun. Hindi naman ganun kasikat ang libro ko at mas maraming nakaka-angat sa akin. Para sa akin, sapat na ang nabasa ito ng maraming kabataan sa Wattpad. Pero ngayong mapu-publish na siya? Sobra sobra na ito.

Salamat po ng marami. :)

*My Probinsyana Girl by Pajibar

Price: 129.75 PhP

Magiging available po siya nationwide, at sa mga National Bookstores, pero sa pagkaka-alam ko ay mas mauuna silang mag-deliver ng books sa mga Precious Pages Bookstores. :)

Ang delivery date? Ewan ko pa HAHAHA.

Hindi pa kumpleto ang mga details na alam ko, pero I'll make sure na maa-update ko kayo.

*Ate may mga binago ka po bang scenes sa story?

May mga binago akong scenes. May mga idinagdag at ibinawas. Dati kasi 30k words lang yun eh. Ngayon, 40k words na HAHAHA. 

*Pinalitan niyo po ang ending?*

Secret! Bumili nalang kayo para malaman niyo, BWAHAHAHA. Surprise nalang yun ;)

*Bakit po kagaya siya ng story ng DNP?*

Sa totoo lang, maraming kaparehas na story ang DNP. At ang pinagkaparehas lang naman ng DNP at MPG ay yung part sa simula (first 5 chapters). After that, binago ko na. At hindi po yata dahil parehas na comedy ang story namin ay kinopya ko na agad diba? 

*Magkaparehas po yung ending ng MPG at Starting over again.*

Utang na loob guys, hindi pa tini-taping yung Starting Over Again, natapos ko na yung MPG! Wala akong kinalaman dyan HAHAHA.

Ayun guys, hanggang dito nalang muna. Magpopost ulit ako kapag may nalaman pa akong informations. Sana suportahan niyo ang librong ito tulad ng pagsuporta niyo dito sa Wattpad. :)

PS. Pwede ba guys kapag may copy na kayo, selfie kayo kasama yung libro? HAHAHAHA tapos tag niyo ko. Ito peysbuk ko: http://facebook.com/babyybosss (j3j3 url) or nasa external link :)

PPS. Yung nasa multimedia section ay yung OFFICIAL book cover para sa MPG :)

Love you guys! Thank you sa lahat! :)

At thank you nga pala kay Ate Chiqui para sa suuuuuuper cute na book cover! 

My Probinsyana Girl (Published Book)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!