THIRTY

61.7K 933 262
                                    

"Sana sinabi mo man lang maaga..."

"What do you mean?"

"Sana sinabi mo rin kaagad na iiwan mo rin pala ako." hindi siya matignan sa mata ni Summer kasi ayaw nitong makita ni Clyde ang mga naluluha nitong mata. "Clyde naka-plano na yung buhay ko kasama ka tapos bigla mo nalang akong iiwan?"

"Summer, I'm sorry. Pero pwede bang this time intindihin mo muna ako? Stop being so immature."

Nagulat si Summer sa mga salitang sinabi ni Clyde. Hindi niya 'to ine-expect. "Clyde nung mga nakaraang araw wala akong ibang ginawa kundi intindihin ka! Pinilit kong intindihin na bestfriends lang kayo ni Lian at pinilit kong wag lagyan ng malisya lahat ng ginagawa niyo."

"Pinilit kong wag mag-isip ng kahit anong pwedeng ika-selos kapag kausap mo si Lian tapos ako hindi mo pinapansin. Pinilit kong maging tamang girlfriend para sa'yo. At pinilit ko ring isipin na ako pa rin ang mahal mo." tuloy niya pa.

"Pinilit kong magparaya muna, Clyde..." nag-umpisa nang lumabo ang paningin ni Summer dahil punong-puno na ng mga luha ang kanyang mata—mga luhang pinipigilan niya pa ring bumagsak.

Ngayon lang napagtanto ni Summer ang mga bagay na sinasabi ng iba. Na lahat daw ng bagay, may hangganan. Lahat natatapos. Kahit pala itong relasyon nila, kailangang tapusin.

Niyakap siya bigla ni Clyde. Nung niyakap siya nito, alam niyang iba na yung ibig-sabihin nun. Alam niyang wala nang halong pagmamahal yung mga yakap niya—kundi awa. Naawa siya sakin kaya niya ako niyayakap. Sabi ni Summer sa isip niya.

"Thanks alot, Summer." Sabi ni Clyde. "Salamat sa lahat ng pag-intindi mo. Sa bawat batok mo. Sa bawat panlalait mo. Sa mga efforts mo. Sa mga araw na inaalagan mo ako." Tinignan siya sa mga mata ni Clyde. "Summer, ikaw yung taong nagpasaya sakin nung mga panahong walang-wala ako. Salamat dun."

Dahil dito, hindi na napigilan pa ni Summer ang kanyang mga luha. Dahan-dahan na itong bumagsak at naramdaman na ni Summer ang pagdaloy nito sa kanyang mga pisngi.

"Ikaw yung babaeng bumuo ng mundo ko nung mga panahong sirang-sira ako. Salamat sa lahat ng pagmamahal mo, Summer. Salamat sa mga bagay na tinuro mo sakin. Alam mo ba, sayo ako natuto kung paano alagaan ang isang babae. Ang laki ng parte na ginampanan mo sa buhay ko, tandaan mo yan."

Hinawakan ni Clyde ang magkabilang pisngi ni Summer at pinunasan ang mga luhang dumadaloy dito.

"Iiwan man kita ngayon, pero yung mga memories nating dalawa," itinapat niya yung kamay niya sa kanang dibdib niya. "...laging nandidito."

Humihikbi na nagsalita si Summer, "P-paano yung mga p-promises natin? Diba sabi mo t-totoo lahat yun?"

"Oo, totoo lahat yun, pero hindi ko masasabing magagawa ko lahat yun. Summer, may isang lalaking darating sa buhay mo at siya yung tutupad ng mga pangakong ipinangako ko sayo. At alam mo ba? Dodoblehin niya pa yun."

"Dodoblehin niya yung mga pagmamahal na binigay ko sayo. At ganun din ikaw. Kung gaano mo ako kamahal, sinasabi ko sayo Summer, mas mamahalin mo pa siya."

Pero hindi nakumbinsi si Summer sa mga sinabi ni Clyde. Gusto niya, si Clyde ang tumupad ng mga pangakong 'yun.

"Yung mga sinabi ko sayo kung gaano kita kamahal, Summer, totoo lahat yun. Pagdudahan mo na ako sa lahat ng ginawa ko wag lang dun. Sobrang minahal kita Summer at wag na wag mong kakalimutan yun."

My Probinsyana Girl (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon