CHAPTER FIFTEEN

71.3K 1K 24
                                    

Samantala, naglalakad na si Summer habang iniisip kung anong klaseng drug ba ang nalanghap ni Clyde at ganun kasungit. Siya na yung tutulungan sa problema niya siya pa may ganang magalit?

"Teka, ano ba kasi yung problema niya? Err. Bat ko pa ba pino-problema yung problema niya kung hindi niya naman pinoproblema ang problema ng iba at yung sarili kong problema ay pino-problema ko mag-isa?" Opo, kinakausap ni Summer ang sarili niya. Masanay na kayo, abnormal siya eh.

Tahimik na ang lahat at mga crickets nalang ang mariring sa paligid nang may marinig si Summer na kaluskos ng tsinelas na nanggaling sa kanyang likuran. Tumgil siya saglit para pakinggan ito, pero wala naman siyang narinig.

Naglakad nalang ulit siya at hindi nalang pinasin ang nangyari. Pero nang maglakad ulit siya, narinig niya nanaman ang tunog na parang may sumusunod sa kanya.

Hindi niya ulit ito pinansin at naglakad nalang ulit sa pag-aakalang guni-guni niya lang ito. Pero pagkatapos ng ilang hakbang niya ay na-confirm niya na na meron ngang sumusunod sa kanya. Paano? Kasi nakita niya ang anino.

Medyo binilisan niya na ang paglalakad. Kailangan cool lang siya. Hindi niya dapat ipahalata sa lalaking nasa likod ko na takot ito sa kanya. Hindi na nga nilingon ni Summer ang lalaking sumusunod sa kanya para kunwari ay hindi niya alam na may sumusunod sa kanya. Kung bakit niya ito ginagawa, aba malay ko. Wag niyo ako tanungin, author lang ako, hindi ako yung character.

Hindi na nakayanan ni Summer ang takot na nararamdaman niya kaya naman tumakbo nalang siya ng mabilis. Sobrang natataranta na siya at hindi niya alam kung anong gagawin niya. Bakit ba lagi nalang siya hinahabol? Dati, yung aso ni Kier. Ngayon, mukha sinsikato naman.

"Waaaaaa!" sigaw niya. Sana naman ay may makarinig sa kanya. Pero...wala na.

"Ahh!" nadakma na siya. Kahit anong pagpupumiglas pa ang ginawa ni Summer, di na talaga siya nakawala pa. Tinakpan niya ng panyo ang bibig nito at...nawalan na siya ng malay.

****

Nakakarinig na si Summer ng mga huni ng ibon, pakiramdam niya rin ay maliwanag sa paligid. Ang lamig at ang lambot ng hinihigaan niya. May naamoy rin siyang mabango, pamilyar ito sa kanya. Kaya naman agaran niya siyang dumilat.

"Sabi na nga ba. Tama ako. Amoy ng demonyo ang naamoy ko."

"Goodmorning rin."

Sino pa kaya ang kausap ni Summer? Edi malamang si Clyde. At si Clyde rin ang naamoy niya. Parehas silang nasa condo ni Summer ngayon.

"Ano palang ginagawa ko dito?! Diba na-kidnap ako kagabi?! T-tapos hindi ko na alam kung anong nangyare?!"

Hindi sumagot si Clyde at tinignan niya lang ng walang emosyon si Summer. Ang OA niya naman kasi.

"T-teka...n-niligtas mo ba ako?" dahan-dahan na sabi ni Summer habang nakaturo sa kanyang sarili.

"Utut. Bakit naman kita ililigtas?"

"Di ko alam sayo! Bakit mo nga ba ako niligtas?" Napa-facepalm nalang si Clyde sa sinabi ni Summer.

"Unang-una, hindi kita niligtas—"

"Edi sinong nagligtas sakin?!"

Huminga ng malim si Clyde na parang na iirita na. 'Bat ba kasi lagi siyang pinangungunahan ni Summer?

"WALANG.NAGLIGTAS.SAYO."

"Eh paano ako nakaligtas?!" Susmiyo, pakiramdam ni Summer ay sasabog na ang utak niya dahil sa sobrang magugulong pangyayari.

"WALANG MAGLILIGTAS SAYO KASI WALA NAMANG NANGKIDNAP SAYO, KLARO?"

Mas lalo namang naguluhan si Summer. Anong wala? Meron kaya! Ani niya. "P-pero kagabi habang naglalakad—"

"A-Ako yun."

"HAAAAAA?!" Wala na talagang maintindihan si Summer, naku po.

"Ako yung lalaki kahapon, kaya wag ka nang mag-isip ng kung anu-ano." Paliwanag ni Clyde. "Nung nawalan ka na ng malay, inuwi na kita dito. Ang weak mo." tuloy niya pa.

Pinitik niya sa noo si Summer. "Ikaw kasi bago ka gumawa ng kung anu-anong conclusions dyan sa utak mo, tignan mo muna kung sino yun." paliwanag niya. "Ni hindi mo pa nga ako nakikita nun tumakbo ka na kaagad eh."

"Eh ikaw naman kasi eh! Di mo naman sinabing ikaw pala yun!" napa-cross arms siya. "Bakit mo pala ako sinusundan nun?"

"Sa totoo lang, ihahatid nalang sana kita nun pauwi. Kaso, dahil sa mga kinilos mo, napag-tripan kitang lokohin." Nag-belat nalang si Clyde dahil sa pang-aasar niya kay Summer.

"So ibig-sabihin, nag-alala ka sakin? Kaya gusto mong i-hatid noh? Yeeee." sabay tinusok-tusok niya yung braso ni Clyde.

"H-hoy! Natakot lang naman ako na kapag may nangyareng masama sayo, baka ako nanaman yung masisi! Assuming!" Kahit na Clyde, nag-alala ka pa rin!

Nagkaroon ng matinding katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Wala na kasi silang maisip na sabihin sa isa't-isa. Ayiee, love na ba itu? Hart hart!

"Bat ka nga pala nandito?" tanong ni Summer. Sa totoo lang, ang dami niyang tanong, kanina pa. Wala kasi siyang maintindihan sa mga nangyayari kaya ganun.

"Wala lang. Dito ako natulog." simpleng sagot ni Clyde sabay tumabi kay Summer 'dun sa kama. "Alam mo na..."

"H-HOY! Tigil-tigilan mo ako sa mga kalokohan mo Clyde ha!" at hinampas-hampas siya ni Summer ng unan.

"A-aray oo na oo na! Tama na!" tinigil na niya ang panghahampas sa kanya. "Tsaka asa ka namang matutulog ako sa tabi mo! Likot mo kayang matulog."

"Di kaya ako malikot matulog!" Pagkontra naman ni Summer. Jusmiyo, paano kaya magkakatuluyan 'tong dalawang 'to kung lagi nalang LQ?
"Oo hindi ka malikot matulog. Tatlong beses ka lang namang nahulog dyan sa kama mo e. Hindi ka malikot nun." Sarcastic na sabi ni Clyde.

Hindi pa nagtatapos dito ang Fliptop nina Summer at Clyde, puputulin nalang ni Author dahil halatang walang patutunguhan ang pagdedebate nilang dalawa. Sarap pag-untugin ng mga ulo nila sa isa't-isa para matauhan at marealize na magkakatuluyan kayong dalawa eh!


***

My Probinsyana Girl is now a published book under Life is Beautiful (LIB) for only 129.75 PhP.

It will be available soon on different bookstores nationwide.

Visit my Facebook page for more updates and info:

http://facebook.com/pajibarstories (External Link)

Please do grab a copy and keep supporting!

Thank you so much!

My Probinsyana Girl (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon