Chapter 51

9K 351 223
                                    

'We Like to Party'


"Oh, gift ko."

Sinalo ko ang maliit na box na tinapon ni Walter sa akin matapos siyang lapain ni Wolfie kanina. Umakyat na muna siya sa kwarto niya para maligo dahil ang dami na niyang sugat sa katawan. I thanked him for the gift at tumingin sa iba na isa-isa nang naglapag ng mga regalo nila dito sa mesa.

Jun also walked towards me and gave me something. Si Xy naman ay nag-uunahan pa sila ni Hoshi kung sino ang unang makakabigay sa akin ng regalo. That demon kid was just eating cake besides Duke. And even though Duke can't see the kid, it seemed like he formed some sort of connection with the kid.

Napalingon naman kaming lahat sa pinto ng mansion noong binuksan ito ni Milo. Nakita ko si Lorisse na nakatayo sa tapat ng pinto at may dalang box.

"Xinny, nandito si Lorisse," nakangiting sabi ni Milo kaya tinukso siya nina Baxter kung bakit ganoon kalaki ang ngiti niya.

"Mga baliw," sabi niya sa mga 'to at pinapasok si Lorisse.

Nakita kong nahihiya pa si Lorisse habang naglalakad papunta sa akin. Having Team Alpha stare at her made her uncomfortable kaya tinapik ko ang balikat niya para kumalma siya. Niyakap niya naman ako at sinabing namiss niya ako sabay bigay sa akin ang regalo ko.

"Sorry for pretending I didn't know you. Sabi kasi ni Dad—"

"It's okay, Lorisse," nakangiti kong sabi sa kanya at kinurot-kurot ang kanyang pisngi. Bakit ba kasi ang cute nito? Lumapit naman si Miu sa kanya at binati siya and then we heard another doorbell. Tumaas ang kilay ni Milo pero naglakad rin naman siya papunta sa pinto para buksan ito.

"Oh, hi." Rinig kong bati niya at alam ko na kaagad kung sino ang kausap niya sa tingin pa lang sa mukha ni Wolfie.

"Walter, your girlfriend's here!" sigaw ni Baxter sa kanya mula rito sa baba.

Narinig namin kaagad ang kalabog mula sa taas. Yumuko naman si Keya at dahan-dahang naglakad papasok noong inaya siya ni Milo. Nakatingin sa kanya ang team habang nakatayo lang siya doon sa pinto. She seemed to not know what to do without Walter's presence.

It's quite fascinating to see her this quiet. She used to be the loudest one.

Umangat ang gilid ng labi ko nang makita kong may dala-dala siyang box na tinatago niya sa likod niya. Her coat was a bit wet dahilan para tumingin ako sa labas. It was raining lightly outside. Tiningnan ko na lang si Hoshi. I titled my head at agad naman siyang tumango tsaka nilapitan si Keya at kinausap ito.

Umupo ako sa tabi ni Jun at tiningnan muna si Dino na naglalaro ng fireball doon sa carpet. Seth went to look at the window at nagtaka pa kung bakit umuulan na kahit wala naman siyang ginagawa.

"It's just a natural calamity, Seth," ani Vernon sa kanya at inakbayan siya tsaka pinaupo sa sofa. Maya-maya ay bumaba na si Walter at lumapit siya kay Keya tsaka pinunasan ng tissue ang basa sa noo nito at sa pisngi.

"Ang galing~ kay Keya ang sweet tapos kay Duke bigla-bigla na lang pinapasuntok," ani Baxter sa kanila pero siya naman ang may hawak-hawak ng tissue box.

Walter was the one who handed me the gift because Keya was too guilty to face me. Walter wasn't even fazed since he's the one who did it. "Chill, babe. Hindi naman nangangagat si Xin. Si Wolfie lang." Sinipa kaagad ni Wolfie si Walter at tiningnan ako ni Keya. Ngumiti siya sa akin. Tumango ako at hindi na umimik pa.

Tumingin na lang ako sa TV na nagpapalabas ng news. It's said that there's a storm coming today. Saglit akong natigilan dahil sa nabasa ko. Kaya ba walang pasok ngayon kasi may bagyo? Is this why Sir Jez handed me the gift in advance and why the gods celebrated my birthday yesterday and not today because of the storm?

Lost SinisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon