Chapter 36

9K 356 149
                                    

'State of Confusion'


"Hey..."

Dahan-dahan akong tumingin kay Matthew na may dalang hot choco. It's nighttime at nandito ako sa terrace, nakaupo sa railings at nakasandal sa pader. Ngumiti ako sa kanya at binalik ang tingin ko sa buwan. Nakita kong nilapag ni Matthew sa railing ang hot choco na dala niya at tumingin sa akin.

Lumapit siya sa akin at kinuha ang palad ko para ilagay roon ang isang tasa ng hot choco. Tiningnan ko siya na nakatingin sa mga kamay ko habang ginagawa niya 'yon.

"It's okay. Hindi pa naman natin alam na ikaw talaga 'yon," mahina niyang sabi habang nakatingin sa hot choco na hawak ko. Tiningnan ko na lang ang Alpha symbol ko at tumango. Right, I don't have the symbol from Wolfie's imprint kaya hindi pa kami nakakasiguro na ako 'yon.

I was deep in my thoughts when another thing crossed my mind.

"Hey, Matt," mahina kong tawag sa kanya dahilan para tumingin siya sa akin.

"Not every imprint has a symbol though." Nakita kong yumuko siya at tumango.

"Just go to sleep after this, okay? You need rest," nakangiti niyang sabi at hinawakan na ang balikat ko. Tumango ako at ngumiti sa kanya tsaka umalis na. Tumingin ako sa puno roon sa field habang iniinom ang hot choco na binigay ni Matthew.

I tasted the chocolate and stopped for a while tsaka tiningnan ang cup na binigay niya. Kumunot ang noo ko nang makita makita akong kakaiba sa cup. It was illuminating. Agad akong gumawa ng light ball at itinapat ito sa mug na hawak ko at bigla na lang may naglitawan ang mga letra at bumuo ito sa salita.

'Sweet winter strawberries'
'Fiery phoenix flames'
'Intoxicated and drowning'

Kumunot ang noo ko sa mga nababasa ko. Kanino ba 'tong mug na 'to? Sounds like something Milo would say since he's the one who says beautiful words out of all of us here. Nagkibit-balikat na lang ako at inubos ang hot chocolate at bumaba na sa railings nang may humarang sa mukha ko.

Oh, it's a pixie.

"Hi," nakangiti kong bati dito. It smiled at me and moved away at doon ko nakitang may mga kasama pala ito. They flew around me. Some gave a flower to me and some of them put a flower crown on my head. Natawa ako at yumuko sa kanila bilang paggalang.

"Thank you," nakangiti kong sambit. They all giggled and left pepper kisses on my cheeks before flying away. I was still confused about what they did. I think I was in a trance while they were around. Kinuha ko ang flower crown at tiningnan ito.

Nakangiti akong pumasok sa loob at sinara na ang pinto papunta sa terrace tsaka naglakad na sa hallway habang nakatingin ako sa flower crown pero agad akong napahinto nang makita ko si Jun na kakalabas lang ng kwarto niya.

His hair was still a bit wet as if he just got out of the shower. May maliit na tuwalyang nakasabit sa leeg niya at tiningnan niya lang ako tsaka nagpatuloy sa paglalakad. I smiled bitterly at pumasok na sa kwarto ko natigilan ako nang makita kong may isang demonyo na nagbabasa ng libro sa kama ko. Tumingin siya sa akin at binalik ang tingin sa librong binabasa niya na parang wala siyang nakita.

"Luce! Off!" utos ko sa kanya pero napangiwi siya at tumingin sa akin.

"What am I? A dog?" tanong niya at inayos ang pagkakahiga sa kama ko.

He just made himself comfortable. Nameywang ako at tiningnan siya na parang walang planong umalis sa kama ko. Why am I somehow stuck with this demon? Nilapag ko ang mug na hawak ko sa ibabaw ng mini drawer at tiningnan si Luce.

Lost SinisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon