stars ; seven - meeting

Start from the beginning
                                    

"Meeting. Leaders of some selected Kpop groups. Pwede din na isama ang managers kaya naman nandito ako," sabi ni Manager, and I nodded.

"Namjoon? Darating ba ang manager niyo?" Dagdag pa ni Manager, at tinignan ko naman siya. Umiling siya habang nakangiti, kaya naman hindi na namin namalayan na nasa harapan na pala kami ng isang meeting room at nasa loob na ang iba pang members ng kpop groups.

Binuksan ni Manager yung door and we bowed to the people inside, lalo na dun sa nakasuit and tie na nasa head of the table.

Pinaupo na kami kaya magkatabi kami ni Namjoon.

Nasa kabilang side ko naman si Manager namin kaya komportable ako.

"So, first of all, don't get nervous for the sudden meeting, lalo na at magkakaiba kayo ng Entertainments. We are from the show Beach Camp Idols, and we are formally inviting your groups to join, to compete with each other." Sabi nung naka-suit and tie.

"So, we're gonna be in a show?" Tanong ni Gail, yung leader ng Sunflowers, with her bitchy tone.

Sa totoo lang? Gail has a poor attitude, at halos lahat ng girlgroups ay alam yan dahil naranasan na namin ang kagagahan niya.

Kahit na one year palang after their debut, ang lakas ng loob niya na magtrash talk sa aming mga groups na mas nauna sa industry kesa sa kanila. Hindi rin naman sila ganun kagaling, pero bearable pa din, kung hindi ka masyadong bihasa sa larangan ng musika.

Jisoo, who was also here with us, looked at me at nagshare kami ng annoyed glance. Parehas ang group namin na nakaranas ng ugali nila Gail.

"Yes. The groups na nandito ngayon, please say present,"

"BTS,"

"Present,"

"Dreamcatchers,"

"Present,"

"Blackpink,"

"Present,"

"Exo,"

"Present,"

"Seventeen,"

"Present,"

"Sunflower,"

"Present,"

"Got7,"

"Present,"

Ngayon ko lang narealize na yun pala ang mga nandito kasi, inaantok ako at  hindi ako nagkaroon ng sapat na oras para pakinggan o tignan kung sino na ang nandito.

"What are we going to do in the show po?" Asked Jisoo, and I nodded. Parehas ang tumatakbo sa utak namin.

Nagkamot naman ng beard yung nakasuit and tie bago siya mag-lean in at sagutin yung tanong ni Jisoo.

"Each group represents their own team. Magkakaroon kayo ng three day camp sa isang beach, at ang laman ng activities sa camp na yun ay ang competitions between the groups. The goal is to get the highest number of points as well as tighten your bonds together through teamwork, habang ang isa pang goal ay ang matuto kayo ng mga dapat niyong matutunan sa bawat isa. There will be tasks kung saan kailangan niyong makipag-interact sa members ng ibang groups, so it should be fun," sabi nung lalaki, kaya naman I grinned at nagkatinginan ulit kami ni Jisoo.

She gave me a thumbs up kaya naman I gave her one as well. Both being the eldest in our groups, Jisoo and I are also friends pero hindi kami kasing close ni Jimin.

"So, does anyone wanna back out?" Asked the guy, pero walang sumagot sa amin kaya naman ay he grinned then gave us each a copy of some papers to sign.

Nung makarating na sa akin ang copy ko ay nangiti ako. A vacation as well as fun ay ang kailangan ng members namin, kaya naman this can mean both work as well as vacation.

Without any hesitation, agad kong pinirmahan yung contract and then we gave the man his papers back.

The meeting was finally dismissed natapos na nagshake hands kaming lahat. Kasabay ko nanamang naglalakad si Namjoon at si Manager namin kaya naman alam ko na kasabay ko ulit sila na uuwi.

Nung makalabas na kami sa glass doors ay agad kong naalala yung bilin ni Marione kaya naman sinabi ko yun kay Manager.

"Manager. Let's go buy some cookies, first," sabi ko, kaya naman nagtaka siya.

"Para saan?" Kahit na si Namjoon na katabi ko na ngayon ulit sa backseat ay nakakunot ng kaunti ang noo dahil hindi rin naman niya alam.

"Marione loves cookies. Let's go buy some," sabi ko, at nginitian naman ako ni Manager.

"You do love the Maknae?" Sabi niya, and I nodded. Kung parang kapatid na ang turing ko sa Dreamcatchers? Siguro si Marione yung pinakaclose kong kapatid.

"Akala ko ba you can order Jimin and Yoongi around today?" Tanong ni Namjoon, kaya naman my face lit up at tumawa siya.

"Tama! Manager, let's go home. Magkakaroon tayo ng delivery boys. Namjoon? You can hang out with us in the dorm. We can hang out and watch movies. Ayain mo na din yung members mo," sabi ko, and he grinned at me.

"Really?" He asked, kaya naman I nodded.

"Have fun, Namjoon, Charlene, pasabi na din sa members niyo. But not too much fun. Baka pagbalik ko ginawa mo nanamang kumot yung kurtina tapos magbaliw baliw nanaman kayo,"

"Can't promise,"

"Charlene?"

"Fine."

stars ♧ min yoongi semi-au [ UNDER EDITING ]Where stories live. Discover now