Chapter Twenty-Three

16.4K 218 16
                                    

CHAPTER TWENTY-THREE

Nasa mall ako at kasama si Andrew. May kailangan akong bilhin para sa foundation day. Busy si Rachel kaya siya ang nag-volunteer na samahan ako. Pakiramdam ko parang may sumusunod sa amin. 

Bigla akong natigilan nang makita ko si Josh. Papalapit sa kinarororonan ko. Galit na galit ang hitsura niya. Napakabilis ng mga pangyayari. Nakita ko si Andrew na nakahandusay sa daanan at nagdudrugo ang panga. Hinawakan ni Josh ang kamay ko at hinila ako palayo kay Andrew. 

“Josh, bakit nandito ka? Sinong kasama mo?”

“Wala akong kasama. Instinct. Alam kong nandito ka kaya pinuntahan kita.”

“Bakit bigla mo na lang sinuntok si Andrew?”

Tumigil siya paglalakad at tiningnan ako. “Naalala ko na ang lahat pagkakita ko sa kanya, Annette. “

“Ha? Anong ibig mong sabihin?”

“Siya ang lalaking humampas sa akin ng kahoy sa ulo. Nakita ko siya bago ako nawalan ng malay.”

Bigla akong nagtatakbo pabalik sa kinaroroonan ni Andrew. Naabutan kong pinapagpag niya ang kanyang damit at pinupunasan ang kanyang putok na labi. 

“Andrew!” sinipa ko siya sa pagitan ng kanyang hita at dinagukan.

“Arrrgh!” sigaw niya.

“Miss, tama na,” awat ng guard.

“Saan po ba may pinakamalapit na presinto dito? Ipakukulong ko ang hayop na ito.”

“Annette, tama na,” sabi ni Josh na yakap-yakap ako sa beywang. “Naka-blotter naman na siya. Hindi na yan makakaligtas.”

“Dapat lang! Kundi ako ang papatay sa kanya!”

Ang Boyfriend Kong Genius (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon