Chapter Eight

22K 295 4
                                    

CHAPTER EIGHT

First day of classes ko sa university. Di ko kasabay pumasok si Josh. Usapan namin na di kami dapat makitang magkasabay na papasok at uuwi.

Okay lang. Yon naman talaga dapat. Di naman kami in a relationship. 

Unang subject ko ang English. Marami-rami rin kami sa class. Mas marami ang lalaki kesa babae. Kinakabahan ako. Di ako sanay na may kaklaseng lalaki. Nasanay ako na puro babae lang ang mga kaklase ko. Maya-maya ay dumating na ang professor namin.

"Good morning, class!" bati ng professor namin. "Please write your name legibly on the classcards that I will give you."

Maya-maya ay nagsalita ulit siya. "I will give you the scope and sequence of this course. Group yourselves into four and choose your leader."

Bigla akong tinapik ng girl na katabi ko. "Hey! I'm Rachel Perez. Groupmates na tayo ha," pagpapakilala niya sabay abot ang kamay.

Nagshake hands kami.

"Hi! I'm Annete Escalante. Nice meeting you."

"Oh, these are my friends. Angelo Rivera and Rodney Tuazon. Sila makakagrupo natin."

"Hi! Nice meeting you," bati ko.

"Angelo, ikaw na mag-leader. Palagi na lang ako since high school," utos ni Rachel.

"Ano pa nga bang magagawa ko?" 

Maya-maya ay pinapunta sa harap ang lahat ng leaders para sa assigned report.

"Number three tayo."

"Whoa! Malas ka talaga pagdating sa bunutan, Bro!" sabi ni Rodney.

"Sinadya ko bang yon ang mabunot ko ha?" naiinis nitong sabi.

"Hey! Tama na yan. Let's divide our reports. Pasensya ka na sa kanila, Annette. Ganyan lang talaga kakukulit yang mga yan."

"Okay lang. Masasanay din ako sa kanila."

"Correct!" sabay na sabi nina Angelo at Rodney.

Mukha naman silang mababait kaya walang problema. 

Kaklase ko si Rachel sa lahat ng subjects ko kaya kami ang buddy-buddy. Madalas din kaming mapagkamalang kambal dahil magka-shape ang face namin at pati haba ng aming buhok. Masaya ako kasi may naging friend agad ako sa university.

Hindi kami nagkikita sa university ni Josh. Magkalayo ang building namin. Kaya sa condo na lang kami nagkikita. Nagkakausap lang kami kapag may gusto kaming itanong o sabihin sa isa't isa. Wala kaming pakialam sa personal naming buhay. Walang nagtatanong about sa lovelife.

Two weeks na ang nakalipas. Nasasanay na rin ako sa co-ed university. Marami-rami na rin akong kabatian. Minsan pa lang akong nakauwi sa bahay at puro pang-aasar lang ang ginawa ng kapatid kong si Anthony. 

"Hey, girl! Alam mo na ba ang big news?" tanong ni Rachel.

"What?" 

"Tatakbong President ng SG si Reizen Reyes! Ang captain ng soccer team!"

"So?"

"Ano ka ba? Sikat na sikat kaya siya lalo na sa girls. Bakit ganyan ka? Ang gwapo-gwapo kaya niya," kinikilig na sabi ni Rachel.

"Ows, talaga? Gwapo na ba talaga sa yo yon?"

"Hello? Parang ikaw lang ang hindi nagwagwapuhan sa kanya."

Natahimik ako. Sa totoo lang gwapong-gwapo ako kay Reizen. Hindi ko lang masabi sa kanya.

"Hoy! Natahimik ka dyan. Parang nananaginip ka pa ng gising a!"

Biglang namula ang mukha ko.

"Uy! Kunwari pa na di siya nagwagwapuhan e mukhang crush mo siya, girl!" panunukso niya.

"Hindi a!" tanggi ko.

Natawa lang si Rachel sa sagot ko.

Ang Boyfriend Kong Genius (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon